Next will be the Epilogue. I hope you like it. I just wanna say thank you for supporting my story. Though I just write to kill my boredom but still thank you, to my few readers :)
Chapter 34
Sila pa pala ni Xylene pero bakit sinabi niyang gusto niya ako? Pinapaasa niya lang ba ako? Mabilis kong ipinahid ang luha na dumaloy sa pisngi ko.
Ngayong huling araw namin rito ay mag-eempake na kami ng mga gamit namin. Buti na lang at mamayang ala una pa ang flight namin, kaya may oras pa ako para personal na makapag paalam kay Bella at Axel.
Pagkatapos ko itupi ang mga damit ko ay inilagay ko ito sa maleta. Lumapit naman ako sa isa ko pang kabinet. Nang buksan ko iyon ay malungkot akong napangiti ng makita ang isang box na pinakatataguan ko simula ng elementary pa ako.
Kinuha ko iyon at ipinatong sa kama. Marahan kong binuksan ang takip ng box kaya sinalubong ako nito ng maraming alaala. Kinuha ko ang isang larawan na nandoon, class picture iyon noong elementery pa lang ako, classmate ko si Andrew dito at hindi ko inaasahan magkakatabi kami kaya ang ginawa ko ay ikini-crop ko ito saka pinadevelop para magmukhang kami lang ang dalawa niyon sa picture. Sa likod ng litrato ay may nakasulat na 'Unang beses na nakatabi ko siya' with smile emoji.
Naiiling na natawa ako. Ito yung mga panahong kahit na may babae siyang kasama natutuwa pa ako dahil gusto ko masubaybayan ang love story nila. Suportado ko parin siya kahit nalaman ko na may iba na naman siyang crush. Pero ngayon bakit nagbago na? Makita ko lang na kasama niya si Xylene parang pinipiga na ang puso ko.
Ang sunod ko namang kinuha ay ang mga pictures ni Andrew na stolen. Masaya itong nakatawa sa picture o dikaya'y nakangiti.
Walang makikita dito na picture ni Andrew na nakasimangot dahil talagang sinadya kong picture-an siya tuwing nakikita ko siyang nakatawa o nakangiti.
Marami pang mga bagay doon na tungkol kay Andrew pero hindi ko na gaanong tinignan ang iba. Ganoon rin naman, e. Kahit alalahanin ko man iyon mananatili pa rin iyong alaala na lang.
Inilagay ko ito sa isang box kasama na iyong mga love letters ko kay Andrew noon na hindi naibigay sakanya. Napatingala ako pagkatapos masara ang box.
I'll give this to Andrew. Nasa kanya na iyon kung itatago niya ba 'to o itatapon.
Ilang minuto pa akong nanatili sa kwarto ko para sa pag-aayos ng gamit bago ko naisipang pumunta na sa meeting place namin ni Axel at Bella.
Sa park ang napagusapan namin kung saan kami magkikita. Malapit lang naman iyon sa bahay namin kaya hindi na ako nag-abala pang mag tricycle. Nilakad ko na lang.
Napatingin ako sa relo sa aking bisig. Alas onse na at dalawang oras na lang na lang aalis na kami.
Napatingin tingin ako sa paligid. Hanggang ngayon ay wala pa ang dalawa. Pero sabagay masyado akong maaaga sa meeting time namin.
Naramdaman kong parang may nakatingin sa likod ko kaya lumingon ako para tignan ito. Nagtaka ako ng wala naman akong nakitang ibang kakaiba kaya nagkibit balikat na lamang ako. Napaparanoid lang siguro ako. Pero kanina pa ito, e.
Pakiramdam ko may nakasunod sa akin kanina pa simula ng umalis ako sa bahay namin.
Muli akong lumingon sa likod ng maramdaman na naman na parang may nakatitig sakin pero katulad kanina ay wala namang kakaiba. Biglang nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan.
Ngayon alam ko na ang feeling ni Andrew sa ginawa kong pang-istalk ko sa kanya dati tuwing sinusundan ko siya ng palihim. Nakakatakot pala talaga.
Hindi ko na lang pinansin ito. Ilang minuto na lang naman ang hihintayin ko bago dumating ang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)
Teen FictionStalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugumiya as Andrew Stanler Yaya Urassaya as Aaliyah Blaire Perez •••••••• Cover's not mine. Credits to t...