Chapter 16
Napapayuko ako sa paglalakad tuwing tumitingin ang ibang estudyante sa'kin. Hindi ako sanay kaya naiilang ako habang binabagtas ang room ko.
'Who's that? Is she a transferee?'
'Dunno. I think so.'Marami pa akong naririnig na bulungan pero hindi ko na lang pinansin pa.
Mabuti na lang pagdating ko sa room namin ay ako pa lang mag-isa. Yumuko muna ako sa arm chair para matulog. Simula kasi nang ipakilala ako ni Andrew sa parents niya hindi na naging maaayos ang pagtulog ko sa kakaisip masyado na botong boto sa'kin ang parents niya. Ewan pero ang saya saya ko. Feeling ko tanggap na nila akong maging manugang nila. Hihi.
"Aaliyaaaaah!"
Napataas ang ulo ko ng marinig ang matinis na boses ni Bella.
Napatabon siya sa kanyang bibig na para bang nakakita ng multo sa sobrang pagkagulat nang makalapait ito sa akin.
"Oh my gosh! Is that you, Aaliyah? Kyaaah. You're so pretty! Straight na 'tong buhok mo, tapos hindi ka na naka glasses, contact lense na gamit mo at ano 'to huh? Nagli-lipstick ka na rin? Parang noong nakaraan lang kailangan pa kitang itali sa magkabilang kamay para lang hindi ka magwala tuwing inaayusan kita. Omo! You changed for the better. I'm so happy for you." Mahaba niyang litanya saka niyakap ako ng mahigpit.
I inhaled before pushing her away from me. Sa sobrang higpit hindi na ako makahinga, e.
"I did this not for myself but for Andrew, Bella." Tugon ko saka nilampasan siya. Umupo ako sa upuan ko habang si Bella ay nakasunod pa rin sa'kin.
"Andrew, Andrew, Andrew. Palagi na lang Andrew akala ko pa naman makakaget over ka na sa kanya." Komento ni Bella saka tinaasan ako ng kilay.
"Paano ko makakalimutan si Andrew kung palagi kaming magkasama? Tch."
"Duh, Aaliyah. Kung disido ka talagang kalimutan siya magagawa mo naman 'yun, e." I looked at her once before sighing. 'Yun na nga ang problema, e. Paano ko kakalimutin ang isang taong matagal na nagbibigay ng ngiti sa'kin kahit palihim?
Nagpasama ako kay Bella na pumunta sa comfort room. Buti na lang at sinamahan niya ako. Nakakailang kasi masyado ang tingin sa akin ng iba.
Sabay kaming naglakad ni Aaliyah pabalik ng room. Hindi ko nalamang pinansin ang ibang mga tinginan ng nakakasalubong namin.
"Uhm... hi? W-What's your name?" Napilitan kaming huminto ni Bella ng bigla na lamang may huminto na lalaki sa harap namin. Nagulat ako ng makitang si Axel iyon, classmate namin ni Bella na mahiyain. Namumula ang kanyang dalawang tenga habang nagkakamot ng batok. Ang cute!
Napakagat labi ako para itago ang tawa. Ang cute niya sobra. Para siyang bata na nagcoconfess sa crush niya.
Siniko ako ni Bella ng mahina kaya napatingin ako sakanya. Sumenyas siya na pansinin ko si Axel kaya ngumiti ako sa kanya. Ni hindi man lang makayang makipag eye contact sa 'kin dahil panay ito yuko.
"Ako 'to si Aaliyah, ano ka ba naman Axel." natatawa kong tugon ko sa kanya. Napahinto siya sandali na para bang nagiisip bago lumiwanag ang kanyang mukha. Ngayon ay nakaya na niyang makipag titigan sa'kin.
"You mean yung nerd na classmate ko? Wow! Hindi na kita nakilala sa transformation mo, ah. You're pretty." Ako naman ngayon ang nahiya sa sinabi niya. Ganon ba talaga kalaki ang pinagbago ng anyo ko na hindi na ako nakilala ni Axel? There was a time when he helped me carry my books kaya medyo acquaintance naman kami.
Masyadong tahimik lang si Axel sa room namin kaya nakakapanibago na kinakausap niya ako. Magsasalita lang siguro siya kung may oral recitation o 'di kaya ay may activities pero so far he's quiet all the time. Nakangisi naman si Bella na nasa gilid ko.
"Thank you, saan punta mo?" Pagiiba ko ng topic.
"Papunta na sana ako sa room. Tara sabay na tayo?" Ngumiti naman ako saka sumabay sa kanya. Napatingin ako kay Bella ng hindi ito sumabay sa paglalakad namin.
Nakangisi pa rin ito hanggang ngayon at nanunuksong nakatingin sa amin.
"Bella?" Kinunutan ko siya ng noo. Para sabihing sumunod siya pero kabaligtaran naman ang ginawa niya.
Humito rin si Axel sa paglalakad at tumingin rin kay Bella na ngayon ay 'kunyaring' iniinda ang sakit sa tiyan.
"Ang sakit ng tiyan ko. Kailangan ko yatang bumalik sa Cr. Mauna na kayo Axel, Aaliyah. Susunod rin ako!" Hindi pa man kami nakatugon sa paalam niya ay mabilis nang tumakbo si Bella sa direksyon na pinanggalingan namin kanina. Napasapo naman ako sa aking noo. Ano na naman bang trip nitong si Bella?
"Ayos lang ba si Bella?" Tanong ni Axel saka muling naglakad papunta sa room. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"Ayos lang 'yon. By the way, hindi ako sanay na nagsasalita ka na ngayon," Komento ko rito para na rin maiba ang topic. Napatingin ako sa kanya ng gulat ng marinig ko siyang tumawa. Hindi naman mahina, hindi rin malakas. Sakto lang para marinig ko ang makapanindig balahibo niyang tawa. Once in a bluemoon lang kung tumawa ito si Axel. Kadalasan ay nakasimangot ito at walang emosyon kaya nakakapanibago.
"You laughed." Sambit ko rito habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Of course, tao rin naman ako. Tumatawa kung may nakakatawa" Then he chuckled again. Siguro nga people changed it's either in a good way or in a bad way. And in Axel's case he changed in a good way, and I think it's good to know it.
I smiled on him. When I first looked at him, he seems so cold to everyone. But it's actually opposite on what I thought. The smile on his face makes him attractive.
"You should smile more often. Mas lalo kang gumagwapo." Komento ko. Nahihiya naman siyang napakamot sa kanyang batok na ipinagtaka ko.
Aasarin ko pa sana siya ng makarinig kami ng pagtikhim sa gilid namin. It's Andrew with a serious face. He is leaning on a wall and both of his hand is on his pocket.
Our eyes locked. I feel like I'm cheating on him with Axel and he caught me. Gosh! I don't want to feel this way.
****
She's Yaya Urassaya Sperbund. Pretty isn't she?
BINABASA MO ANG
My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)
JugendliteraturStalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugumiya as Andrew Stanler Yaya Urassaya as Aaliyah Blaire Perez •••••••• Cover's not mine. Credits to t...