Chapter 20Sinimulan ko ng linisin ang sala ni Andrew. Hindi naman gaanong kakalat kaya madali lang rin ako natapos.
Sinunod ko namang nilinisan ay ang kusina niya. Mas makalat dito kumpara sa sala kaya siguradong aabutin akong oras sa paglilinis ng kusina niya. Inilagay ko sa lababo lahat ng maduming mga kagamitan. Pinunasan ang lamesa at upuan, in-arrange ang mga kasangkapan sa pangluluto na hindi naman ginagamit at ang paghuli ay naghugas ng sandamakmak na hugasin.
Napatingin ako sa wall clock. Napabuga ako ng hangin ng makitang alas singko na sa hapon, siguradong pauwi na ang kamahalan.
Ang sunod ko namang ginawa ay magluto ng magiging dinner ni Andrew. Binuksan ko ang fridge niya, napasimangot ako ng makitang kakaunti na lamang ang laman niyon. Bukas na lang siguro ako maggo-grocery.
Dahil may nakita akong baboy ay naisipan ko na lang na mag sinigang. Ikalawa naman 'to sa paborito ni Andrew kaya siguradong masasarapan ang kamahalan sa luto ko.
Bigla namang pumasok sa isip ko ang pag-aaway namin kahapon. Siguro kailangan ko ng magsorry mamaya pagdating niya. Masyado akong naging judgemental sa kanya. It's all my fault kung sana tumahimik na lang ako at pinabayaan ang mga nangyayari hindi na aabot sa puntong susuklaman ako ni Andrew.
Yung dare sakin ni Bella na paibigin si Andrew. Mukhang hindi ko kaya, e. Ngayon pa lang sumusuko na ako. I can't make him fall inlove with me. He's so tough, cold and mysterious. Hindi ko kaya.
Pagkatapos ko sa kusina ay naisipan ko namang sa kwarto na ako ni Andrew maglilinis. Sa ilang araw kong pagpunta rito ngayon pa lang ako maglilinis sa loob ng kwarto ni Andrew. Hindi niya kasi ako hinahayaang makapasok rito.
Mingat kong pinihit ang seradura bago pumasok sakanyang kwarto. Nagulat ako ng makitang napakalinis ng kwarto niya. Mahihiya ang alikabok kumapit sa mga gamit dito sa kwarto sa sobrang linis. Kung gaano kinalinis ng kwarto niya ay siya namang ikinadumi ng sala't kusina niya. Napailing ako.
His bed is enough for him with a color of dark blue and black. Sa gilid ay maliit na side table. May walk-in-closet rin sa harapan ng kama niya. May couch nasakto ang isang tao kung hihiga. All in all napakalinis at organize ng mga gamit niya.
Napatingin ako sa isang pintuan malayo layo sa kama niya. Siguradong doon ang Comfort room niya. Mahina kong pinihit ang seradura ng pinto. A manly scent welcome me. Suminghap ako. Hmm amoy Andrew. Natawa naman ako sa naisip.
Napatingin ako sa gilid nang may makita akong nakatambak na mga labhanan. At dahil maaga pa naman ay naisipan kong labahan muna ang mga de-color ni Andrew. Gamit ang washing machine ay napadali ang paglalaba ko. Ginamit ko rin ang dryer para madaling matuyo.
Napatingin ako sa phone ko ng bigla na lang ito tumunog. Nabigla ako ng makitang alas syete na at hindi pa umuuwi si Andrew. Mabuti na lang natapos na rin ako sa ginagawa ko.
Lumanghap muna ako ng hangin bago sinagot ang tawag.
"K-kuya Aijan?"
"Where are you?" Kinabahan agad ako sa tono ng pagtatanong ni Kuya. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Lagot ako nito!
"K-kuya Aijan." Huminga muna ako ng malalim bago dugtungan ang sinasabi.
"Nasa condo ako ni Andrew may--"
"Mabuti naman. Akala ko ay gumagala ka pa. Umuwi ka na maya-maya, okay?" Tila nabunutan ng tinik ang tinig ni kuya ng sabihin kong na sa condo ako ni Andrew. What's that?
"okay?" Nagtataka ko tugon bago pa man ako makasagot ay nababaan na ako ng tawag ni kuya.
Anyare? Dati ay napaka over-protective ng kuya ko lalo na kapag ginagabi na ako sa pag-uwi. Sesermonan ako ng sesermonan niyon hanggang hindi ako umuuwi pero ngayon? Sinabi ko lang na nasa condo ako ni Andrew ay walang pagdadalawang isip siyang sumang-ayon.
What did you do to my brother, Andrew?
Nabulabog ako sa pag-iisip ng makarinig ako ng malakas na kalabog sa sala. Nanlaki ang mata ko bago nagmamadaling pumunta sa sala. Napatakip ako sa aking bibig ng makitang nakahiga sa malamig na tiles si Andrew habang nakapikit ang mga mata.
"A-andrew." Nauutal na tawag ko rito. Mabilis akong lumapit sakanya para alalayan siyang tumayo pero nanuot agad sa ilong ko ang amoy ng alak.
"Hmm." Tanging tugon lamang niya. Nakapikit pa rin ang mata.
Kahit na nabibigatan sa pagkakabuhat ko sakanya ay tiniis ko. Pasalampak ko siyang inihiga sa sofa.
"Ugh! Why did you drunk, Andrew?" Tanong ko rito kahit na suntok sa buwan kung masasagot niya ako. Nakasimangot lang akong nakamasid sakanya. His breathing is heavy palatandaan na tulog na tulog talaga ito.
Napatingin naman ako sakanyang damit na nalukot at pantalon na malapit ng mahubad pero may sapaw naman. He looks wasted. Bakit kaya naisipan niyang magpakalasing? Let's just say na umiinom talaga siya pero hindi naman umaabot sa punto na magiging ganito na siya kalasing. He has a high tolerance in alcohol matagal si Andrew malasing. But why the heck he's drunk?
I hesitate to change is cloth but in the end I think I don't have any choice. Makalat kung minsan ang condo ni Andrew but he's actually clean. Hindi maaatim ng konsensya ko na pabayaan siyang nakaganito lang.
Iniwan ko muna siya saglit sa sofa para kumuha ng maligamgam na tubig na nasa maliit na planggana na may towel. Inilagay ko muna ito sa side table bago muling umalis para kumuha naman ng t-shirt niya.
When I came back he's still in his position when I leave him. Tipid na napangiti ako bago umiling.
Pa-indian seat akong umupo sa sahig while Andrew is on his sofa. Pikit mata kong tinanggal ang polo na suot ni Andrew though I can't take my eyes on him as soon as my eyes landed on his... Ahm abs. >.<
I shake my thoughts away
Hirap na hirap naman akong bihisan siya ng mas komportableng damit. He's heavy that it takes minutes to put on his shirt.
Hinihingal na napasalampak naman ako sahig. It's not really easy to babysit a drunk man. I sighed.
Piniga ko muna towel na nasa tubig bago mahinhing pinunasan ang mukha niya. My eyes stop in his thick eyebrows down to his close eyes but you can still see clearly that he has a long eyelashes. My eyes move down to his smooth pointed nose, and lastly to his rosy kissable lip. I gulped.
The best view ever! Isang beses ko lang masasaksihan ang ganito kaya kailangan may picture ako. I gigled.
Kinuha ko sa aking bulsa ang phone. I opened the camera app bago ko ito itinutok sa natutulog na Andrew. May zoom-in at zoom-out na shots bago nakangiti kong itinago muli ito sa aking bulsa.
Bumalik muli ako sa pagtitig sakanya. Susulitin ko ang oras na titigan siya.
Nanginginig ang kamay ko ng mahinhin kong hawakan ang pisngi niya. Napalanghap ako ng hangin ng makitang gumalaw siya pero tulog parin naman kaya ipinagpatuloy ko ang paghawak sakanya.My eyes stopped on his lips. Matagal akong napatitig doon bago lumapit ng lumapit ang mukha ko sakanya.
Before I could even stop myself. Our lips met for the first time.
BINABASA MO ANG
My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)
Teen FictionStalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugumiya as Andrew Stanler Yaya Urassaya as Aaliyah Blaire Perez •••••••• Cover's not mine. Credits to t...