Chapter 9

786 22 0
                                    

Chapter 9

Mabilis akong napaupo sa pagkakahiga sa sofa. Hindi ko napansing nakatulog pala ako kanina.

Napatingin ako sa wall clock na nasa ibabaw ng malaking TV ni Andrew, nanlaki ang mata ko ng makitang alas singko na ng hapon. Apat na oras ang naging tulog ko!

Napaigtad ako nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko. Napakagat ako sa ibabang labi ng makita ang pangalan ni Kuya Aijan ang rumehistro.

Kinakabahan ko iyong sinagot, "h-hello Kuya," marahan ang bawat salita ko rito.

"Anong oras na, Aaliyah. Bakit hindi ka pa umuuwi?" nagpalinga linga ang ulo ko sa paligid na para bang naghahanap ng maisasagot.

"Ahm... sorry, pauwi na ako ngayon. Marami kasi 'tong ginawa namin kuya. Give me one hour, siguradong nand'yan na ako sa bahay," natahimik sa kabilang linya bago ko narinig ang malakas na pagbuga ng hangin ni Kuya.

Napakagat ako sa hinlalaking daliri sa sobrang kaba.

"Fine, bilisan mo. Umuwi ka agad,"

"Okay!" napatango-tango pa ako kahit na alam ko namang hindi niya makikita. Buti na lang at hindi ako pinilit ni Kuya na siya na ang susundo sa'kin.

Nilibot ko ang tingin nang hindi ko nakita si Andrew ay pinuntahan ko ito sa library pero katahimikan ang sumalubong sa'kin. Siguradong nasa kwarto niya na iyon.

Kumatok ako ng tatlong beses, nang walang narinig na ingay mula sa loob ay mahina kong pinihit ang pintuan ang seradura niya.

Nakita ko agad ito sa kanyang kama. Nakadapa ito at tanging short lang ang suot. Kaya kitang kita ko ang sexy nitong likod. Napalunok ako ng laway ng wala sa oras
"Andrew?" lumapit ako sa gilid ng kama niya.

Napatabon rin ako agad sa bibig nang makitang nakapikit ito at mahimbing na natutulog.

Namangha ako sa itsura niya, he still so beautiful even he's asleep. Na-deform ang labi nito sa pagakakaipit sa unan kaya nagmukha itong nakanguso. Kung pwede lang sanang picturan, ginawa ko na!

Ilang segundo lang akong nakatingin sa kanya bago ko naisipang magluto muna ng hapunan niya. 'Yung mabilis lutuin na ulam na lang ang lulutuin ko ngayon.

Nag-saing muna ako sa rice cooker, bago ihanda ang mga ingredients sa lulutuin kong adobong manok. Ilang minuto lang naman iyon lutuin at sigurado akong maluluto agad ang specialty ko.

Nag-gisa muna ko ng sibuyas at bawang. Bago ko ko inilagay ang nahiwa ng manok sa kawali. Nilagay ko ang toyo, suka, dahon ng laurel at pamintang buo. I add a little bit of brown sugar.

Naghintay ako ng ilang minuto bago iyon na luto. Napangiti pa ako ng maamoy ang niluto ko.

Pagkatapos ko maluto ang kanin at ang ulam ay nagsalin ako nito sa mangkok saka pinuwesto sa ibabaw ng lamesa.

Kumuha ako ng sticky notes sa dala kong sling bag saka isinulat roon ang mga katagang 'Sana masarapan ka, ubusin mo ha. Dito na lang ako mag-papaalam sa sulat na'to dahil mukhang napasarap ang tulog mo. Bye! See you on Monday. Pakabusog ka :)'

Inilagay ko ang sticky note sa lamesa para mabasa niya agad.

Nilibot niya ang tingin sa condo ni Andrew nagmumukha na itong condo dahil sa maaliwalas na ito at malinis hindi katulad kanina na mukhang ginawang tambakan na ng basura.

My Stalker, My Slave [COMPLETED] (Editing...)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon