01: Prologue

378 7 0
                                    

17 students... They're the super duper Unlucky high schooler chosen by Crimson Academy

-----

"Congrats Anikka! You won the Worlds Piano Competition! And since ikaw ang nanalo dito... You are the lucky one!" Masayang masayang sabi sa akin ni Mrs. Gotengco ang prinsipal ng St. Mary High School

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"After we talked about this make sure na walang makaka alam nito maliwanag ba?" Tumango nalang ako sa sinabi niya. Bakit naman kaya ako naging Lucky? Ay siguro nga talagang Lucky ako dahil sa nanalo ako sa Worlds Piano Competiton dala dala ang pangalan ng School  namin kaya din siguro proud sa akin ang School namin. Sana meron din akong pamilya para meron pang ibang sosoporta sa akin bukod sa paaralang ito

"Tumatanggap kasi ngayon ang Crimson Academy ng New Enrolees at..." Pabitin sa akin ni Mrs. Gotengco

"At?"

"At kinukuha ka nila para makapag enroll!" Nagulat ako sa sinabi ni Mrs. Principal at may kinuha siyang papel at inabot sa akin

"Totoo ho ba ito?" Pinag katitigan ko ang papel na ibinigay sa akin ng principal at sinuri iyon. Isa pala itong form na nag sasabing kinukuha nga ako ng Crimson Academy. Totoo nga!

"Yes totoo yan at ang kailangan mo lang gawin ay pirmahan iyan" tapos itinuro niya ang ibabang bahagi ng papel. Binasa ko ito ng madalian at pumirma na. Pag katapos ko itong pirmahan ay kinuha na ito ng Principal.

"Ok, done. Siguro ay bukas sasamahan kita para ma-interview ka nila and then pack your things dahil doon ka na mag i-stay simula bukas" parehas kaming nakangiti ni Mrs. Gotengco. Napaka ganda naman ata ng salubong sa akin ng taong ito. Biruin mo, makakapasok na ako sa Crimson Academy - ang Acadmy na minimithi ng lahat. Balita ko iilan lang ang nakakapasok sa paaralang ito at ang mga masuswerteng iyon ay may kanya kanyang talento at talino

-----

NANDITO NA KAMI ngayon ni Mrs. Gotengco sa loob ng Principal Office ng Crimson Academy para daw sa interview at ilang kasunduan. Maya maya lang ay may sumulpot nang matandang lalaki na naka amerikanang itim ang umupo kaharap namin, marahil ito na ata ang principal.

"Good Morning Mrs. Gotengco and Ms. Baltazar"

"Good Morning din po" sabay na tugon namin dito.

"Ako nga pala si Mr. Noriel ang ex-principal ng Crimson Academy at kasalukuyang Coordinator nito. Anyway, ayakong mag patumpiktumpik pa. So Ms. Baltazar are you ready for our Contract?" Tumango nalang ako as a respound

"As an Enrolee student of Crimson Academy, You might have to spend the rest of your life within the confines of this school. Are you ok with that?"

"Yes, I am"

"Are you gonna obey the rules and regulation of this school?"

"Yes"

"Are you ready to be not involve to the out side world for this school?"

"Yes"

"And last, Promise us that you will keep the Secret of this School. What happen here stay here, Clear?" May pag diin ang pag bigkas nito sa huling 6 words

"Clear"

"Then Promise me" napa cross arm ito at napasandal sa kanyang upuan

"I, Anikka Baltazar promise that I will keep the secrets and obey the rules and regulation of this Academy no matter what"

"Very well said. Congrats you're now an official Student of Crimson Academy" nag katinginan pa kami ni Mrs. Gotengco at nag yakapan pero ang Coordinator ay naka Smirk lang.

Crimson Academy [School Of Despair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon