LARA'S POV
"Bakit ba kasi sunod ka ng sunod sa akin?!" Iritado kong hinarap ang babaeng kanina pang naka sunod sa akin. Siya nga pala si Zeny Nicole. Nameet ko siya kanina nung nag katutukan kami ng baril at papatayin na dapat namin ang isa't isa ang kaso nga lang ay napansin namin na pareho pala ang kulay ng baril namin kaya naman napag desisyonan nyang sundan na lamang ako.
"Assuming ka naman. Hindi ba pwedeng parehas lang tayo ng dinadaanan?" Inirapan nya ko kaya naman inirapan ko rin siya para fair.
"Parehas ng dinadaan eh wala nga tayong tamang direksyon kung saan tayo pwedeng makatakas dito!" Sigaw ko sa kanya kaya naman kumunot ang noo nito.
"Alam mo lara, ang liit liit mong tao pero ang lakas ng boses mo. 'Dan ka na nga! Ayako sa maiingay at baka mapaaga pa ko" pambabara niya sa akin at saka inunahan na nya akong mag lakad.
"Aba talaga lang ha! Sige lang! Tignan natin kung sino ang mauuna sa atin!" Hindi parin siya tumitigil sa pag lalakad samantalang ako'y heto parin at naka tayo kung saan niya ko iniwan kanina.
"Sa liit mong yan malamang ako ang mauuna! Pero mag iiwan lang ako ng isang kataga sayo lara! 'Daig ng malaking tahimik ang maliit na maingay'!" Ang lakas talaga ng babaeng 'yon para pag salitaan ako ng ganon! Sino ba siya sa akala niya? Minamaliit niya ang tulad kong kayang mag tago kahit saan!
"Wow ha! Bahala ka nga sa buhay mo!" Napahinto siya dahil sa sinabi ko kaya naman napa ngiti ako
"Oh ano? Talo ka pala sa barahan eh-" bigla akong napatigil sa pag salita ng makarinig kami ng isang putok ng baril. Parehas kaming napalinga sa paligid ngunit wala naman kaming nakitang tao. Hindi ko alam kung nasaan ang nag paputok na iyon - mahirap pa naman ding makita iyon dahil nandito kami ngayon sa city district.
"Sino yan?" Kinakabahang tanong ko habang itinututok ang sandata ko.
"Lara wag ka ngang mainga-" napa upo na ako ng may marinig ulit kaming isa pang putok ng baril. Sa tunog ng baril na iyon ay parang palapit na ng palapit ang bumabaril sa amin. Napalingon ako sa gawi ni Nicole at laking gulat ko na lamang noong nakaupo na din siya sa lupa at may sugat sa kaliwang braso niya. Agad agad ko siyang nilapitan dahil sa patuloy na pag daing niya.
"A-ayos ka lang N-Nicole?" Nangangatog na tanong ko dahil kinakabahan na talaga ako.
"Sinabi ko naman kasi sayong wag kang maingay" pabulong ngunit may gigil sa bawat salitang binibitawan niya. Parang ako tuloy ang sinisisi niya kung bakit merong humahabol sa amin ngayon.
Nagulat ako ng bigla niya akong hinigit palayo at nag tago sa likod ng abandonadong building.
"Ililigaw natin siya basta ikaw ang bahala sa dulo at ako ang sundan mo. Marunong ka naman sigurong tumalon diba?" Napatango ako sa sinabi niya.
"Wag ka lang sanang lampa" sabi niya sabay takbo. Hindi ko na dapat siya susundan ang kaso nga lang ay mukhang maganda ang plano niya kaya naman sinundan ko nalang siya. Nang sumunod nga lang ako sa kanya ay bigla namang sumulpot ang isang lalaking mabilis na tumatakbo. Noong lumingon ako sa kanya ay nakatutok sa amin ang kanyang baril.
"Nicole bilis! Andito na siya!" Sigaw ko sa kanya at pag katapos noon ay nakarinig kami ng isa pang putok ng baril - mabuti na nga lang ay nakaliko kami kaagad.
Ilang beses na kaming paikot ikot hanggang sa nailigaw na talaga namin ang sumusunod sa akin. Humihingal kaming napatigil sa tapat ng isang abandonadong gusali.
"Pwede ba lara wag kang maingay! Aba, baka mamamaya nakabulagta ka na dyan sigaw ka parin ng sigaw" hinihingal na sabi nito.
"Ewan ko nga ba kung bakit pa kita naisama dito, naku kungdi kita sinama sa plano ko baka marinig ko nalang mamaya na patay ka na pala" dagdag pa nito. Yes, mabunganga din itong si Nicole pero I should be thankful dahil kung hindi nga sa plano niya ay baka i-announce nalang ni principal Luke na patay na nga ako.

BINABASA MO ANG
Crimson Academy [School Of Despair]
Bí ẩn / Giật gânA school that brings together the top students in various fields & aims to help them grow. It's a goverment recognized academy that operates on privilege Lahat ng studyante ay pinapangarap na makapasok sa paaralang ito, sino bang hindi? Halos lahat...