04: HASACA GO 1st day

78 6 0
                                    


ANIKKA





NAPAKA TAHIMIK NG paligid na halos huni ng ibon ay hindi mo marinig dito. Sa tingin ko nga ay walang kahit na hayop ang naka tira sa kagubatang ito.

Ito ako ngayon, nag lalakad sa kawalan at hindi alam kung saan tutungo ang tanging nasa isipan ko nalang ngayon ay ang mag hanap ng kahit isang co-district ko lang, kasi nakakamatay talaga ang katahimikan.

Noong una hindi ko inaasahang ganito pala ang dindanas ng mga taong nakakapasok dito. Biruin mo, napaka ganda ng feedback ng mga tao sa academy'ng ito pero sa loob looban pala nito ay may itinatagong malagim na sekreto. Hinahayaan nila ang mga walang kamuwang muwang na studyante na pumatay! Damn! Isang krimen yon! Sino ba namang gugustuhin ang mapatay? Diba wala naman?! Sht lang!

Kaya pala mga piling studyante lang ang kinukuha ng paaralang ito, kaya pala sila ang pumipili kung sino lang pwedeng makapasok dito. May mga laro pa silang nalalaman - pero ano nga ba talaga ang purpose ng larong ito? Ang mabawasan ang dumadaming populasyon ng pilipinas? O baka naman para gawin lang kaming tanga ng paaralang ito? Wala akong clue kung anong ginagawa namin salarong ito basta ang alam ko lang ay ang maka ligtas sa larong ito.

Napatingin ako sa aking CASG at 89:18:15 nalang ang natitirang oras at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan talaga ako. Nasa gitna na ba ako ng kagubatan? Or baka naman malapit na ako sa kabilang district or baka paikot ikot nalang ako dito. Wala akong clue kung nasaan na ba talaga ako. Sa ngayon ay kalungkutan ang bumabalot sa akin.

Tanghaling tapat na at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka ramdam ng gutom. Walang pag kain dito o kahit na anong klaseng prutas na makikita mo sa mga puno. Hindi katulad sa main campus na punong puno ng pag kain ang limang nag lalakihang ref nila na kahit anong pag kaing gusto mong kainin ay pwede mong kunin doon.


Naalala ko noon, dahil si Elmo pa ang nag luluto ng pag kain namin at masaya naming kinakain ang sunog niyang niluluto.


Napatutop ako sa bibig ko sa mga naisip ko. Noon? Wala akong maalalang nangyaring ganoon NOON dahil wala pang dalawang araw kaming nag kkasama sama pero weird dahil bigla bigla nalang nasulpot yon sa isip ko. Ang weird! Ano bang nang yayari sa akin? Epekto na ba ito ng pag iisa ko? Huhuhu mababaliw na ata ako shemay!


Napatigil ako sa pag lalakad ng bigla akong may narinig na kaloskos ng mga damo. Imposibleng hangin yon dahil hindi naman gaanong hangin dito.



Wahhhh!! Sabi na eh! Ito ung epekto ng pag iisa ko kaya kailangan ko na ng kasama! Huhu!


"S-sino yan?" Nauutal kong sabi dahil sa kaba. Napatigil saglit ang ingay pero bumalik ulit iyon pag kalipas ng ilang minuto. Kaya inihanda ko na ang aking sarili.


"S-sino sabi yan eh?! M-may tao ba dyan?" Bumilis ang kaluskos ng damo ng maya maya ay may lumabas dito na ikinagulat ko.


"Wahhhhhhh!!! Ano ba elmo?! Papatayin mo ba ko sa gulat?? Huhuhuhu" naluluha kong sabi sa kanya dahil sa biglaan niyang pag labas sa damuhan.


Nag pagpag siya ng kanyang damit na may dahon dahon.


"Fck! Ang ingay mo!" Simpleng sabi nito habang pinapagpag ang pants nya.


"A-anong ginagawa mo dito?" Buti nalang at dumating ka dahil mamamatay na ko dito sa takot - gusto ko sanang idagdag yan.


"Naligaw lang ako at hindi ko alam kung saan ako pupunta and luckily i found you. Tulungan mo ko sa mga direksyon d-dahil baka maligaw ako dito" nag iwas ito ng tingin sa akin.


"H-ha?" Naguguluhan kong sabi dito.


"Nevermind" he cross his arm nang malinis niya ang kanyang damit.


"Anong balak mo?" Tanong nito sa akin ng seryoso.


"B-balak ko?" Ano nga ba?


"Sa ngayon napag isip isip kong hanapin si Nicho dahil para sa akin ay siya ang natitirang pag asa natin dito" proud kong sabi dito na ikinangisi naman niya


"Why do you say so?"


"H-ha? A-no... Ahmmnn matalino siya at maraming alam baka siya na nga ang pag asa natin" sabi ko dito. Nag simula siyang mag lakad kaya sinabayan ko na siya.


"Ikaw? Anong balak mo?" Matanong ko lang


"Hmmnn.. Balak kong... Balak kong mabuhay. Maraming projects ang nag hihintay sa akin sa labas. Maraming supporters and fans. Sa totoo lang, maraming nalungkot nong sinabi ko sa kanilang mawawala muna ako ng ilang taon. Maraming umaasa na babalik ako kaya i choose to live" walang ka emosyong sabi nito pero para sa akin ay may pag kamahangin ito.


Sikat na sikat nga si Elmo, hindi lamang sa bansang ito kundi pati narin sa ibang bansa kaya paniguradong marami ngang malulungkot pag nawala siya.


"Pero... Bakit mo piniling pumasok dito?"


"I choose education over my career. Madaming magagandang feedbacks tungkol dito. Ang sabi din nila pag nag aral ka dito ay mapapalago ang talento so why can we give it a try? Sa una ay may maling kutob na ako dito sa paaralang ito pero pinilit ako ng manager ko kaya wala na kong nagawa. Kahit na ganito pala talaga dito" napatango tango ako sa sinabi niya


"Walang internet connection, walang kahit anong gadget, walang pinto - ni walang bintana. Hindi nila tayo hahayaang maka alis dito ng basta basta. Kung matalino na ang tingin mo kay Nicho, well mas matalino sila sa ating lahat" sabi nito habang biNabaybay ang kalawakan ng gubat


"Ano ba kasing ibig sabihin ng lahat ng ito? Bakit nila tayo hinahayaang mag kaganito?"

"I think this game is one of their tradisyon. Sa ngayon wala pang nakaka labas ng buhay dito - siguro ay dahil namatay silang lahat at patuloy na nag hahasik ng lagim ang Master Mind ng larong ito"


"Master Mind?" Naguguluhan kong tanong dito habang sinusundan ko siya.


"Yes, a mastermind. Isang robot ang prinsipal natin at malaki angchance na ang master mind ang nag co-control sa kanya. Ang master mind ay ang pasimuno ng larong ito. Ngayon, kung mahahanap natin siya - ang komokontrol sa robot na iyon, maaari tayong makaligtas sa larong ito ng walang kahirap hirap. Kaya naisip ng ulol na yon ang larong ito dahil nag tatago lang ang master mind sa tabi tabi, nag hihintay na mapatay natin siya" seryoso ang boses nito pero di ko siya maintindihan


"Hindi kita maintindihan"


"Hayaan mo, malalaman mo ang lahat ng iyan kapag nakarating sa game three"


"Teka nga" pinigilan ko siya sa pag lalakad at hinarap ko siya


"Bakit parang ang dami mong alam?" Dagdag ko dito


"Bakit? Dahil may naaalala ako. Tamang isang Idol lang ako at hindi kasing talino ni Nicho per ang memorya ni Nicho ay tuluyang nawala samantalang sa akin aymay kalinawan pa ang ilan" lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya.


"Ano bang pinag sasabi mo?" Kunot noo kong tanong dito


"Later you will know basta't tatagan mo lang ang loob mo" sabi nito't nag patuloy sa pag lalakad samantalang ako ay tulala parin


"Anyway, hindi si Nicho ang pag asa natin. Sampu ang makakaligtas sa larong ito kasama na doon ang master mind. Ang master mind ay nasa tabi lang kaya mag ingat ka" bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. Simula noong nag salita siya sa loob ng gymnasium ay lagi akong kinikilabutan. Bakit ba siya lagi ang nakakasma ko? Pero kahit na ganung ka weird ito ay pasalamat siya Idol siya dahil kundi ay baka iniwan ko na siyan dito














---
A/N: Sino sa tingin nyo ang sampung yon? Hoho...  Hmnnnn.. Maraming kaabang abang na pangyayari kaya stay tuned at para malinawan kayo just continue reading ;-)

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT!! LAB LATS!! :-*

Crimson Academy [School Of Despair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon