ANIKKA
"Anikka, right? Tara sama ka samin, dinner tayo" sabi sa akin ni Lara, isang kita ko palang sa kanya ay nakilala ko na agad siya dahil sa height niya. Pag labas ko ng kwarto ko ay sila agad ang sumalubong sa akin, nag palit din siguro sila ng damit dahil iba na ang suot nila ngayon kesa kanina
"Ahh, ok sige kung pwede?" Kasama nya ngayon si Clarrisse at si Hana - ang tatlong mukhang super close na.
"Sure ok na ok" sabi naman ni Hana. Si Hana ang una kong nakilala sa lahat dahil sa pula niyang buhok.
Nauna silang mag lakad sa akin at sinundan ko sila. Tamihik nung una pero umingay din dahil kay Clarrisse at Lara na likas na maingay.
"Alam mo lara nakakaloka ung kulay ng ilaw dito no? Hindi siya ordinary na ilaw" sabi ni Clarrisse
"Hmmnn? Oo nga eh at saka mashadong nakakahilo. Ba't ba kasi kulay Violet ang kulay nyan?" - Lara.
"Ahh guys dito na ung Cafeteria" napatigil kami sa pag lalakad ng makalagpas kami sa isang malaking pinto.
Si Hana na ang nag bukas ng pinto at sumalubong sa amin ang nakakasilaw na sinag ng ilaw.
Hindi katulad ng sa hallway, ang kulay ng ilaw dito ay kulay puti na.
Sumalubong sa amin ang iilang ingay at sa kabilang banda ay nag kukumpulan ang iba sa kanila sa mesang mahaba.
Kumuha na kami ng pag kain sa ref at umupo, ksama sa ibang nag uusap. May limang malalaking ref dito kaya pwede mong kunin ang kahit na anong pag kaing gusto mo.
"So ganito ang kailangan nating gawin, kailangan lang natin ng tiwala sa isa't isa at sa palagay ko'y makakaligtas tayong lahat" ani ng isang lalaking naka suot ng salamin at sa aking tansya ay si Nicholas ata.
"Pano naman natin gagawin yon eh kasama sa Mechanics ang pumatay" sabi naman ni Leigh
"Pwede nating mabago ang rules and regulation pati narin ang Mechanics basta mag tiwala lang tayo sa ating sarili. Alam kong walang kriminal sa atin kaya walang makakapatay sa atin" dagdag pa ni Nicho.
Busy ang lahat sa kanya kanyang gawain ng biglang bumukas ang TV at inilabas doon ang Principal na kumakain ng... Stick O?
"Ehem ehem! 9:00 na! 9:00 na! Oras na para bumalik sa kani-kanilang kwarto para matulog at makapag pahinga ng maayos. Sigi na balik na at ipapudluck ko na ang lahat ng pinto dito" sabi nito kaya nag tayuan na ang iba samantalang kami ay inayos muna ang pinag kainan.
Halos sabay sabay kaming pumunta sa kanya kanyang kwarto ngunit bago pa man kami tuluyang makapasok sa loob ng kwarto namin ay nag salita muna si Nicho
"Hahanap ako ng paraan para maka graduate tayong lahat" sabi niya saka pumasok sa kanyang silid kaya pumasok narin kami sa kanya kanyang silid.
Pag pasok ko sa aking kwarto ay napa higa at nag pagulong gulong kaagad ako sa aking kama.
Juice colored! Ano ho ba tong napasok ko? Akala ko ba maswerte ako? Pero bakit ganun? Parang ang academy na ito pa ang magiging nitsa ng buhay ko! Lord please guide us! Sana naman po ay walang mapa hamak sa amin kahit isa. Give us HOPE to live.
------
"7:00 am na! 7:00 am na! Oras na para gumising! Oras na para gumising! Gumising na kayo dahil marami pa tayong gagawin ngayong araw!" Naalimpungatan ako dahil sa maingay na tunog na iyon.
Nang imulat ko ang aking mata ay bigla akong nagulat. Puro puno kasi ang aking nakikita kaya napa balikwas ako ng bangon at tama ang aking hinala! Nasa isang kagubatan nga ako! Pero paano nangyari ito?!
Nakasuot narin ako ng isang uniform. Kulay pulang coat, 3 inch above knee na palda, itim na medyas na hanggang tuhod, boots na kulay itim na kung susukatin ay 5 inches below knee, necktie na kulay pula, white polo at isang manipis jumper garter na nakakabit sa palda? Un ba tawag don? Ah! Basta ung parang garter sa jumper, un na yon!
"Welcome sa Hide and Seek ala Crimson Academy game or a.k.a. HASACA game tournament!!" Napatingin ako sa kalangitan at doon nakakita ako ng apat na malalaki- as in sobrang laking TV, kasing laki niya ung screen sa mga sinehan. Nandoon ang prinsipal na abala sa pag kain ng pancake habang nag sasalita
"Nagising kayo sa mga unfamiliar na lugar dahil nasa kanya kanya na kayong district. Meron tayong apat na district. Ang unang district ay ang Forest district na merong limang istudyante [ha? Ang ibig sabihin ba nito ay hindi lang ako nag iisa dito?]. Pangalawang district ay ang City district na may Apat na istudyante, pumapangatlo naman ang Beach district na may apat na istudyante at ang huling district ay ang Snowing Desert District na may apat din na studyante" Snowing Desert District? Nag nye-nybeng disyerto? Parang napakahirap doon, parang kakunti lang ang kayang makasurvive dun.
"Iba't ibang district iba't ibang uniform din para mag karoon ng pag kakakilanlan ang lahat. Nandito ang lahat para sa gaganaping tournament ng Crimson Academy. HASACA Game One. Ang kailangan mo lang gawin dito ay maka alis sa district mo bago matapos ang oras na ibibigay namin sa inyo dahil sa oras na matapos ang oras na ibinigay namin sa inyo at hindi ka pa nakaka alis sa district mo automatically tangal ka sa laro. Hindi namin kayo bibigyan ng mapa para naman mag karoon ng thrill ang larong ito. Wala din dapat paki alamanan ng buhay ng may buhay, leave the district if you want just don't mind the others. Meron kaming ikinabit sa inyong 'Crimson Academy Special Gadget' na nakakabit sa inyong mga wrist" napatingin ako sa aking kaliwang palad at doon nakita ko ang isang kulay black and red na parang orasan na merong 1 1/2 inch ang lapad. Pinag masdan ko tong mabuti at wala akong makitang kahit na anong butas o bagay na pwedeng pag tangalan nito. Sa screen non ay may nakasulat na 'Welcome to HASACA Game One'
"Ang CASG na yan ang tutulong sa amin para malocate kung nasaan na kayo - kung baga yan ang magiging gps namin sa inyo. Sa CASG din na yan makikita nyo ang time limit ng laro at tutunog yan kapag patapos na ang oras at kapag may nangyaring masama. Hindi nyo basta bastang matatangal ang Gadget na yan dahil sa oras na tangkain nyong tangalin ang Gadget na yan ay mababawasan ang time limit nyo ng isa hanggang dalawang oras"
"Napaka simple ng game one diba? Isa lang ang goal nyo dito at iyon ay ang maka alis sa district nyo. Kung saka sakaling may makita kayong co-district nyo ay wag nyo silang intindihin. Ang Rules lang ng game one ay bawal ang pumatay at bawal na bwal tangalin ang inyong suot na CASG. Yan lang for now. See you sa next round and goodluck wahahahaha" pahina ng pahina ang kanyang boses hnggang sa nwala na siya sa TV at ang pumalit doon ay ang mga word na kaparehas sa soot kong CASG kanina. Tumunog ang CASG kaya napasilip ako dito at lajing gulat ko ng mag salita ito
"Welcome to HASACA game one and the game begins now" sabi nito at nag labas na ng oras 96:00:00 ang nakalagay dito na ikinagulat ko. Meron lang kaming 4 days para maka alis sa district at sa game one na ito?! Oh god! Kayo na po ang bahala sa akin!
BINABASA MO ANG
Crimson Academy [School Of Despair]
Mystery / ThrillerA school that brings together the top students in various fields & aims to help them grow. It's a goverment recognized academy that operates on privilege Lahat ng studyante ay pinapangarap na makapasok sa paaralang ito, sino bang hindi? Halos lahat...