13. HASACA GT: 4th

62 3 3
                                    

Hana's POV




Malamig, iyan agad ang unang salitang lalabas sa bibig mo. Pagod, yan naman ang nangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon. Uhaw dahil narin siguro sa pagod at lamig na nararamdaman ko.




Galing akong City District noong first game at napadpad naman dito sa Snowing Desert District na pinaka malala siguro sa lahat ng District. Lakas talaga ang kailangan mo para makaligtas sa district na to kundi maririnig mo nalang ang pangalan mong babanggitin ni Lukemia.




Hana Paige Domiguez
cause of death: nanigas sa sobrang kalamigan.




Pag narinig nila yan baka pag tawanan lang nila ako. Tatawa yang mga yan kahit na nasa peligro na buhay nila, ganyan naman sila.



Ewan ko ba kung bakit pa ko napasama dito sa larong ito eh maganda naman ako. O, aangal pa? Oo nalang kayo.




Anyway, masaya naman ako dito sa Snowing Desert District kasi first time kong makakita ng snow at ng buhangin sa disyerto, o diba? 2 in 1. Kung mamamatay man ako dahil sa lamig dito atleast sulit naman, nabusog agad ang mga mata ko.




Speaking of mata, nakusot ko ang aking mga mata ng may matanaw akong parang bulto ng tao sa di kalayuan at nang matapos kong kusutin ito'y biglang nawala. Napa buntong hininga nalamang ako. Nag hahalucinate na ko. Gosh gusto ko ng matapos ang larong ito.






Nag patuloy ako sa pag lalakad.  Nang hihina na talaga ako, kailangan ko na ng tubig sa madaling panahon kundi matitigok na talaga ako dito. Kainin ko kaya yung snow? Safe naman yon diba? Matry nga.





Nang mag simula akong mag tipon ng snow sa kamay ko'y laking gulat ko na lamang na may dumaang pana doon. Napailag ako.





Hindi ako nag hahalucinate lang kanina! May tao nga akong kasama dito!






Napahawak ako sa aking buhok ng may maramdaman akong may tumama doon at di nga ako nag kamali, may nakasabit na nga doong isang pana. Napadapa ako sa buhanginan nang mapag tanto kong may susunod pa at di nga ako nag kamali, tumama sa di kalayuan ang isa pang pana.





Napalingon ako sa aking kanan kung saan nanggaling ang pag tirang iyon. Wala naman akong nakitang tao doon pero paano nangyari iyon?! Sabagay, malabo ang kapaligiran dala narin ng hamog at snow na kasalukuyang bumabagsak ngayon.





Pagapang akong lumayo sa pwesto ko kanina. Mas maganda na 'yung madumihan kesa mamatay at buti nalang may unti akong alam tungkol sa pag mimilitar. Mabilis akong naka alis sa pwesto ko bago pa man may tumamang pana ulit doon. Sa aking pag gapang, unti unti ko ring inihahanda ang aking revolver.






Limitado lang ang balang nasa baril ko kaya naman kailangan kong maging asintado.





I have a plan. Alam kong limitado ang mga balang meron kami ngayon kaya alam kong limitado din ang pana ng taong tumitira sa akin. Tumayo ako at kasabay nito ang aking pag buntong hininga. Uubusin ko muna ang pang long distance niya at pag katapos non ay mawawalan na siya ng alas kaya naman gagamitin na niya ang pang short distance niya. Nice calculation Hana. Napangisi ako.





Nag simula na akong tumakbo. Ewan ko kung saan ako papunta pero pinag patuloy ko lang ang pag takbo ko. Sa paraang ito hindi makakapag focus ang kalaban ko sa pag pana sakin though may chance parin na matamaan niya ako pero hindi iyon tataas pa sa 5% maliban nalang kung sharpshooter siya.




Katulad ng nasa isip ko, may mga  panang tumatama sa paligid ko ibig sabihin nito'y sinusundan niya ako. Nice one.




Patuloy lang ako sa pag takbo at siya nama'y panay ang pana sa akin hanggang sa may isang panang humarang sa dinadaanan ko. Hindi ko kaagad iyon napansin dahil sa sobrang labo ng paligid kaya naman ang ending ay nadapa ako. Sumubsob ako sa mabuhanging sahig ng disyerto. Argh! Kapag minamalas ka nga naman! Napahawak ako sa paa kong sumasakit na. Tatayo na sana ako ng bigla akong nakarinig ng kaluskos sa di kalayuan.



Crimson Academy [School Of Despair]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon