Napatahimik ang lahat dahil sa umaalingawngaw na tunog ng isang kadena. Napatingin ang lahat sa harap ng stage at doon nakita nila ang isang bulletin board na bumababa galing sa kisame.
"Wait ano yan?" Tanong ni Lara
"Di mo ba nakikita lara? Bulletin board yan" bara naman ni Clarrisse kay lara na nag tatanong
"I mean, ano ung naka dikit sa bulletin board?" Pag lilinaw naman nito.
"Picture natin ang nakalagay dyan" singit ni niko na para bang kinikilatis ang mga naka dikit sa bulletin board
"Ano namang meron sa picture natin?" - Shane
"All of us don't have a clue" - Nicho
"Walang clue? I guess ikaw ang pinaka matalino dito bakit wala kang makuhang clue?" - hana
"Mukhang nangangamoy away to" - Alvin
"Hindi purket ako ang pinaka matalino dito - " napatigil si Niko sa pag dedepensa dahil sa nakarinig sila ng isang nakaka binging tunog ng mic.
"Argh! Ano ba yan?! Nakaka bingi!!" Daing ni Leigh.
Natigil ng sandali ang ingay pero nasundan naman yon ng salita.
"Ehem Ehem, mic test mic test" malaki ang boses pero matinis.
Nag kagulo ang lahat at hinanap ang nag salita ngunit hindi ito mahanap kaya sa speaker nalang napa tingin ang iba at ang ilan ay naka tingin sa stage.
"Yo! Crimsonian!" Nagulat ang ilang naka tingin sa stage dahil may isang lalaking sumulpot doon. Sa isang iglap kasi ay biglang sumulpot ito mula sa kung saan.
"Kamusta naman ang first day? Masaya diba? New friends, new life" sabi nito ng naka ngiti ngunit ang mga studyante ay nakakunot ang noo.
"At sino ka naman?" Lakas loob na tanong ni El
"Sino ako? Sino nga ba ako? Ako ang bagong principal dito. Lukemia San Jose" ganun parin ang itsura nito at di nag babago
"Isa kang Robot" singit ni Elmo
"Tanong ba yan o natagpuan mong robot nga ako? Ahahaha Oo robot ako" lumalakhak ito ngunit ganun parin ang itsura.
Sa isang tingin mo dito ay di mo aakalaing robot ito dahil maayos ang kanyang pananalita at panlabas na kaanyuan ngunit kung pag mamasdan mo ang kanyang mukha ay di gaanong nag babago hindi katulad ng isang tao.
"Teka nga pwede mamaya na kayo mag tanong? Mag papaliwanag muna ako sa inyo" dugtong nito at tumikhim.
"Ako si Principal Luke at bagong principal lang ako dito. Nakaka tuwa diba? First time nyong mag karoon ng robot na principal pero sabagay once na makapasok kayo dito sa Crimson Academy ay marami kayong makikita at mararanasang kakaiba. As you can see kayo ang the chosen one - magagaling at matatalino at higit sa lahat may angking kakayahan. Hindi ko masasabing swerte kayo pero masasabi kong masaya dito. Walang classes at kung walang classes ay walang mahihirapan" natuwa ang lahat sa sinabi ng principal.
"Ang gagawin nyo lang dito ay ang mag laro! Mag lalaro tayo!" Sa pangalawang pag kakataon ay humalakhak ito.
"Laro? As in Game?" Pag lilinaw ni Shane
"Oo, laro! Laro kung saan masusukat ang katalinuhan at ang kagalingan nyo. Tinatawag namin itong Hide and Seek ala Crimson Academy. Nakakatawa ung name diba? Ako kasi nag isip nyan kaya walang kwenta"
"May rules and regulation ba or any mechanics?" - Fae
"Saglit lang! Hindi pa nga ko tapos eh! Ehem! Simple lang ang mechanics ng larong ito. Mag tatago kayo then mabubuhay kayo. Nasasa inyo ang kapalaran kung papatay kayo o hindi"
"Anong ibig mong sabihin sa papatay?" - Rae
"Ihihiwalay ko kayong lahat sa different district na meron kami dito, kada district ay may apat hanggang limang katao. Hiwa hiwalay para mas maganda at feel ang larong ito. Sa oras na may makaalis ka sa district mong iyon at makapunta ng ibang district ay pasok ka na sa next round. Ang next round natin dito ay kapag naka meet ka ng isang tao sa district na iyon ay kailangan mo siyang patayin" they all gasp
"Dalwa ang option - papatayin mo siya o siya ang papatay sayo. Wala namang problema sa patayan dahil ang pwede mo lang patayin ang ang taong nasa ibang district dahil kapag pinatay mo ang taong co-district mo ay automatically ikaw ang mamamatay at siya ang mabubuhay"
"Ang ibig mong sabihin ay mag papatayan kami?" Takot na sabat ni Anikka
"Hmmnn pwedeng ganun pero ganun na nga. Labing pito kayo pero kalhati lang ang pwedeng makaligtas sa inyo at kung mamalasin ay baka wala pang kalhati ang makapasok sa inyo. Kailangan nyong pumatay ng isang tao para lang makapasok sa next next round. Ang round three ng larong ito ay paunahang makarating sa Main campus at dito tayo mag kikita kita sa gymnasium - may naka laang pwesto para sa inyo kaya wag kayong mag agawan" humalakhak ito samantalang ang iba ay malapit ng umiyak.
"Ito lang ang paraan para maka graduate kayo. Pumatay kayo para makaligtas kayo at maka graduate. Ito lang ang paraan para makuha nyo ang inyong diploma at ang kalhating milyon palugid para sa inyo" sabi nito at agadna nag tranform na para bang gagraduate na.
"Kung gusto nyo kamingmag patayan, bakit hindi nyo pa kami dinamihan para marami ang makaligtas?" Nicole
"Yon ang purpose ng larong ito. Onti lamang ang kinuha para madaling matapos ang laro"
"Ee ang sarap palang sirain ng robot na to eh!" Inis na inis na sabi ni Robby
"Hmmnn isa pa palang rule. Bawal nyo akong saktan o kahit na ano dahil sa oras na ginawa nyo yon ay automatic patay kayo ahahahaha" ayan nanaman ang nakakalokong halakhak ng principal.
"Bukas mag sisimula ang laro at magigising nalang kayo na nasa ibang lugar na kayo. Wag kayong mag alala dahil may isang araw pa naman para makapag enjoy kayo dito sa loob ng campus"
"Sige, tapos na ko dito kaya paalam! Welcome nga pala dito sa Crimson academy ahahahaha" pag kasabi niya non ay bigla nalang siyang nawala.
"Saglit lang!" Sinubukang pigilan ni Simon ang principal pero nawala ito agad.
"Wala na tayong pag asang mabuhay" biglang napaluhod si Shane at umiyak.
"Maraming paraan para mabuhay, shane! Tatagan mo ang loob mo!" Saway ni Fae dito.
"Kailangan nating makatakas sa loob ng school na to" - Nicho
"Nag loloko ka ba? Walang pinto dito! Ni bintana nga wala! Napansin mo ba habang nag lalakad ka dito ay wala kabg nakikitang liwanag o kahit na anong butas na makikitaan mo ng liwanag? Ang tanging may pinto lang dito ay ang mga kwarto at silid aralan pero walang pinto palabas. Akala ko ba matalino ka? Matalino ka nga di mo namn ginagamit ang mata mo! Puro ka utak!" Galit na galit na sabi ni Carl at mukhang nangangamoy away pa pero pinigilan sila ni Clarrisse
"Tumigil muna kayo! Please wag kayong mag away! Ang kailangan natin dito ay tiwala! May tiwala naman siguro kayo sa isa't isa diba?" Malumanay at nanginginig na ang boses nito dahil narin sa takot.
Ang iba ay tumango samantalang ang iba ay umiwas nalang ng tingin.
"Wag kayong mawalan ng pag asa. Makaka alis din tayo dito"
BINABASA MO ANG
Crimson Academy [School Of Despair]
Gizem / GerilimA school that brings together the top students in various fields & aims to help them grow. It's a goverment recognized academy that operates on privilege Lahat ng studyante ay pinapangarap na makapasok sa paaralang ito, sino bang hindi? Halos lahat...