"At ang nakakuha ng first place ay...." Kinakabahan na ang lahat sa announcement ng judge sa mananalo bilang first placer sa nagaganap na dance competition ngayon. Maski ako ay kinakabahan na, hindi kasi biro ang makukuha mong price pag nanalo ka dito. Bukod sa makakakuha ka ng malaking halaga, makakapasok ka pa sa isang sikat na sikat na Academy sa Mundo. Bibihira at onti lamang ang nakakapasok dito dahil sila ang kumukuha ng studyante para makapag aral sa Academy na iyon.
Kasabay ng pangamba ay nag dadasal din ako na sana'y ako na ang mapiling champion.
"Cherie Leigh Yamada" i stare for a second or two dahil hindi agad nag sink in saakin ang mga nang yari. Well sinabi lang naman ng judge ang pangalan ko sa harap ng maraming tao.
Umakyat na ako sa stage na para bang mangiyakngiyak na sa tuwa. Yeah I won several times in dance competition pero iba ang isang ito. Lagi akong nananalo kapag nasa group ako, talagang naka tsamba lang ata ako ngayon.
"Here's Mr. Noriel, the prinsipal of Crimson Academy to give the trophie to Ms. Yamada" sabi ng host. Noong umakyat na sa stage si Mr. Noriel na prinsipal ng Crimson Academy, doon na talaga tumulo ang luha ko.
Sinalubong ako nito ng may ngiti at saka niyakap.
"Why are you crying? Hindi ba dapat masaya ka dahil nanalo ka at part ka narin ng Crimson Academy?" He said while rubbing my back and I continue sobbing.
"It's ok, don't cry. Alam kong tears of joy lang yan pero congrats" sabi pa nito saka humiwalay sa akin. Pinahid ko ang aking luha na pumapatak sa aking mata. Tama siya, tears of joy lang to.
Humarap siya sa harap ng mga audience and so I. Nanghihina man ang aking mga kamay ay kinamayan ko parin siya at saka inabot ang trophie at ang cheke na nag kakahalaga ng 500,000 pesos. Nag pasabog na din ng confetti at nag kalat iyon sa sahig.

BINABASA MO ANG
Crimson Academy [School Of Despair]
Misterio / SuspensoA school that brings together the top students in various fields & aims to help them grow. It's a goverment recognized academy that operates on privilege Lahat ng studyante ay pinapangarap na makapasok sa paaralang ito, sino bang hindi? Halos lahat...