ANIKKA
Napa balikwas ako ng bangon bagama't nahihilo ako at namamanhid ang aking katawan ay sinubukan ko paring tumayo. Napahawak ako sa aking ulo ng biglaan itong sumakit. Hindi ko pa minumulat ang aking mata dahil sa kabigatan nito. Ano bang huling nangyari?
Well, nag lalakad kami ni Elmo sa gitna ng kagubatan. Abala kami sa pag hahanap ng pinto para makaligtas sa Game One pero bigla akong nahulog sa isang balon - malalim na malalim na balon hanggang sa nakaramdan ako ng antok at naka tulog -
Naimulat ko bigla ang aking mga mata dahil sa kaba ngunit isang dalampasigan at puting buhangin ang sumalubong sa akin. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko mahanap si Elmo - si Elmo na kasama ko bago ako nakatulog kanina. Napalinga linga ako ngunit wala talagang Elmo ang lumalabas.
Napatingin ako sa aking CASG para tignan kung anong oras na ngunit ang nakalagay lang dito ay puro Zero at nag blink blink pa to.
Napatayo na ako at pinagpag ang aking damit na puro buhangin. Nakaramdam din ako ng init sa aking katawan kaya naman tinangal ko ang suot kong coat at itinali ko ito sa aking bewang. Nag hubad din ako ng medyas, tinupi ko ito at isinuksok sa bulsa ng aking palda.
Kung hindi ako nag kakamali ay nandito ako sa Beach District. Mainit dito dahil kakaunti lamang ang makikita mong puno ng buko. Puro buhangin, puno ng buko at dagat lamang ang makikita mo dito kahit saan ka lumingon ay ganun ang makikita mo dito. Pagewang gewang akong nag lalakad dahil sa sakit ng ulo ko at sumama pa ang sikat ng araw kaya mas lalo akong nahilo. Hindi ki alam kung saan ako tutungo at hindi ko rin alam ang gagawin ko ng bigla akong makarinig ng kantang tono ng twinkle twinkle little star pero iba ang lyrics
"Hi there little crimsonian,
Let's play game you doesn't want
Try to hide and you survive
To be killed is what i wantGood luck stupid little brats
Scape from this school if you can"
Napatakip ako sa aking mga tenga dahil nakaka rindi ang kanta niya. Bukod sa nakakarindi na nga ung lyrics nung kanta nakaka rindi din ung boses nya. Matinis pero malagong tapos minsan ay pumipiyok pa. Ang simpleng twinkle twinkle little star ay di nya pa ma perfect =,= kahit nga kindergarden ay kayang maperfect yan jusko.
"Good morning crimsoniannnnn!!" Lalo akong napatakip ng aking mga tenga dahil sumigaw siya.
"Ehem!! Na excite lang ako sorna -.- Any way sky way. Kaya ako naging masaya dahil nasa Game two na tayoooooo!! Wut wut!! Saya sya!!" Napatingin ako sa taas para tignan kung anong ginagawa niya at hayun siya! Paikot ikot sa kwarto nya ata habang nakasakay sa swivel chair niya at nakapaas pa ang parehong kamay at paa niya. Mukhang siya lang ang nag sasaya sa mga pinag gagawa niya sa amin.

BINABASA MO ANG
Crimson Academy [School Of Despair]
Mystery / ThrillerA school that brings together the top students in various fields & aims to help them grow. It's a goverment recognized academy that operates on privilege Lahat ng studyante ay pinapangarap na makapasok sa paaralang ito, sino bang hindi? Halos lahat...