NICHO
Ako ang natitirang pag asa ng lahat, sa akin naka salalay ang lahat - ang buhay nila, ang kapalaran nila. Ako ang pinaka matalino sa lahat kaya nararapat lang na sa akin sila naka salalay.
Alam kong walang kakwenta kwenta ang larong ito pero kung gaano ito walang kakwenta ay ganoon namin nito madaling masisira ang buhay naming lahat. Ayon sa aking kalkulasyon, ang larong ito na nga siguro ang nag papalago sa aming talento. Tulad ngayon, sinusukat nito kung gaano ako katalino at kung gaano ako nag titiwala sa aking sarili. Napapalago nito ang aking isipan sa pamamagitan ng pag iisip kung paano kami makakaligtas o makakatakas sa isang walang kwentang larong ito.
Nandito akongayon sa City district. Hindi ito tulad ng city na inaakala nyo dahil ang mga gusali dito ay sira sira gayun din ang mga kalsada nito - mas maganda siguro itong tawaging Broken city.
Kahapon, wala akong ginawa kundi mag hanap ng computer at kahit na anong gadget na pwede kong gamitin para ma hacked ko ang Gadget na nakasuot sa akin. Nahalughog ko na ang buong city at sira sirang gusali pero wala talang kahit na anong bagay na pwedeng makapang hack sa gadget na to. I try to be a resourceful pero ano nga bang maitutulong ng bato, bakal, lupa at ilang kahoy na makikita mo dito? Walang kuryente dito at kung walang kuryente hindi ka malayang makakagamit ng kahit na anong bahay. Kapag kasi mau koryente madali ko ng mahahack ang gadget na ito kahit na wala akong other gadget. I try to think how to conduct an electricity through those things. Mabuti sana kung meron ditong bulkan atleast i can use geothermal energy to conduct an electricity.
Isang araw na akong hindi nakaka kain o nakaka inom man lang pero the bad things ay bakit ako hindi nagugutom? Ni hindi rin ako makatulog dahil sa kaiisip ng clue kung paano maka wala dito. I try to sleep pero hindi talaga ako inaantok. Madami akong iniisip sa ngayon at lahat ng iyon ay kung paano ako makaka alis dito.
Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang may tumunog sa itaas, nakaka rindi ito dahil isa itong tunog ng isang ambulansya. Nakakabingi talaga dahil sa sobrang lakas nito.
"Twist alert! Twist Alert!" Napatingala ako sa kalangitan at doon nakita ko nanaman ang isang mukhang kinaiinisan ko ngayon. Tulad ng nakaraan, nandoon parin ung mukha niya sa flat screen TV na animo'y nakalutang sa langit.
"Good Morning Crimsonian! Narito ulit ako para may sabihin sa inyo! Alam nyo, naboboringan na kasi ako sa inyo at saka nakakapagod din palang mag intay ng apat na araw kakapanood lang sa inyo kaya naman..." Bigla akong kinabahan sa pabitin nyang pag sasalita nito kasabay nito ang pag tayo ng balahibo sa aking katawan
"Papa iksiin ko ang oras na ibinigay ko sa inyo! Ang dating apat na araw, ngayon ay tatlong araw nalang! Yey!! Kaya naman meron nalang kayong isang araw para maka alis sa district nyo!" Napa atras ako sa sinabi niya. Bakit nya pa naisipang paiksiin ang oras gayong hindi ko na malaman kung nasaang lupalop na ko ng mundo?!
"Amboring lang kasi talaga, try nyo din kayang mag isa dito... Duuuhhhh anong akala nyo? Kayo lang nag iisa? Mas nakakaboring nga dito eh! Biruin nyo, wala na kong ginawa dito kundi umupo, matulog, kumain, mag masid etsetera etsetera then repeat again. Nakaka ngawit kayang umupo noh. Nakaka pagod ding pag masdan at obserbahan kayo kung paano kayo umiikot at nag papakatanga sa mga ginagawa ninyo wahahahahaha. Alam nyo ung tipong parang namamasyal lang kayo sa parke tapos parang hindi niyo na namamalayan na mababangga na pala kayo ng isang kotse kase pa-eng-eng eng-eng kayo wahahahahaha pero dahil may awa pa naman ako sa inyo sasabihin ko kung paano kayo makaliligtas sa game 1!!" Kung gaano siya kasaya sa mga sinasabi niya ganoon naman ako kainis sa pag tawa niya. Pinag mumukha na pala kaming tanga.
Teka... Hindi ba't isa siyang robot? Pero bakit siya nangangalay? Imposibleng...
"May sampung pinto akong ikinalat sa kada district. Ang pintong iyon ay mag sisilbing exit sa district nyo, kung baga ito ang daan para maka alis kayo sa district nyo at itong pintong ito ang makakapag ligtas sa inyo. Ang daya nga eh, dapat lima lang yan pero dahil naiinip at naawa na ako, ginawa ko ng sampu. Oh diba ang bait ko? Hihi dapat pasalamatan nyo ako pag nakaligtas kayo dito ha" ngumiti ito na para bang ngiting aso.
"Hmmnn pahabol! So far wala naman akong binago sa rules, ang tangi ko lang binago ay ang oras dahil nakakabaog palang mag hintay. Walang ka-excite excite at higit sa lahat walang ka thrill thrill at nakaka antok narin. Ang gusto ko lang ay ang maka alis kayo agad sa game one dahil mas nakaka excite ang game two! Dahil... Tada!!" Nagulat ako ng may biglang lumabas na iba't ibang armas pampatay sa likod nya. Marami ito at iba't iba. May iba't ibang uri ng espada, baril at kung ano ano pa. Anong ibig sabihin nito?!
"Magagamit niyo ito sa second game! Mag papatayan na kayo! Watah watah!" Sumipa sipa pa ito na parang nag te-taekwondo
"Diba mas exciting? Kaya naman bilisan nyo na! Dahil hindi ko na talaga kayang mag intay. Sige hanggang dyan nalang muna sa ngayon!! See you sa next game!! Good luckkkkk!! Muah muah!!!" Palapit siya ng palapit sa screen habang naka pout pero bigla bigla itong namatay kasabay nito ang pag tunog ng suot kong CASG.
" Destiny is not a matter of chance it is a matter of choice. So if your destiny is to be killed then be proud of it. Time remaining 25 hours and 18 minutes" napalunok ako sa nag salitang CASG ko. Ang dating 48 hours ko ay naging 25 nalang ng isang kurapan lang.
Napatakbo ako para hanapin ang pintuang sinasabi niya. Halos lahat ata ng pintuan dito ay nahalughog ko na pero hindi ko parin makita hanggang sa hindi ko napansin ang aking dinadaanan kaya natalisod ako napara bang walang hangganan ang aking pag bagsak. Wala akong makita kundi kulay itim at may naamoy akong kakaibang amoy. Hanggang sa nakaramdam ako ng tulog kaya nakatulog ako. Anong nangyayari?
UNEDITED
PLS vote and comment thankies :-*
BINABASA MO ANG
Crimson Academy [School Of Despair]
Bí ẩn / Giật gânA school that brings together the top students in various fields & aims to help them grow. It's a goverment recognized academy that operates on privilege Lahat ng studyante ay pinapangarap na makapasok sa paaralang ito, sino bang hindi? Halos lahat...