Stealth - Family Trouble

14.2K 303 13
                                    

***

Hawak ko ngayon ang sketchpad na ibinigay sa'kin nung lalaking naghatid sa'kin dito sa bahay. Opo. Nagpahatid ako. Mapilit e. Napahilot ako ng batok habang pinagmamasdan ang drawing na nasa unang pahina ng sketchpad.

'Ang galing mag drawing ng ungas na 'yon ah.' Sa isip isip ko. 'Pero ang pangit niya pa din. Hindi ko talaga gusto ang hilatsa ng pagmumukha niya lalo na pag nakangiti. Nakakakilabot.'

Curious ba kayo kung ano ang nasa sketch?

Psh! Curiousity kills the cat!

Pero di naman kayo pusa kaya fine! Sasabihin ko na.

Ako lang naman ang nasa sketch niya.

-

"Will you get your ass off from following me? Nakakairita ka na." Banta ko ng hindi siya nililingon. Alam ko kasing siya ang nakasunod sa likod ko base na rin sa amoy at presensiya niya. Malakas ang senses ko, and that's weird. Oo nga pala, I'm weird.

"Pano mo naman nalamang sinusundan kita?"

"Tss. May mata ako sa batok. So.. Stop stalking me, pwede ba? You're stalking the wrong being!" Hindi ko na siya ulit kinausap at pinagpatuloy na ang paglalakad.

"What do you mean by wrong being?"

Pwedeng pumatay? Isa lang.

"Pst! Uy."

Ilang kanto pa ang tinahak ko and I felt exhausted. Ang init-init pa kaya. Mga 3 pa lang ng hapon kaya tirik pa ang araw.

"Sabi naman sa'yong ihahatid na kita e. O." Si Aso sabay abot ng malamig na bottled water. Tinitigan ko lang ang kamay niya kaya hinablot niya ang kamay ko at inilagay doon ang tubig. "'Wag ka ng mag thank you. Mukhang wala naman sa bukabolaryo mo e. Haha."

Close ba kami? Kung makipagkwentuhan sa'kin, napaka. Tsk!

Binuksan ko na lang ang bottled water at ininom. Wala naman sigurong masama. Isa pa, he looks harmless.

"Miss, sa'yo na lang 'to o." Si aso ulit sabay abot naman nung hawak niyang sketchpad. Aanhin ko naman 'yan? This time, tinaasan ko naman siya ng kilay. "I don't accept trash." I rudely told him.

"Grabe naman 'to. Buksan mo kaya muna." Matapang niyang sagot. Napabuntong hininga na lang ako. Tutal, harmless nga siya. Binuksan ko nga. And there..

I saw the goddess, the perfect epitome of human. The angel from heavens.

No other than, ME.

Na nakatalikod. Engot din 'to eh. Pero okay na din pagkakadrawing niya a. Rough sketch gamit ang isang charcoal pencil? Tss. Oa ba makadiscribe? Haha. E sa mahal ko sarili ko e, may angal ka?

"San kaba nakatira? Ihahatid na lang kita. Kanina ka pa lakad ng lakad, wala ka namang patutunguhan. You're lost. Admit it."

"Ang kulit din talaga ng lahi mo no. Psh! Fine. Sa Central Village."

----

"Ano nga pala pangalan mo?" Tanong niya habang nagdada-drive. He's a 24 years old jerk, pero di halata. Kanina pa siya nagsasalita ng kung ano-ano kaya ko nalaman 'yan. Andami niya ding tanong pero 'di ko siya sinasagot.

"Tanong mo sa steering wheel." Napipikon na 'ko sa taong 'to. Andaming tanong.

"Sigurado ka bang tao ka?"

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon