Stealth - A Short Glimpse

13.3K 347 6
                                    

***

Nakaupo ako ngayon sa dulo ng higaan ko habang salita ng salita ang babaeng si Serene na nagpakilalang pinsan ko, habang si Frost naman yung lalaki.

Napapaisip pa rin ako kung ano ba talaga ang nangyari.

-

"She has a temporary amnesia."


Bungad agad ni Frost pagkadating niya galing sa laboratory na may dalang tray ng pagkain.


Napag-alaman ko din na may research center, experiment department, training facility, gym at kung ano ano pa sa lugar na iyon.

"What? For how long?" Tanong ni Serene na mukhang nalungkot dahil sa nalaman.

"No one can tell." Frost replied after putting the tray on the bedside table.

Okay. Truth be told, I don't remember a few stuffs while some of the few things that runs in my head is unclear. Naaalala ko naman ang mga bagay sa paligid ko pero alam kong mayroon talaga akong nakalimutan...

Something important.

-


I forcibly closed my eyes when something blurry runs through my mind.




A teenage girl and boy.


Sa sobrang labo ng nakikita ko ay hindi ko maipaliwanag kung ano ang mga itsura nila.


"Know what? Looks can really be deceiving. You shouldn't believe easily on what your eyes see. It may hurt you in the end." The female said nonchalantly. I wasn't able to grasp the male's response as my head started to throb slowly.


Pinipilit kong linawan ang paningin ko pero mas lalo lamang iyong lumalabo.






"Shit!"


I cursed when a quick pain lined through my head.

"Ouch!"



Nakasabunot na ang dalawa kong palad sa magkabilang bahagi ng ulo ko.

Natigil din sa pag-uusap ang dalawa at agad lumapit sa 'kin.



Lalong sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na namalayan na nakalapit na 'ko sa dingding at malakas na ini-umpog doon ang ulo ko.

"Snow! What's happening to you?! Are you alright?!" Frost yelled while holding my shoulders. Sinusubukan niya 'kong ilayo sa dingding pero mas nangunyapit ako doon dahil sa tindi ng sakit.



"STOP that Snow!" Tili ni Serene sa bandang likod.


"Argh! Ang sakit!!"

"Tumigil ka na!"


"Serene, ang tranquilizer! Bilis!" Naulinigan kong sigaw ni Frost habang pigil ako sa magkabilang braso.



Nagpupumiglas pa rin ako dala ng matinding sakit ng ulo ko. Naitulak ko si Frost at isang malakas na suntok sa pader ang pinakawalan ko.


Humahangos man ay nakaramdam ako ng ginhawa ng unti-unting nawala ang sakit matapos kong masapak ang dingding. Pasalampak akong naupo sa sahig dahil sa stress.


"OH MY GOSH! Anong nangyari?!" Sigaw ni Serene ng makapasok siya dala ang isang box.

"I guess she's fine, Death. Kuha ka nalang ng first aid kit sa banyo."

Tss. Nanghihina na naman ako. Ano ba 'yong kanina?

Sudden headache? Teka, meron bang ganun? Tsk. Bwiset!

Inalalayan ulit ako ni Frost para maka-upo sa sofa nitong kwarto dahil nanlupaypay na 'ko sa tabi. Hindi pa 'ko masyadong nakakabawi e naiistress na naman ako pati na ang katawan ko.

"Wag mo na ngang iuntog 'yang ulo mo, kambal. Sinisira mo asset natin eh. Haha!" Saad ni Frost kaya kinunutan ko siya ng noo. Saka ko lang naramdaman ang mainit at malagkit na likidong dumaloy sa gilid ng ilong at mata ko.

Nagdudugo din ang kaliwang kamay ko. The wounds probably opened up again. Halos maging pula na ang bandage na nakabalot doon ng mapansin ko.

Dumating si Serene dala ang first aid kit mula sa banyo. Magkasabay nilang ginagamot ang sugat ko.

"It's better if you're not gonna think about what you forgot, Snow. Nagiging monster ka eh." Serene uttered in a clumsy way.

Napatingin lang ako sa kanya. Mas makakabuti nga siguro pag ganun, baka next time, tao na ang mapinsala pag sinumpong ako ng sakit ng ulo. That's crazy.

Dumako ang tingin ko sa crater na nagawa ng suntok ko sa dingding. Tapos, tumingin naman ulit ako sa kaliwang kamay ko na ginagamot ni Frost.


"Buti na lang di ikaw ang nasuntok, Frosty. Haha!"

"Yeah. Hindi pa naman ako marunong sumangga ng bakal. Haha!"


Nakikinig lang ako sa kanila. Tinatamad akong magsalita dahil hindi ko naman alam ang sasabihin. It's like wasting an effort dahil di ko naman talaga sila kilala.


"Malapit na pasukan.." Si Serene sabay nakakalokong ngisi.


Okay? And what does that grin means?

***

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon