Stealth - When the demon tries to escape (Part 2)

8.7K 230 8
                                    

***

Nakayuko lang ang dalagang nasa loob ng reflection room ng biglang bumukas ang pinto. Hindi ito kumikilos at nanatiling nakayuko.

"Last warning na ito sa'yo Mr. Francisco, suspension na ang sunod na kakaharapin mo kapag inulit mo pa ang pagwasak ng botanical garden." Saad ng Student Council President.

Lumabas na ang SC President ng mag-angat ang may madilim na mukhang dalaga na ikinatigil ng bagong dating na binata.

"What a small world, huh." Hindi napigilang komento ng dalagang suot na naman ang malademonyong ngiti. Nang maalala ng binata ang ginawa sa kanya ng dalaga nung huli silang magkita ay biglang nagbalik ang galit nito sa kanya. Pareho silang napatayo sa kanya-kanyang pwesto ng malakas na balibagin ng lalaki ang mesa dahilan para bumaliktad ito sa kabilang sulok.

"Yeah.. And it's payback time." Makahulugang saad naman ng binata bago mabilis na sinunggaban ang dalagang mabilis na umatras.

Pareho nilang pinukol ng matalim na titig ang isa't isa. Nagsusubukan kung baga.

Sinubukang sipain ng lalaki si Snow ngunit mabilis na nahawakan ng huli ang ipinansipa nito at pwersahang inikot. Naikot nga ang paa nito ngunit hindi ito nasaktan dahil nasabay niyang inikot ang kanyang katawan. Hahablutin sana ng lalaki ang braso ng dalaga ngunit mas mabilis nitong napakawalan ang isang suntok sa panga na ikina-atras naman ng lalaki.

Pinahid nito ang tumulong dugo mula sa labi nitong nasaktan.

"Too slow.." Kantiyaw ng dalaga na mabilis na nilapitan ang upuan nito kanina at pabalyang inihampas sa lalaking tila natigilan sa sobrang bilis ng pagkilos niya. Nasapol tuloy siya kaliwang balikat na ikinaluhod niya.

"Argh!" Daing ng binata. Lalong dumami ang natulong dugo mula sa bibig niya.

"You're so damn weak to rechallenge me just like that, baby.." Saad uli ng dalaga na nakangisi. Tila wala na ito sa sarili.

Itinaas niya ang kanyang paa kapantay ng ulo niya na handa ng bagsakan ang ulo ng lalaking nakaluhod pa rin hanggang ngayon. Isang tiyak na tira na kung hindi mapipigilan ay tiyak na ikamamatay ng lalaki. Papatirin ng tirang ito ang pinakasensitibong ugat sa leeg ng tao na magiging sanhi ng kamatayan nito. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa ang kakambal niya na humahangos. Biglang bumalik sa normal si Snow na nawalan ng malay sa hindi malamang dahilan.


***

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at napansin ang kulay puting kisame na may nakatabing na kulay bughaw na kurtina. Sinubukan kong bumangon pero sumakit ang ulo ko kaya nahilot ko ito ng mariin.

"Where the hell I am?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

I ignored the pain in my head and walk outside. Teka, nasa SC Refection Room ako kanina ah. Pano ako napunta rito?

"Snow!" Humahangos na salubong sa'kin ni Serene. Tinitigan ko lang siya habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Uhmm.. Hrrmm. I-insan?? Ikaw n-na ba yan?"

Napatigil ako sa tanong niya. Halata namang nagulat siya at mukha siyang hindi komportable. "What do you mean?"

"Ahmm.. Ah! Hehe. Wala. Tara, uwi na tayo."

"No. Tell me, may problema ba?" I insisted. Parang may bumabagabag sa kanya.

Biglang lumikot ang mga mata niya. Tapos huminga siya ng malalim. "Uhmm. Tama! Sina Tita kasi at kuya Zaphael umalis na. Bumalik na silang Italy. Pinabibigay 'to ni kuya oh. He-he." Sabay abot ng kulay crimson red na rectangular box sa'kin.

Binuksan ko yun at tumambad ang.. "Keys?"

"Nasa bahay niyo na ang kotse mo insan. He-he." Diretsa niyang sabi. I'm not capable of driving. O mas tamang sabihin na nakalimutan kong mag drive kung marunong man akong magmaneho noon.

Naglakad na uli ako ng makasalubong ko ang isang lalaking mukhang pamilyar.


***

My phone rings and I waited for a few seconds before taking it.

"Hello?" Bungad ko sa telepono ng nakatingin ng diretso sa harap.

"I already send Dane to help you. She'll be there in two days." Malamyang saad ng nasa kabilang linya. Tss. Hard-headed.

"I told you I'll be fine. Mas tatagal lang lalo ang ginagawa ko pag may makulit akong kasama."

I heard her chuckle with my response. Why does she take everything like a joke? "She'd be a great help, darling. I instructed her some tasks so she won't distract you. Just leave her be."

"Fine. Para namang may magagawa pa 'ko."

"Haha. 'Kay. Byeee.." Minsan, gusto ko ng isiping nababaliw na siya. Aissh.

I have to find the usb containing the formula of the antidote. Glace told me that there's an antidote on Snow's current condition. Tinanong ko siya kung alam niya pero ang tanging sinagot niya lang ay hanapin ko sa research laboratory. Mukhang kahit ito ay hindi sigurado kaya kung ano-ano na ang iniuutos.

Snow Khleeve have no amnesia. Her memories are deleted intentionally via reverse cryonics. At yun ang ginagawan namin ng paraan ni Glace. She badly wanted to bring her back, even if it means chaos.



***

I was staring blanky at the car in front of our house. A white Hennessey Venom GT na may itim na malaking ribbon na nakapaikot rito. Tinawagan ako ni Mommy kanina at sinabing may condo raw ako sa Makati. Aanhin ko naman ang kotse kung hindi ako marunong mag drive? Mas lalo naman sa condo dahil hindi ako marunong magluto. Hrmmm. Ibenta ko na lang kaya 'to. Tss. Kaso sayang, mapormang kotse eh. Papaturo na nga lang ako.

I grabbed my phone when it rang to see who's calling. It's an unknown number so I declined it right away. Remember my motto?

Yeah, that's right.

Don't talk to strangers.

Napatingin uli ako sa phone ko ng message beep naman ang tumunog. Binasa ko iyon at mabilis na tumingin sa paligid.

Nag-beep ulit ang phone ko matapos ng naunang mensahe.

Asking for what it says? Ang unang mensahe ay: 'Hi sissy! I missed you alot! Hope to see you soon. Oh and by the way, nice car. Ayumi really is a wealthy Yakuza Queen.'

The second was: 'I forgot sissy! Don't try to look for me cause I'm still on the other side of the world. Hohoho! Ciao!'

At sinong baliw na naman 'tong nantitrip sa'kin ngayon? Nakakainis ha. Sinubukan ko pa ring magpalinga-linga at pakiramdaman ang paligid, pero maliban sa highway na walang tao, mga posteng may cctv at isang pusang gala ay wala na akong makita.

Napahinto ako sa naisip ko. Cctv? Cctv nga! Pero impossible naman atang..

Fuck. Mas lalo akong nalito sa mga bagay na pumapasok sa utak ko.

***

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon