Stealth - Don't mess with me

9.1K 225 8
                                    

***

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok roon. Kakatapos ko lang maligo at mailagay ang benda sa kaliwang kamay ko kaya tinungo ko na ito at binuksan.

"Snow.." Bungad na tawag ni Frost.

"Nande?(Why?)" Walang gana kong sagot sa kanya at iniwang nakabukas ang pinto. Sinuklay ko sa harap ng tukador ang buhok kong nakalugay.

"Hinahanap ka ni Kyler, gising na raw si Gray at hinahanap ka niya nung nakaraang araw pa." Saad nito na ikina-angat ng tingin ko at tinignan siya sa mata mula sa salamin.

Ilang beses muna akong bumuntong-hininga bago siya sinagot.

"So?"

Tila nagulat naman siya sa isinagot ko. Kahit ako ay hindi makapaniwala na iyon ang lumabas sa bibig ko. Pero nakapag-disesyon na 'ko. Lalayuan ko muna siya, sila. Dahil maraming bumabagabag sa'kin ngayon. I have to seek answers first to ease this guilt I feel on what had happen to Gray. Kasalanan ko ang pagkaka-aksidente niya, at maaaring ako din ang dahilan kung bakit siya nabaril.

What if that bullet was really meant

"Anong nangyayari sa'yo Snow?" Takang tanong nito sa'kin na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nito. I just shrugged and tried to remove the expression that my face might be showing now. Happiness and sadness at the same time. Happiness because finally, Gray's fine. And sadness because I had to stay away from him.

Bumuntong hininga siya nang lumipas ang ilang sandali na hindi ako nagsasalita.

"Please talk to him when you're okay."

"I'm going to talk to nobody." Matabang kong sagot at padabog na inilagay ang suklay sa ibabaw ng cabinet saka inilagay ang kulay itim na contact lenses sa magkabillang mata ko.

"But--"

"Shut up!" Sigaw ko sabay kuha ng bag ko sa gilid at labas ng kwarto ko. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero bahala na muna. I need to deal with my problems.. Alone..!

*

Mag-isa akong pumunta sa school dala ang kotse ko after a week. Nako-kontrol ko na ang sarili kapag nagmamaneho ako. Sinapawan ko rin ng leather jacket ang uniform ko para maitago ang nakabenda kong braso. I still hate the fact that I had to bear with this freakin' bandages in my arm. And Frost can't tell anything. Tss!

Nasa corridor na ako ng makitang makakasalubong ko ang grupo ni Gray. Muntik ng tumalon sa sobrang katuwaan ang puso ko ng makitang maayos na siyang nakakagalaw at nakakapaglakad, pero pinigilan ko ang sarili kong ipakita sa kanya ang emosyong iyon. I made up plans, and the first thing is: Layuan si Gray para hindi na siya mapahamak. Diretso lang ang lakad ko na hindi man lang sila tinatapunan ng tingin.

"Snow!" Sigaw ni Kyler ng ilang metro na lang ang layo ko sa kanila. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

Saktong lalampasan ko na si Gray ng bigla niya 'kong hilahin sa kaliwang braso na nagpa-angat ng tingin ko papunta sa kamay niyang nakahawak. 'Ignore him. Ignore HIM, Snow!' Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko, Raven?" May himig ng pagtatampo ang boses niyang tanong sa'kin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa braso niyang mahigpit na nakahawak sa'kin. Hindi ako nagsalita kaya binitawan niya rin iyon.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita. "Please talk to me, Rave. May nagawa ba akong kasalanan sayo?"

Tahimik namang nagsialisan ang mga kasama niya. Kahit si Kyler ay hindi na umimik ng hilahin siya nung lalaking sa pagkakatanda ko ay si Axis.

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon