Stealth - Kissing Monster and the Race Demon

11.7K 240 9
                                    

***

 

It's been a week since that prankster bugs me. Sinubukan kong alamin kung sino siya pero sa tuwing magkakaroon ako ng konting lead ay agad-agad rin iyong nauuwi sa dead-end. Yung parang merong nagba-block ng mga impormasyon. Itinigil ko na muna ang pagsisiyasat na ginagawa ko dahil nagmumukha lang akong tanga.

Nasa loob ako ng isang bar at tahimik na umiinom. Nakauniform pa 'ko pero nilagyan ko na lang ng sapaw na jacket para di halata. Ayokong umuwi sa bahay o kahit sa condo ko. Ayon kasi sa prankster na 'yun, madami raw siyang mata sa paligid at kita niya lahat ng ginagawa ko. Ang creepy di'ba? Malaman-laman ko lang talaga kung sino ang taong yun, tatanggalan ko siya ng mukha! Itatak niyo yan sa mga kuko niyo.

"Hi, miss. Alone?"

Napalingon ako sa nagsalita. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Do I know you?"

"Nope, but I'm Andrew. You are?" Siya sabay lahad ng palad niya. Tinitigan ko lang yun. Wala ako sa mood para makipag chit-chat sa kahit na sino.

"Ang sungit mo naman, Miss. Pero gusto ko yan." At lumapit pa siya lalo sa tabi ko.

"Leave me alone." Diretsang saad ko sa lalaking stranger na 'to.

Pero kabobohan lang ng isang 'to at idinikit niya pa ang katawan niya sa'kin. Sikmuraan ko na kaya to? Bigla niya akong hinapit sa bewang at inilapit niya pa ang mukha niya sa'kin.

"Let go of me!" Sigaw ko sa kanya dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko.

"You're wild. Wild ka rin ba sa kama?" Fuckshit! Manyak! Papangahan ko na sana ang lalaki ng may humablot sa braso niya at inundayan siya ng suntok sa mukha.

"She said let go, you fuckin' bastard!" Natigilan ako ng marinig ang boses na yun. "Gray?"

Hinablot niya ang braso ko at hinila palabas ng bar.

"Aray! Dahan-dahan naman mister. Makahila ka ha." Angal ko sa kanya. Ilang araw na kaming close. Well, dahil na rin sa panganib na dala ng bruhang si Xanthe. Si Gray na ang naging tagapagligtas ko laban sa kanila.

-

Nakayuko akong pumasok sa loob ng room namin dahil wala akong trip gawin ngayong araw. Pa-mysterious epek lang ang peg ko today.

Bigla namang may humarang sa daan ko. Syempre babae dahil sa suot nitong mataas na sapatos. Naging student enemy No.1 ako sa school dahil sa pambubugbog na ginagawa ko sa estudyante sa canteen at sa reflection room. Mga mukha nila, sila kaya nauna! Gaguhan lang e.

"Oh. The girl with the highest degree warning. You're too brave to still be here huh."

Yeah. Tama ang pagkakabasa niyo sa sinabi niya. May mataas na lebel ng warning na ako at kapag may nabugbog na naman ako rito, lagot na 'ko. Tss. As if I care? Tinignan ko ang nagsalita. Ang babaeng baliw na baliw sa lalaking nagligtas sa'kin noon sa rooftop. At ngayon, siya ang leader ng mga babaeng gustong umapi sa'kin sa school na 'to. Pa salvage ko kaya 'to sa labas? Good idea right?

"Hey everybody. Who wants revenge on this brat?" Umingay naman yung iba dahil sa tanong niya. Yung iba tahimik lang na nakikinig. I'm in big trouble I guess. Napabuntong-hininga ako ng palibutan ako ng mga may saltik na 'to. Hindi ko tinanggal ang kamay kong nasa bulsa ko. Hayaan na nga lang sila sa ikasasaya nila.

Nasa harap ko na si Alice na ngiting-ngiti. Gaganti talaga siya. Inangat na niya ang paa niya na puntirya ang mukha ko nang biglang may humarang na malapad na likod sa harap ko. Sumilip ako sa harap at nakitang hawak nitong nasa harap ko ang paa ni Alice. Napa-atras naman 'yung iba at pinagpapawisan na si Alice na nakataas pa rin ang paang ipansisipa niya sana sa'kin.

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon