Stealth - Veluet University

15.7K 313 7
                                    

***

"Kelan ako pwedeng lumabas ng bahay?" Tanong ko kay Frost. Frost Khleeve ang buo niyang pangalan, habang Snow Khleeve naman ang akin. We're fraternal twins as per his story earlier. We're 22 years old and will be attaining our tertiary level education.


Ibinaba niya ang hawak niyang kulay puting tigercub saka ako hinarap. "Kailangan muna nating masigurong ayos ka na talaga. Tsaka konting tests nalang naman ang kailangan di'ba? Pagkatapos na pagkatapos ng mga tests mo, uuwi na tayong Baguio."


I heaved out a sigh. Hindi pa kasi ako nakakalabas. Kahit sa garden man lang nitong bahay. Masyado na akong namumutla dito sa loob dahil hindi ako nasisikatan ng araw. May terrace nga sa kwarto, lagi namang naka-lock. Minsan nga parang gusto ko ng basagin yung salamin eh. Ano bang dahilan at kinukulong nila 'ko? I'm sane.


"Bored ka na ba talaga dito sa loob, Snow?" Wala sa sariling tanong nito. Hindi pa ba halata?


"Tss.. Isn't it obvious? Halos dalawang linggo na ninyo akong ikinukulong sa bahay na 'to. Mukha ba akong preso? Baka." I annoyingly replied with a blank face. I don't know. The muscles on my face seems unmovable.


(Baka - japanese term for 'idiot')


These past few days, nagiging mainitin ang ulo ko. Maybe because of this damn boredome i feel inside this enormous, dull house.


"Sing init ng kulay ng buhok mo 'yang ulo mo. Calm down. Hahaha." Sagot niya sabay buhat ng isang baby panther at German shepherd dog pup. Konti na lang, pwede ng buksan sa publiko ang bahay na 'to bilang zoo.


"Uhmmmm... May naisip ako, Snow. Punta kaya tayong gym? Sabi mo nga, wala ka namang nararamdamang kakaiba sa katawan mo di 'ba? Malakas ka naman na e." Suhestiyon nito.


Pwede.. Pampalipas oras na rin yun. Buti nga walang maingay dito sa bahay ngayon dahil pumunta ng Baguio si Serene to enroll the three of us in one university.


"Fine. Tara." I replied at nagpatiuna na sa pagpunta sa elevator. Hidden elevator actually. Kakulay kasi ito ng dingding at tanging konti lang ang nakakaalam. Ni ang mga guards o katulong ay hindi ko minsan mang nakitang pumunta sa parteng ito ng bahay.


Anyways. The thought of fitness equipments, barbells, weights, punching bags, excites me.


Dumiretso ako sa may punching bags area ng hindi na tinitignan ang paligid. I want to do some punching! Sinipat at inikutan ko muna ang napili kong punching bag bago binigwasan ng isang beses. It went back and forth dahil sa lakas ng impact.


Then a faint conversation lingered in my head... Again...


---

"That's not right, hija. It'll break the bones in your arms. You should do it firmly."

"But that's all I can do, lolo."

"Of course not. Remember what I said to you last time? We are limitless! Hahaha."

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon