Stealth - The Hidden Treasure Room

8.5K 201 1
                                    

***

Nasa kwarto ako ngayon ni mommy at kasalukuyan naghahalungkat ng mga cabinet at drawers. Nagbabaka-sakaling may makuha akong mga bagay na makakapagpa-alala sa'kin ng nakaraan ko. Nabasa ko kasi sa internet na maaring ma restore ang memory mo sa mga bagay na maaaring pinahalagahan mo noon. Sinubukan ko nang maghalungkat sa kwarto ni Frost at Zaphael pero wala akong nahanap.

Ilang minuto na 'kong naghahanap pero wala naman akong mahanap. Napunta ang tingin ko sa bookshelf na hanggang kisame ang taas. Lahat ng libro ay magkakapareho ang lapad pero naagaw ng isang manipis sa pinakagilid ang atensyon ko. Huhugutin ko na sana ito pero hindi naman naalis mula sa pinagkakalagyan nito.

*clank*

Kumunot naman ang noo ko sa tunog na 'yun. Parang tunog ng nai-unlock na padlock?

Sinubukan kong hilahin ang shelf. And voila! Nahihila nga!

Tumambad ang isang maliit na frame. Instinct ko na ang nagsabing iangat ang frame kaya lumitaw na naman sa harap ko ang isang keypad. Or rather password pad? Ay ewan. May nakalagay kasing ENTER PASSWORD.

Teka ano kayang password nito? Hmm..

Hinayaan ko munang nakabukas ang shelf na yun saka humarurot palabas.

Naalala ko yung pinanood kong horror movie. Conjuring ba title nun? Basta, yun. Well gumamit sila dun ng LED lights.

*

Mabilis akong bumalik sa taas pagkagaling ko ng mall.

Pinatay ko ang ilaw at itinapat ang LED sa pad. Ang merong fingerprints ay 4-5-8-9. Sinubukan kong itype dun ang mga numbers pero error lang ang lumalabas.

I was about to key in something when my phone vibrates. Binasa ko yung message, it's from my mother. She's calling me Yuki again! I told her not to, but she's so damn insistent.

'Yuki..' Parang nag echo yun sa utak ko kaya inilagay ko ang numbers sa pad ayon sa pagkakasunod ng pangalang yun.

Pagkapindot ko ng enter ay umangat ang dingding at tumambad ang pintong kulay pula. I was so eager to go inside, pero isang parte ng utak ko ang nagsasabing wag ng tumuloy.

Iwinaksi ko yun sa utak ko tsaka pumasok sa loob. Pagkatapak ko sa bungad ng kwarto, ay!.. Pasilyo pala. He-he. Isa isa kasing nag ilawan ang dim lamp na nakasabit sa gilid nun kaya nakita kong pababa ang pasilyo. Ilang hakbang pa at nasa harap na uli ako ng isang mataas na pinto. Pinihit ko iyon dahil hindi naman naka-lock. Lumalakas ang tibok ng puso ko, involuntarily.

Dahan-dahan ko iyong binuksan at pumasok sa loob na ikinalaglag ng panga ko. Puno ng original paintings at jewelry cases and kwarto kaya mas lalo akong nagtaka. Wait. Treasure room ba ni mommy tong napasok ko?

Pumunta ako sa gitna dahil may glass box na naroon. Inside the box is a crest necklace. A silver plated crest with initial 'S' written with the use of diamonds. Mas malaki lang sa kuko sa hintuturo ang pendant crest pero malinaw ang letrang S na naka-cursive.

"What the fuck is this?" Di ko napigilang mura sabay tingin sa paligid. Out of all the treasures she kept inside this room, itong pendant ang nakaagaw ng atensiyon ko. Biglang nanakot ang ulo ko dahil sa pag-iisip. Shit!

"Argh!" Daing ko.

Pero ikinagulat ko ang nakita ko ng mapaharap ako sa glass box kung saan kita ko ang repleksyon ko.

'Shit!'

My eyes!

***

A/N: Needed lang ang chap na to kaya isinali. Pasensiya.

STEALTH [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon