Ang Tatlo sa Pinakapeymhur na gawain ng hampaslupa

2.4K 60 17
                                    

#1 - MGA HAMPASLUPANG NANGHIHINGI NG FOLLOWBACK - Hoy hampaslupa! Hindi ito twitter para manghingi ka ng followback. Landi ne'tong bubitang 'to. Wala namang isinulat na kwento nanghihingi ng followback! Anong mapapala ko sa pagfollow ko sa'yo? Kalandian? 

Facundo, pakibigyan ng lubid ang mga hampaslupang ito para makapagbigti na sila.

#2 - MGA HAMPASLUPANG DINAIG PA ANG SEMANA SANTA SA PAGPAPABASA - Iba ka ring hampaslupa ka! Ganun ka na ba ka-desperadang may makapagbasa sa gawa mo?! Halos sinuyod mo na lahat ng message board ng mga authors sa wattpad sa pagpapaste ng link mo. Anong napala mong gaga ka? Nganga! Buti nga! 

Facundo, pakilagay sa silya elektrika ang mga nagmamaganda!

#3 - MGA HAMPASLUPANG BINABABOY ANG COMMENT BOX NG AUTHOR - Aba matinde! Hindi nakuntento ang hampaslupa sa message board. Nagpunta sa story tapos ikinomment... "Hello po, author. Ang ganda po ng kwento niyo! Pakibasa rin po ang akin. wattpad.com/story/Ang-Peymhor-Ko-Po-Kaya-Basahin-Mo-Ito" Malandi kang hampaslupa ka! Dinaig mo pa si Nicole sa pagiging desperada!

Facundo, pakibigyan nga ng utak ang isang 'to. Naibenta na ata sa ayosdito.ph eh.

Mga Kapeymhuran ng Hampaslupa!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon