Lahat ng mga pangyayari sa buhay natin ay nakatadhana na o nakasulat na sa libro ng makapanyarihang tao na siyang gumagabay sa atin.
Ang bawat indibiduwal ay may sariling mundong kaniyang pinaniniwalaan , mga karanasan na siyang nag-udlot upang ang isang tao ay maging kung sino man siya . Ang karanasan rin ay siyang dahilan kung bakit may kaniya-kaniyang ugali't pag-unawa .
---
Malamig ang simoy ng hangin sa lugar na ito . Paminsan-minsan akong pumaparito para magpahangin . Presko ang hangin dito , dahil na rin sa mga puno't mga halaman na nakapalibot sa lugar na ito . Mga ibon na nagsiliparan na parang ang saya-saya nila , na para bang walang kaproble-problema ..
sana'y ganito rin ang buhay ko .. Sana simple lang at walang problema . May mga pagkakataon na para bang may kung anong bagay ang hindi ko maintindihan .Minsan rin ay nakakapangilabot , hindi ko alam pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing napapaginipan ko ang isang madilim na lugar , ang bilog na buwan , mga uwak na nagsiliparan at mga mga kuwago na para bang ikaw ay pinagmamasdan .
habang pinapanood ko ang mga ibong nagliliparan ay napansin ko ang paggalaw ng isang damo . kumakaluskos pa ito kaya nakaramdam ako ng takot .
nag-iisa lang ako rito't medyo malayo pa naman ang lalakarin para makalabas sa malabundok na kagubatang ito . Paano kung baboy ramo , o di kaya isang ahas o isang---
"Jusko po!" napatayo pa ako nang biglang may Lumabas mula sa damuhan . Isang puti at maliit na daga lang pala .
ang lalim lalim na ng mga iniisip ko nang bigla nalamang akong natakot at mapasigaw . isang daga lang pala?
natawa nalang ako nang napansin ang paglapit niya saakin habang paamoy-amoy .
hindi ba siya natatakot sa akin?
hmm baka nga .umupo ako ulit sa damuhan at sinubukan na kunin siya hindi naman siya pumalag at ipinatong ko siya sa may hita ko .. ang kyut niya . pa'no kaya kung iuwi ko siya? pero baka di magustuhan ni kuya at itapon niya . Huwag nalang.
chi-neck ko ang oras at alas tres na pala ng hapon . tatlong oras na pala ako nakatambay dito . Niligpit ko na ang mga kalat ng mga chichiryang binaon ko at inilagay sa bag ko . uuwi na ako baka nakauwi na si kuya .
"bye daga . uwi na ako" kumakaway pa ako sa daga habang umaatras at tatakbo na sana . nang may humawak sa balikat ko .
"alam mo bang kanina pa kita hinahanap ha Mercy?" lagot , paano ako nahanap ni kuya rito. hindi naman niya alam na dito ako tumatambay ..
"eh kasi kuya , alam mo namang takot ako sa bahay kung wala akong kasama diba?" napatingin siya sa kamay ko't ngayon ko pa napansin na may konting dugo ito sa dalawang tuldok na sugat .
"nakagat ka ba ng dagang 'yon?" nagkibit balikat nalang ako at napaisip . kinagat nga ba ako ng daga? ba't di ko man lang napansin o naramdaman ?
YOU ARE READING
THE BOOK OF MAGIC
RandomA magical book that will bring them to another world. "Truth behind the covered reality..It's magical inside .It looks surreal!!."