"So nasaan na sina kuya?" umakto siyang lalakad na pero hinawakan ko ang braso niya para mapigilan ."Sagutin mo'ko unggoy ka!." Umayos siya ng tayo at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat .. Linapit niya ang mukha niya sa mukha ko . Ramdam ko ang mainit na hininga niya .
"I won't tell you..so shut up and follow me Queen of monkeys." aba itong unggoy na'to kung makataray ahh..
Naglakad na siya papalayo .Sumunod nalang ako
"Bakla bakla bakla!." sigaw ko sa kaniya . Patuloy pa rin siya sa paglalakad .
"Baklang unggoy! kala mo di ko naaamoy iyang tinatago mong baho ha? BAKLA KA!." ngayon ay huminto siya at hinarap ako , nasindak ako sa malaexpresyon niyang ke-lamig . Shookts nakakatakot ang titig niya .
Nag peace sign ako pero di pa sapat para balewalain niya na lang ang sinabi ko . Lumapit siya saakin , ako naman parang tanga lang na tumakbo papalayo sa kaniya . Pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsunod saakin habang tinititigan niya ako ng masama. Hindi siya tumatakbo . Waah ba't parang iba siya ngayon?.
Walang tigil ako sa pagtakbo hanggang sa .. Nadapa ako .
"aray huhu." tatayo na sana ako para tumakbo ulit pero nakita ko ang paa niya na nasa harapan ko na .
Lagot..
hinay hinay akong gumapang paatras pero di parin siya tumitigil sa pagsunod .. Tumigil ako nang marinig kong may humalakhak! Pesteng Unggoy tinawanan lang naman ako .
"Y-ung Mukha m-o Mercy!HAHAHA!" Walang tigil siya sa paghalakhak . Tumayo na ako at saka nag cross arms sa harap niya. tawa siya ng tawa ng nakapikit hindi niya namamalayan na nasa harap niya na pala ako.
"Oh-ow."
tinanggal ko ang lowcut na converse shoes ko nang tumigil siya sa pagtawa pinulot ko ito at iaakmang papaluin ko siya nito .
Siya naman ngayon ang atras ng atras . Takot na mapalo ng sapatos ko , huh! ano ka ngayon unggoy ka!
" Mercy nagbibiro lang naman ako eh , Peace tayo?."
diko alam sa ugok na'to pero napaka-childish minsan . Di ko tuloy napagkamalang 20 na ..
Sa aming lahat , sa aming labing dalawa kaming dalawa ang mas pinaka bata ang edad ako ay 18 ang pinaka-bata sumunod naman si Valiant . 23 sina Blass , Burst , Vigorous , Stalwart , Robust at Stout . 24 naman sina Gallant , Dauntless , Doughty at Kuya .. Nalaman ko lang kahapon na magkasintahan pala sina Gallant at Doughty kaya pala ang sweet nila.Walang tigil kami sa paghahabolan . Hanggang may narinig akong tumawag saamin, mahina ngunit malinaw dahil tahimik sa lugar na'to.. Halatang nagmula sa malayo ang pinanggalingan ng boses na iyon .
"Mercy Valiant!" tumigil ako habang nakawak sa magkabilang tuhod ko na hinihingal . Lokong unggoy , napagod tuloy ako sa kakatakbo.
liningon ko ang pinaggalingan ng boses na iyon . Nakita ko ngunit maliit kasi malayo . Papunta siya dito sa direksyon namin kung hindi ako nagkakamali .
Tiningnan ko si Valiant na ngayon ay gaya na sa akin na humahangos dahil sa kakatakbo . Nakatingin din siya sa direksyon ng pinanggalingan ng boses na iyon , tiningnan niya ako at nagkibit balikat .
Palapit ng palapit ang babae at ngayon ko lang napansin na si Blass pala . Nakangiti siya habang kumakaway .
Sinuot ko agad ang sapatos ko at saka siya nginitian pabalik . Bakit siya lang at wala sina kuya? Inaamin ko , namiss ko si Kuya kahit kalahating oras palamang siyang nawawala ..Tinuring ko na kasi si kuya na papa ko narin . Haay
![](https://img.wattpad.com/cover/130944883-288-k300880.jpg)
YOU ARE READING
THE BOOK OF MAGIC
RandomA magical book that will bring them to another world. "Truth behind the covered reality..It's magical inside .It looks surreal!!."