Chapter 3 : Wooden Box

17 2 1
                                    


--

dalawang araw na ang nakalipas simula nang dumating ang mga makakasama namin sa paglakbay .. Hindi man ako handa pero pipilitin kong maging..

"ano bang ginagawa natin sa bahay na'to kuya?" tanong ko .. Pumunta kami dito kasama parin ang mga sabing mga di rin ordinaryong tao na sina Ate Vigs at iba pa .. Halatang luma na ang bahay nato dahil marami ng mga alikabok at mga basag na gamit .

"Dito tayo magsisimula .. dito raw itinago ang libro ng mahika , dito mismo sa lumang bahay na ito ." paliwanag ni Gallant ..

"Paano mo naman nalaman?"Tanong ko.. Nagsitinginan naman sila kay kuya at saka sa isa't-isa .

"Mukha ngang hindi mo pa talaga alam ang lahat Mercy."ngayon ay si Valiant naman ang nagsalita.. Bakit ba naiinis ako sa boses ng unggoy na'to? simula siguro noong nagpanggap siyang daga ..Hay naku ba't ko pa ba naiisip ang nakakahiyang pangyayari na'yon?

"Sino kayo , bakit kayo pumasok sa pamamahay ko?!" Halos mapasigaw na ako sa gulat ng may biglang sumulpot sa likuran namin .. Isang matandang babae na may hawak-hawak na pamaypay .

"M-may hinahanap lang po kami lola." pagkatapos kong magsalita ay linapitan ako ng matanda .

"Ikaw.." umatras ako dahil sa mga titig niyang nakakatakot . Omy gosh!

"Ikaw ang babaeng may kakayahang kontrolin ang libro ng mahika , tama ba?" Tumango lang ako sa kaniya dahil parang walang kahit na anong salita ang Lumabas   sa bibig ko dahil sa nakakatakot niyang nanininirik na mata .. manghuhula ba siya? ba't naman niya alam?

"Opo siya nga po lola" sagot ni Valiant .

"Hindi kita tinatanong! huwag kang chismoso!" nabigla ako sa sinabi ni lola . Tatawa na sana ako dahil nakita ko ang mukha ng pagkahiya't pagkadismaya sa mukha ni Valiant the monkey. Kaso lang ay hinawakan ako ni lola sa kanang kamay ko at hinahaplos ito ..Infairness lola ah , ang lambot ng kamay mo hihi.

"Halika ka binibini , sundan mo ako." Sabi pa ni lola pagkatapos ay lumakad na siya.. Aktong susunod na sana ang iba ng nagsalita si lola.

"Wala akong sinabi na kayu din!" Pfft kung hindi lang sana matanda si lola , siguradong malilintikan siya ng mga kasama ko .

Umakyat kami ni lola sa isang masikip na hagdanan .. Nakita ko ang isang maliit na pintuan na gawa sa kinurbang kahoy .
Nang kami ay nakarating na sa harap ng pintuan ay hinawakan ni lola ang pinto saka ito bumukas.

Jusko po!

Napanganga ako sa nakita kong napakalawak at napakalaking silid na punong-puno ng mga aklat ..Halatang wala nang gumagamit sa mga libro dahil halos lahat ay meron nang mga alikabok ..

"Ito ang aking tahanan.. Sana'y pagpasensiyahan mo na kung napaka-dumi na dito .. Hindi ko na kasi kaya pang linisin ang napakalawak na silid na ito .. hindi ko rin pwedeng ipagkatiwala sa iba ang paglilinis dito lalo na't dito ko itinago ang librong hinahanap niyo.." Paliwanag ni lola .

Kumuha ako ng isang libro at sinuri ito ..ang luma na nito , pinagpagan ko ang alikabok na siyan tumabon sa nakasulat sa Book cover nito ..

"S.O.T.P" basa ko mula sa isipan ko ..

THE BOOK OF MAGICWhere stories live. Discover now