ng dumating ang umaga , ginising ako ni kuya .Ako nalang pala ang hindi pa nakakapag-ayos . Kaya dali-dali akong nag ayos . Tinanong ko pa si kuya kung saan banda ang batis na sinasabi ni Burst . Maliligo ako . Hindi ako sanay na hindi nakakaligo .
nang sabihin ni kuya ang direksyon ay pinasamahan niya ako kay Blass para daw sa kaligtasan ko . Sobra si kuya kung mag-aalala na amubot na sa nakakapagtaka . Oo gubat ito at maaaring may mga wild animals ang pwedeng nandito pero kahit ganoon nakakapagtaka pa rin .
"Sige na mercy maghubad ka na at maligo na , hindi ako sisilip pramis!." Blass at tumalikod.
dala niya ang bag ko ..Kaya ang ginawa ko ay naghubad na , hindi ko babasain lahat baka mabasa pa ang bag ko kaya hinubad ko lahat at mabilis na yumapak sa batis at mabilis na nag shampoo , sabon at nag banlaw sa sarili .. Patingin tingin pa ako sa paligid baka may makakita .
Ng natapos ay agad ni kinuha ang towel sa bag at tinapis agad ito sa katawan ko .
"Blass saan ako magbibihis?" nilibot ni Blass ang tingin at saka tinuro ang isang malaking puno.
"Salamat."
pumunta ako doon dala ang mga damit ko . Yung mga hinubad kong damit kanina ay tinupi ko . Nilabhan ko naman ang underwear ko syempre.
"Nasaan si Mercy?" Lumaki ang mata ko ng narinig ko ang boses ni Valiant . Lagot.
Mas binilisan ko pa ang pagbibihis baka sisilip pa iyon dito huhu.
"Ah nandiyan sa likod ng punong iyan at nagbibihis." sagot ni Blass.
Nako bakit pa ba niya tinuro .last nalang at susuotin ko na ang t-shirt ko ng may unggoy na biglang sumilip at agad ring tinakpan ang mata niya at tumalikod .
"LOKONG UNGGOY KA! NARINIG MO NAMAN SIGURONG NAGBIBIHIS AKO AT NAGAWA MO PANG SUMILIP! MANYAK KA!" umuusok na ang ilong ko habang pinagdadatdatan siya .Waah! nakita niya ako ng naka-bra lang .Alam ko iyon dahil nakita ko ang reaksiyon ng itsura niya .Huhu
"S-sorry M-mercy , diko sinasadya!." hinampas ko agad siya ng tuwalya . siya naman ay tumakbo na papalayo .
"Wah Blass ba't mo ba pinasadaan na lang si Valiant." pumapadyak ako habang tinutupi ang tuwalya at binitbit na ang bag ko
"hehe sorry"
sorry?! nang-iinis ba siya? grabe nakakahiya!!!!
Inakbayan ako ni blass saka hinalikan ako sa pisnge . Nagtaka tuloy ako kung ba't niya 'yon ginawa
"Sorry na eh di ko kasi namalayan na pumunta siya sa kinaroroonan mo kasi pinanonood ko ang mga ibon na nagliliparan." paliwanag niya . Nawala ang inis ko sa kaniya pero hinding-hindi mawawala ang inis ko kay Valiant dahil sa kamanyakan niya!
kami nalang ang hinihintay nila ..
"Tara na." At umuna na si kuya at kasabay niya naman si Valiant na umiwas agad ng tingin . Agad uminit ang pisnge ko dahil sa nangyari kanina . Nakakahiya sobra
kaming dalawa ni Blass ang sumunod kina kuya . at ang iba naman ay nasa likuran namin . Seryoso sila habang palinga-linga..Baka nagbabasakali silang nandidito lang pala ang punong iyon.
Dumaan kami sa isang madilim na kagubatan ..Liningon ko ang likuran namin kung saan kami dumaan , maliwanag . Bakit kaya makulimlim sa parte ng gubat na ito? Patuloy parin kami sa paglalakad hanggang sa huminto sina Kuya at Val .
Kaya huminto ako sa tabi ni kuya .. May kung ano siyang tinitigan na para bang ini-iskan niya ito . Napatingin na rin ako . Sobrang dilim , na kahit ni isang bagay ay wala akong nakita .
![](https://img.wattpad.com/cover/130944883-288-k300880.jpg)
YOU ARE READING
THE BOOK OF MAGIC
CasualeA magical book that will bring them to another world. "Truth behind the covered reality..It's magical inside .It looks surreal!!."