Chapter 9 : Water Falls

4 1 0
                                    


Sinong mag-aakalang nabuhay akong muli ng dahil sa isang halik lang? nakakapagtaka masiyado . siguro mahiwaga ang halik na iyon .

Naramdaman ko nga sa puntong iyon noong nawalan ako ng hininga na patay na talaga ako sa mga oras na iyon .

Nang magising ako ay madaling araw na .. Gising si kuya kaya tinanong ko kung anong nangyari habang nakatulog ako .. at kung bakit ako nagkaganon .

"Hindi ko alam . Pero may alam ako kung sino ang may kayang gawin iyon sa'yo , kung bakit biglaan ka nalang nawalan ng hininga . " sagot ni kuya .

Kasalukuyan kaming naglalakad ni kuya malayo sa kinaroroonan ng mga kasamahan namin .

"sino naman?" imposible namang may gumawa saakin non . At kung posible nga , ano naman kayang dahilan niya kaya't nagawa niya iyon sa akin .

"Gusto mo bang malaman kung anong kapangyarihan meron ako?" napahinto ako sa narinig ko . Kapangyarihan ni kuya? as in Magic or Werpa?!

"Sige kuya gusto kong makita iyang werpa mo!"

kumunot ang noo ni kuya . Di niya kasi alam ang salitang Werpa hahaha. Di kalaunan ay huminga ng napakalalim si kuya . Nag wa-warm up ba siya o kinakabahan?

"Ere Zekta" biglang sabi ni kuya .

Hala , iyon yung narinig ko bago ako makaramdam ng antok ah .. Ibig sabihin ---

Nakaramdam ulit ako ng antok . Gusto kong matulog . Bago paman ako mahiga ay may sinabi si kuya .

"Ere Fuente" agad nawala ang antok ko at bumalik sa dati ang pakiramdam ko .

"W-wow kuya . Kaya mo naman pala ang ganiyan eh bakit di moko inutusan na huminga noong hindi ako makahinga?" nag cross arms ako .

"dahil nay kumukontrol sa'yo di ko iyon magagawa hanggat may nagkokontrol sa'yo ." napatango ako

Naalala ko tuloy kung paano umiyak si kuya at nagmamakaawang magsalita ako .

"Paano naman iyong p-paghalik ni Val saakin kuya? ano bang kaya niyang gawin o ano bang kapangyarihan niya?" napalunok ako sa sarili kong tanong..

"May kakayahan siyang pahirapan ang isang tao gamit ang mga titig niya .. Gago siya , alam kong hindi niya 'yon magagawa sayo . Pero mas lalong nakakagagong isipin na siya lang ang pwedeng gumawa non."

Napaisip ako .

"Kuya diba nga't hinalikan niya ako at tinulungan niya akong makahingang muli?at bakit naman gagawin saakin iyon?" tumalikod si kuya bago nagsalita .

"hindi natin alam Mercy kung anong takbo ng kokoti niya ." huminga siya ng malalim at nagsalitang muli

"Ah kuya , diba lahat tayo dito ay hindi ordinaryo? Ano naman ang kayang gawin ng iba pa? nina Burst  Doughty , Stout , Stalwart , Robust , Gallant at Dauntless?"

"Sasabihin ko sayo pero iyong importante lang "

"Si Gallant , nakakagawa siya ng mga lason ..Si Dauntless , nakakagawa siya ng kahit na anong klase ng Armas  gamit ang apoy..Si Doughty naman , meron siyang kakaibang pana .. Si Stalwart , kaya niyang magteleport .. Si Stout naman  , may kakayahan siyang gayahin ang ibang mukha .. Si Vigorous , kaya niyang pagalawin ang mga bagay-bagay ..Si Robust naman kaya niyang magpalit-anyo bilang hayop ..at si Blass naman ay may kapangyarihang tubig ."

Si Blass ay tubig at si Burst ay apoy , kegaling din e noh? kambal nga itong dalawa . Kung anong ipinagkaiba nila sa ugali , iyon din ang pinagkaiba nila sa kapangyarihan .

THE BOOK OF MAGICWhere stories live. Discover now