Chapter 13 : Fairies

7 1 0
                                    

Mercy's Pov:

Isang sinag ng araw ang gumising sa akin . Hinarangan ko ng aking kamay ang nasinagan kong mukha . Umaga na pala .

Bakit ang tahimik? .Bumangon ako't inayos ang higaan , dumungaw pa ako sa bintana para tignan kung nasa baba lang sila . O baka naman tulog pa . Dinalian ko ang pag-aayos sa higaan saka dali-daling lumabas sa kwarto . Ng makalabas na ako ay agad kong pinuntahan ang kwarto nila  at ng makitang walang tao ay bumaba ako para tignan naman sa kusina , sala , CR at wala talaga . Wala sila , gising na silang lahat . Kahit sina Mina at Yina ay wala . Mukhang ako lang ata ang mag-isa dito .

Bubuksan ko na sana ang pinto ng natandaan ko ang nangyari kagabi. Parang bumalik ang pangyayaring 'yon sakin ngayon kaya kinabahan na naman ako .. Pumikit ako at huminga ng malalim .

Bakit ba ako natatakot kung nasa tabi ko lang naman si God? Oo na! ang bata kong pakinggan pero 'yon naman talaga ang katotohanan . Kaya naman ay lumabas na nga ako ng bahay . Iginala ko muna ang paningin ko at napahinto ng may nakita akong magkatabing malaking puno sa unahan . Klarong-klaro ang mga nagsibitin na mga halaman sa malalaking sanga sa dalawang puno . Mukhang puno 'yon ng balite , pero ang dalawang punong 'to ay kakaiba . May mga maliliit na insektong kumikinang at umiilaw na parang mga aninipot , pinapalibutab nila ang puno habang lumilipad-lipad . Ilan lamang silang nakikita ko , dahil sa kuryosidad ay lumapit ako .

"Oh my gosh!" Napanganga ako ng makita kung ano ang mga nagliliparan . May nga pakpak sila! at yung pakpak nila ang kumikinang sa ganda! Like omygod! saka yung mga costumes nila ay mga klase-klaseng bulaklak .. Ng dahil sa hiyaw ko ay napatingin silang lahat sa akin . Siguro ay natakot sila kaya laking gulat ko nalang na nawala sila na parang bula . Napatakip ako ng bibig dahil sa gulat at mangha . Kung nandito lang sana si Blass ay baka mas grabe ang reaksyon non saakin .

"Hoy Mercy!"

"Ay shunga!" napatalon ako dahil sa gulat ng may kumalabit sa ulo ko .

"Ano ba naman kuya? ba't kaba nanggugulat?" inirapan ko siya't tatalikuran na sana siya ng maalala ko ang galit na may halong pag-aalala ang mukha niya kagabi .   

"Ah eh hehehe" lagot , galit na naman ata siya . Nong nilingon ko kasi siya , yung mukha niya galit .

"Kuya naman , asan ba kasi kayo nagpunta at iniwan niyo ko sa bahay ng mag-isa eh alam mo naman na natatakot ako lalo na't kapag mag-isa lang ako sa bahay diba?" Eh sa totoo namn kasi . Nakita ko ang pag-iba ng expresyon sa mukha ni kuya . Ang galit na mukha niya kanina ay napalitan ng maamong mukha .

"Sige na , pumasok na tayo sa bahay . Kumain ka na ba?" sabi niya . Waw , mukha atang may saltik na itong si kuya . O kaya naman may nakain lang ng mahiwagang pagkain , kalain niyo nga naman parang iba si kuya ngayon kesa noong nasa normal na mundo pa kami .

"Hindi pa ." ngumiti ako sa kaniya . Pi-nat niya ang ulo ko sala inakbayan ako .

"Kuya , matanong nga kita." sabi ko habang naglalakad na kami ay naisipan kong tanungin siya tungkol sa isang bagay .

"Hmm." hala , nagbago nga si kuya . Noon kasi sa tuwing nag-oopen up ako ng topic ay lagi niya akong binabara . Eh ngayon mukhang matino na siyang kausap.

"tungkol kagabi , ano bang ginawa ni Valiant at nawala nalang bigla yung weirdong shadow?" napahinto si kuya saka sinamaan ako ng tingin . Eh?

"Baka nakalimutan mo Mercy na may kapangyarihan si Valiant? " hala oo nga , bakit nakalimutan ko ang tungkol don? Lol ang bata bata ko pa naman , ulyanin na ako . Napa-tss nalang si kuya saka naglakad na uli kami .

THE BOOK OF MAGICWhere stories live. Discover now