--
Hindi ko na talaga naiintindihan ang nararamdaman ko . Malungkot? Nahihirapan na siguro ako..Bakit pa ba naabot ako sa ganitong sitwasyon? Ang gusto ko lang naman maging simple ang buhay ko .Pero sa sitwasyon ko ngayon , mukhang hindi na . May nasimulan na ako sa paglalakbay sa pagsubok na ito , ipagpapatuloy ko na lang hanggang sa maunawan ko na ang lahat . Na malinaw na saakin kung bakit ako naging ganito at kung bakit kailangan na umabot pa ako sa ganito .
Di ako nagpahalata na umiiyak . Dahan-dahan kong pinahiran ang luha ko . Busy sa pagkakatay ng manok si Valiant kaya naman hindi niya ako napansin . Di rin nagtagal ay dumating na sina kuya na may mga bitbit ng mga kahoy na panggatong at mga pwede namin makain .
Pwede naman siguro noong bago pa kami pumunta dito ay nagdala sila ng mga ready to eat na mga pagkain.
"Okay ka na ba Mercy?" tanong sa akin ni kuya sabay hipo sa noo ko .
Ngumiti ako sa kaniya .
"Kuya , miss ko na ang bahay." nasabi ko nalang. Tinap ni kuya ang ulo ko ng mahina at saka dinagdagan ng panggatong ang apoy na ngayon ay mas lalong lumaki ang apoy . Sapat lang para mainitan ako , kami.
"Bukas , magpapatuloy tayo sa paghahanap sa punong iyon ." tinatamad na sabi ni Blass . Sinimaan siya ng tingin ni Burst kaya nasindak si Blass . Alam na alam niya ang ugali ng kambal niya kaya lumayo siya dito at lumapit saakin na kumapit pa sa braso ko .
Ngumisi nalang ako at pinagmasdan nalang sina Kuya , Valiant , Vigorous , Dauntless , Gallant at Doughty na abala sa pagaasikaso sa magiging hapunan namin .
"May maitutulong ba ako sa inyo?" sabi ko..
Medyo natawa pa ako ng Sabay-sabay nilang sinabing..
"Magpahinga ka nalang"
pero mabilis na umusok ang ilong ko ng dinugtungan pa ni kuya ng--
"Wala ka namang maitutulong dito kasi wala ka namang alam sa mga ganito. Baka ikasira pa ng ginagawa namin dito ." Tumawa ang iba . Imbes na susugurin ko na si kuya ay pinabayaan ko nalang at kinalma ang sarili ko dahil sa nakasandal sa balikat kong si Blass na mahimbing na natutulog .. that was fast!Nakita ko namang iiling-iling si Burst habang tinitingnan ang kambal niya ..Ano kayang problema niya?
Ngumiti ako sa kaniya ng tumingin siya sa akin ..Inismiran niya lang ako , she's too cold to be called Burst . While Blass' name is kinda cute for her personality hihi.
Ilang oras ang lumipas at natapos nadin sila sa kanilang ginagawa. Pero matatagalan pa bago maluto ang apat na lechon manok na hinanda nila . Wala nga lang kanin , parang di ako mabubusog nito .
"Ang boriiiing!." pagrereklamo ko habang nag-iinat .. Nakatingin silang lahat sa akin .
"Gusto mo ba ng jokes Mercy?." biglaang tanong ni Valiant kaya sa kaniya naman napunta ang atensiyon ngayon . Nakangisi sa kaniya sina kuya .
"Ayaw. Mukha mo palang nakakatawa na .We don't need your jokes here , only your funny face is all we need . " matapos ko iyong sabihin ay nagsitawanan na silang lahat ..Nakakatawa ba iyong sinabi ko?
"What?" inosenteng tanong ko ..Nambabara lang naman ako at nagsitawanan na sila?
"Ikaw pala itong joker Mercy eh." nagsitawanan ulit sila .
"Oh sige , may joke ako ." sabi ko . Huwahaha. tiningnan nila akong lahat ng nakangiti pwera na nga lang kay Burst na seryosong dinadagdagan ng panggatong ang apoy na nasa gitna namin ..Habang patuloy na iniikot nina kuya , Gallant , Dauntless , at Stalwart ang lechon manok .
"Anong unggoy--ay hindi , sinong unggoy ang Tagapagligtas na kumikinang?." hindi maalis ang ngiti sa labi ko ..Nakangisi naman silang nakikinig sa akin . Sa puntong iyon ay siya namang paggising ni Blass, and again , that was too fast.
![](https://img.wattpad.com/cover/130944883-288-k300880.jpg)
YOU ARE READING
THE BOOK OF MAGIC
RandomA magical book that will bring them to another world. "Truth behind the covered reality..It's magical inside .It looks surreal!!."