LUSTIN LUBER'S POV
Habang nagsisiyahan silang pinapanood ang mag kambal na nag-aasaran habang ginagamit ang mga kapangyarihan nila ay may napansin akong sumisilip-silip sa gawi namin sa may kalayuan na nagtatago sa isang puno .
Hindi ko maaninag kung anong kasarian niya . Pero sigurado akong kami ang tinitingnan niya . Malakas ang kutob kong may sadya ito saamin .Hindi ko nga lang mawari kung masama ba o may kailangan lang siya .
Habang nakatuon sila sa mag kambal ay tumayo ako at dere-deretsong lumakad para puntahan ang kung sino man iyong napansin ko .
Habang lumalayo ako ay palayo ng palayo rin siya .
Hanggang sa may tumabi saakin . Ang gago nag teleport , walang iba kundi si Stalwart ."Ba't ka ba sumunod?" imbes na sagutin niya ako ay tanong din ang sinagot niya .
"Anong problema?"
"Nakita mo ba 'yon?" tinuro ko ang pakay ko na mabilis na naglakad . Hindi ko parin inaalis ang mata ko sa kaniya , baka mawala pa . At baka ito na yung pwedeng tumulong saamin para ituro kung saan namin mahahanap ang taong siyang sadya namin sa pagpunta dito .
Doughlas Mclaverdge. Ang hari.
Alam ito ng lahat puwera nalang kay Mercy .. Sa isang dahilan na dapat ay hindi niya pa dapat malaman ...ang katotohanan.
Agad nawala sa tabi ko si Stalwart kaya halos tumakbo na ako para lang masundan siya agad . Pagdating ko ay isang water falls ang nadatnan ko .
lumilingon lingon ako sa kung saan . Nasaan ang gagong 'yon . Sana nadakip niya ang taong yon.
Lumakad ako para sana hanapin si Stalwart kaya lang ay narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko . Mahina ito at halatang pasigaw kaya inilibot ko ang tingin at doon ko nakita si Stalwart habang ginagapos ang isang tao . Nasa ibabaw sila ng falls kung saan nandoon din si Valiant . tss ba't nandito ang gagong 'to dito . Pero atleast may naitulong , pinahirapan niya siguro tong taong nahuli ni Stalwart kasi Seryoso niya itong tinititigan .
Agad akong pumunta sa kinaroroonan nila . Nang sinilip ko ang ibaba ay nakita ko ang kapatid kong tatanga-tanga. Sinundan kami at sigurado ako.
"Sinundan tayo ni Mercy ." sabi ko at tiningnan ang nahuli ni Stalwart na iginapos pa ito sa puno . Nakayuko ito . May suot itong hood kaya tinanggal ko ito at saka inangat ang ulo niya .
Babae . Babae siya't inaamin kong maganda ito ngunit may pagka maangas ang mukha niya . Tinaasan niya ako ng kilay kaya sinenyasan ko si Stalwart na pakawalan siya . Madali akong maawa pagdating sa babae .
"Deretsiyahin mo kami kung may kailangan ka miss." pag-uuna ko .
"Sasabihin ko naman talaga sa inyu eh kaso para kayong praning na dinakip ako. tss." umirap siya saka yumaka sa damuhan . Nagkatinginan kaming dalawa ni Stalwart . Liningon ko ang gawi ni Valiant kanina pero wala na siya .
"Siya ba si Mercy?"
Nang tiningnan ko ang itinuro nitong babae ay siyang nakita ko si Valiant na kinakausap si Mercy ."Oo at bakit mo siya kilala?" tumawa ito ng mahina
"Dahil narinig kita kanina , tanga ." Aba't ang pilosopa!
"Ano bang kailangan mo't minamanmanan mo kami kanina ha?" mahina lang ang boses ko pero sapat na ito para mahalata niyang naiinis na ako sa kaniya .
"Chill , hindi kayo taga rito ano?" nagkatinginan ulit kami ni Stalwart .
"Pa'no mo nalaman?" ngayon ay si Stalwart naman ang nagtanong.
YOU ARE READING
THE BOOK OF MAGIC
AcakA magical book that will bring them to another world. "Truth behind the covered reality..It's magical inside .It looks surreal!!."