5th secret | The Ranking System

9 1 0
                                    

"There is no such thing as friends..."

******************************


FIFTH SECRET

The Ranking System


*****************************

[Rhia's P.O.V.]

Nakahiga ako ngayon sa bakanteng kama sa kwarto nila May. Malapit na magmadaling araw ngunit kahit ipikit ko ng paulit ulit ang aking mga mata ay hindi ko kayang makatulog. Hindi man halata sa akin pero nanduon ang pagdududa ko sa lahat ng mga sinabi nilang lahat kanina sa akin. Tierra? Parallel world of Earth? Bearers? Non humans? Abilities?

Everything they said and explained to me earlier seemed so surreal. It's as if I'm being sucked in into a different world which exists only in books and movies. But who am I kidding? Pinakita na nga ni May kanina sa akin ang kaniyang kakayahan, kaya ano pa ba etong pinagiisip ko? Halata naman na anuman ang nakita ko kanina ay totoo.

But to be honest, kahit gaano pa kagara ang maaaring mangyari or makita ko mula ngayon ay hindi ko na masyado ikagugulat iyon. After all, all the craziness started when that strange man who pretended to be my mom wanted to take my life. Speaking of which, si Luce ba ang nagligtas sa akin?

I remember being struck by something sharp in my leg and hitting my head on a rock, nawalan ako nun ng malay hanggang sa nagising na lang ako at nasa kotse na niya ako. Kahit ano pa man ang aking isipin, mukhang si Luce nga ang nagligtas sa akin at siya lang ang nakakakilala bukod sa akin sa magulang ko. Pero ngayon na hindi ko alam kung nasaan siya, I don't know what I should do. My parents are gone, subalit tulad nga ng sinabi ni Luce, naniniwala ako na babalik rin sila at kailangan ko gawin anuman ang dapat para manatili dito sa akademyang ito at hindi madiskubre nga mga tao. Maybe I should just follow what Prima and May planned out for us... for my safety in this unknown place that I entered.

Dumating ang pagsikat ng araw at eto naman ako, nakatitig lang ng tahimik sa pader. I couldn't get sleep. Maputla na nga ako, mas lalo pa ako magmumukhang bangkay neto dahil sa wala akong tulog.

"Are you sure you want to wear those clothes again?" nagtatakang tinanong ako ni Prima na siyang naglalagay ng makeup sa mata at nakatitig sa salamin.

Tumango lang ako. Pupunta na sana ako ng banyo nila nang harangan ako ni May at may ibinigay etong damit sa akin. "Heramin mo muna 'yan." She smiled at me at itinulak na'ko  papasok ng banyo.

She closed the door at hindi naman ako nakaimik agad. Tinitigan ko kung ano iyong ibinigay niya sa akin. Underwear, sando at leggings. Inamoy ko ang aking sarili ko at napangiwi. I guess I really do need these and a shower.

Hinubad ko ang aking black hoodie at maya maya pumasok na ako sa shower. I sigh as I let the warm water calm my nerves and refresh my skin. Tatlong araw na pala ako hindi nakakaligo mula nung nangyari iyong insidente sa bahay.

Natapos na ako sa banyo at oras na lumabas ako doon ay huminga ako ng malalim. Mentally preparing myself because how many years has it been since I went to school? Three? Five? And being a new student is not a nice welcoming feeling at all because it is hateful. Get ready for the worst, Rhia.

**********

"Okay, remember just blend in and stay close beside us." paalala ni May bago kami lumabas ng dorm. Nang pasukin namin ang isang napakalaking pasilyo ay nagsitayuan ang aking mga balahibo. Ang daming estudyante!

Skywood Academy: a Gift and a CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon