7th secret | Forbidden Area

3 1 0
                                    

"I'm lost..."

******************************


SEVENTH SECRET

Forbidden Area


******************************


[Rhia' P.O.V.]

Sinabihan ko si May na aalis lang ako papuntang banyo pero parang distracted siya kanina. I don't know if she heard me or not, she seemed so absorbed in her own thoughts. Baka nagaalala lang siya doon sa pre-simulation test.

"Hey, what are you doing here?"

I looked behind me and there is a guard wearing an armor na papalapit sa kinaroroonan ko. Uh oh!

I instinctively ran without even giving him a reason as to why I am here in the hall. Baka nagtataka siya kung bakit wala ako doon sa paggaganapan ng test. Maniniwala kaya siya kapag sinabi ko na nasi-cr ako? But it is too late for that because he is chasing me!

"Come back here!" sigaw nito sa akin.

I ran as fast as I could pero parang paikot ikot lang ako dahil magkakamukha ang mga pasilyo. I looked around and spotted a nearby statue kung kaya't nagpasya ako na magtago na lang sa likuran nito, malaki naman at nasa angolo ng dalawang pader iyon. I hope he doesn't find me there.

"Where is she?" huminto iyong gwardya at lumingon lingon ito sa paligid.

"What's wrong, sir?" tanong ng isang boses lalaki dito.

Sumilip ako sa maliit na butas sa pagitan ng legs nung istatwa. Bukod doon sa guard ay may dumating na lalaki, mukhang estudyante ito. Sumaludo iyong guard dito. "Master Kyle, mayroong babaeng estudyante po kasi kanina na nandito. She's supposed to be in the Arena." pagpaliwanag nung guard. Ayokong pumunta doon.

"An escapee, huh." bahagyang tumawa iyong tinawag niyang Master Kyle.

"Should I still look for her?" tanong nung gwardya.

The guy shook his head. "No, let her be. If she doesn't want to participate in the test, then so be it. Dismissed." aniya. Nag-'yes sir' naman yung guard at umalis na ito agad.

I still didn't dare move in my place because the said Kyle looked around as if trying to see if there is someone else here beside him. Shoo! Alis na kasi!

Maya maya ay umalis na din ito sa wakas, I waited for another minute hanggang sa wala na ang yapak ng mga paa nito. Medyo nahirapan ako lumabas dun sa likuran nung istatwa dahil ipinagkasya ko ang sarili dito kanina. Nagsimula na kaya yung test?

Napansin ko na malapit lang pala ang main doors ng akademya sa aking kinaroroonan kaya nagpasya akong lumabas na lang ng block. Nasa Arena daw yung test, nasaan kaya iyon? I went near the forest, baka lagpas nitong gubat ay naroon 'yung lugar na pinaggaganapan nung survival game... or naghuhula hulaan lang ako. Ewan, matatapos din naman siguro 'yung test sa mga ilang sandali lang so I'll just go for a walk. Wala naman akong intensyon makisali doon at mailalagay ko lang sa panganib ang sarili ko.

I entered the forest and aimlessly wandered around. Nakakamangha ang paligid dito, malalaki at matitibay tingnan ang mga puno, may mga iba't ibang klase rin ng mga bulaklak at halaman. Maririnig din ang tunog ng mga ibon at iba pang hayop sa hindi kalayuan.

Skywood Academy: a Gift and a CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon