One

1.1K 21 0
                                    

Ashley's POV.

Hello, Ako nga pala si Ashley Kim Santiago. 16 years old at mag 3rd Year Highschool. Wala naman syadong espesyal sa storya ng buhay ko. Meron akong kapatid si Nicolo. 20 years old na siya tapos lagi kami ang naiiwan sa bahay, Paano ba naman lagi busy si Mommy and Daddy. Feeling ko nga wala na silang time para saakin. Ewan ko ba. Anyway, Nag-Aaral ako sa St. Louis University. Taray diba? Di ako pinayagan lumipat ng school kaya feeling ko diyan na din ako g-graduate. 

At ngayon na kilala niyo na ako.

Kami ni kuya nakain ng Merienda, Sarap ng Binili niyang tinapay. Close kami ni kuya nics As in close. Siya lagi nag hahatid sa akin sa school. Palibahasa 20 mins bago makarating doon. 

''mahal kong kapatid.Alis muna kami ah? Sabi kasi ng mga tropa ko may laro daw kami ngayon'' Sabi ni kuya habang paakyat ng hagdan.

Tumango nalang ako.

Ako nanaman mag-isa dito sa bahay ano ba yan. Gusto ko sana itext ang bestfriend ko. Bestfriend kong siraulo at baliw na si Lily. Kaso kasama niya family niya at nag eenjoy ng summer dahil  bukas pasukan na.

''Alis na ako'' Sinara ni kuya yung pinto at tuluyan ng umalis. ano ba yan boring ng buhay ko. 

Saan kaya pwede pumunta? Ayoko naman sa mall dahil ang corny pag mag-isa lang ako, at kung sa park naman...wait pwede din.

Umaakyat agad ako sa kwarto ko at nag bihis yung medyo maayos dahil yung suot ko kanina mukha akong nanay. 

Ni-Lock ko yung kwarto ko bago bumama, Kinuha ko din yung phone at lumabas ng bahay. 

Pag labas ko may nakita ako sa tapat namin, Isang napaka laking truck. Sila siguro yung lilipat sa bahay na yan. Kasi bali balita dito sa street ng village na may lilipat daw sa tapat namin. 

Nag lakad lakad ako hanang sa maka-abot sa park. Nakakatuwa yung batang nag lalaro, tapos yung matatandang mag asawa na nasa bench, yung ibang kabataan nag lalaro ng saranggola. Dapat nga naman i enjoy ang buhay. eh ako? ayun mag isa.

Pauwi na ako, Tapos Wala na yung truck dun sa tapat ng bahay namin, Siguro tapos na sila mag lipat. Pag pasok ko ng bahay, Si Kuya naka-uwi na siguro kasi bukas na yung ilaw.

Kumatok ako, at pagka tatlong katok saka lang binuksan. Masyadong busy ? 

''Saan ka galing?'' Gandang pambungad.

''Ah,Dun sa park, Boring kaya dito sa bahay mag isa lang ako'' Umupo ako sa sofa tapos tinaas ang paa. LIKE A BOSS!

''Ano gusto mo kainin? Gutom na ako eh'' Umupo siya sa tabi ko.

''Antayin nalang natin si mommy'' Di ko alam anong pwedeng kainin.

''Tange, anong oras pa uwi non'' 

Napakamot ako sa ulo ko. 

''Gusto mo punta tayo Mcdo?'' Nung sinabi ni kuyang Mcdo Tumayo agad ako.

''Tara ba daliiiiii!'' 

''Kalma aba, Kunin ko lang wallet ko sa kwarto''

Lumabas na akong bahay,Tapos may nakita akong lalaki nakaupo duon sa tapat ng bahay nila. Siya siguro yung bagong lipat. Mukha naman ka edad ko, or ka edad ni kuya, May Quiff yung buhok niya, di ko siya masyado makita dahil medyo madilim na nun, Nag sisigarilyo siya tapos nakatingin sa mga bituin.

''oy tara na'' NiLock ni kuya yung pinto at nag lakad kami hangang maka labas ng village, Nag Antay ng Jeep. 

Sa Mcdo.

Habang Nakain kami, May Lalaki akong nakita, Siya yung nandun sa Tapat ng bahay namin, May Itsura naman pala siya. Pogi din naman pala.

''Uy, Sino tinitignan mo ha?'' Sabi ni kuya habang nakain ng fries.

''Ayun oh, Yung lalaki na naka Black Shirt, Siya yung bagong lipat'' Tinuro ko yung lalaki pero di masyadong pinahalata.

''Sigurado ka ba?'' Walang tiwala tong mokong na to.

''Oo naman'' 

Pinag patuloy nalang namin ang pag kain namin, Grabe busog na busog ako. Buti libre to ni kuya, Kung hindi magagastos ko yung pera kong tabi para sa pasukan. Nung Makarating kami sa bahay, Bumili muna ako sa tindahan na malapit saamin ng mga chips, MIDNIGHT SNACK IS LOVE.

Nung nabili ako, Yung lalaking bagong lipat bumili ng sigarilyo niya, Namimisteryohan ako sa kanya ano bayan.

''Peram po lighter'' Sabi niya, Mukha naman mabait.

''Uhmm, Ate Pabili nga po neto dalawa'' Tinuro ko yung chips na sinabi ko, Mag babayad na sana ako kaso nawala yung wallet ko...AY SHOKOY NASAN NA YON !?

''Panigurado ako, Sayo ito'' Inabot sakin nung lalaking misteryoso yung wallet ko. Na-Aawkward yung feeling ko. na-patungo nalang ako at nag pasalamat.

Pag ka kuha ko nung chips at mag bayad, Umuwi agad ako. Si kuya nasa kwarto na siguro, Nuod muna ako movie. 

Habang nakain ng Chips, Nanonood ako ng movie, Frozen. Favourite ko to. 

Di ko naman layan yung oras, Alas 12 na pala. Nilagay ko yung bottled water doon sa lababo at umakyat na sa kwarto ko.

Monday.

Tumunog yung alarm ko, Kaya dali dali akong bumangon, Ayaw ko naman ma-Late sa First day of school. Kumuha na akong susuotin ko at naligo ng mga 15 mins, Naring yung phone ko may nag text. 

From: Lily :D

 ''Oyy, Maganda, bilisan mo ah, Antayin kita sa tapat ng bahay niyo''

To: Lily :D

 ''Sige, kain lang ako, Text mo nalang ako pag nasa tapat ka na ng bahay''

- - -

Hey guys, Wala lang talaga ako magawa laya tagalog fanfic tong ginawa ko pero I promise ma eenjoy nyo to, Anyway, Siguro laging 2 days or 1 day ako bago mag update hirap kasi magisip kung anong ka balbalan ang pwede isulat. Follow niyo ko sa twitter ah? @shulamiteirish2 spread nyo tong storya para ganahan naman ako mag update xD :* ayon lang naman salamat :*

#QueenBee

You're Beautiful ... (A Tagalog Zayn Malik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon