Twenty- Four

321 9 1
                                    

ZAYN's POV.

"Queen, Ikaw naman!" Sabi ni Riley. Nag Tu-truth or dare na kami ngayon.

"Osige." Mahinhin niyang sagot.

"Kung hindi kayo ni Harry ngayon, At pag bibigyan ka kung sino ang pwede mo maging boyfriend, Sino sa kanilang apat?" Tanong ni Lily.

Tumingin muna siya kay Harry at tumango naman siya.

"Si...ano..umm..Zayn."

Tinignan ko siya, Medyo nagulat na din. Si ashley sa tabi ko parang nainis. Sa tingin ko lang naman.

"Pogi ko talaga." Yan lang nasagot ko. At nag tawanan naman sila.

Tumagal ng tumagal ang laro dun namin nakilala ang isa't isa dahil sa truths.

MARK's POV.

Kala niyo sila lang may POV no? Syempre yung pogi din.

Pero anyway, Nung natapos yung laro naramdaman ko yung awkwardness between Queen and Ashley.

Pero nung nakain kami, puro nalang tawanan ang maririnig saamin. Natapos din agad yun. kailangan na namin matulog. May swimming pa bukas eh!

"Babe tara na hatid na kita." Sabi ko kay mylove riley, Ang ganda talaga ng babe ko.

"Asus naman, Hindi naman malayo ang kwarto namin sa inyo." Sabi niya.

"Ewan ko sayo, Matulog ka na ah? I love you." Kiniss ko siya syempre. Pero sandali lang yon.

-

"Good Night." Sigaw ko sa mga panget kong tropa.

"Inamo! Ang ingay natutulog na ako." Sigaw ni HaroldKulot.

"Ge." Sagot ni josh.

Hayy maka tulog na nga.

Di ako makatulog. shems why!?

*drop that nae nae nae*

Anong oras na may natawag padin? Nakanang!

"Hello?"

"Mark! Tol si Jack to." Nanginginid boses niya.

"Oy jack kalma lang, anong meron?" Tanong ko.

"Tol! Yung kapatid mo! Si Maddy hawak ng leader ng Kabilang Gang!"

"ANO!?"

Napasigaw ako, Si Maddy. Pero paano!? Shit.

"Naandun din yung kapatid ni Zayn, Si Waliyha. Sabi pag di daw kayo nag pakita, Hindi niyo na rin sila makikita." Bago pa ako makapag salita namatay na yung phone.

"Tol!! Mag patulog ka!!" Sigaw ni Zayn.

"Zayn..."

"Oh?"

"Si waliyha nasa Silver Blood."

Tumalon ako pababa ng double deck.

"Ano!? Sino nag sabi?"

"Si jack. Nasa kanila din si Maddy."

"Hala! Bestfriend ko si Maddy pre!" Sabi ni Josh.

"Si waliyha!? Kaklase ng kapatid ko yun!"

Nag ring phone ko, text message.

"Pre bago mag umaga dapat nandito na kayo, Gusto nila kayong makita. Mag ingat kayo pre. Kami back up niyo."

ZAYN's POV.

Naayos na yung plano namin, Masakit mang isipin na iiwan ko si Ashley, Kailangan eh. Si waliyha yun. And for sure wala alam si mama dahil nasa bakasyon sila ni Safaa. Eh si ate!?

Agad kong tinawagan si ate.

"Ate? Asaan ka?" Tanong ko.

"Nandito kay Tita."

"Si waliyha?" Tanong ko ulit.

"Kasama si Zarish, Ewan ko lang kung nasan."

"Ah bye."

SHIT!!!

"Zayn tara na!" Nilayo yung sasakyan para pag inistart di masyadong maririnig.

"Sandali lang."

Pumunta ako sa kwarto nila. Si Riley gising dahil alam niya yung sa plano namin.

Lumapit ako kay ashley at sandaling hinalikan yung labi niya, Umalis din agad ako at nakita ko si Riley na tumango saakin..

To: Hon

"Hon, Sorry talaga :( sana maintindihan mo ko, Di ko kayang sabihin sayo pero wag kang magalala ayos lang ako. Ayos na ayos.
Sorry talaga hon. Iloveyou

-

5:00am nakarating kami sa hide out ng silver blood.

Tinago ko yung maliit na kutsilyo sa sapatos ko, Si Harry nasa bewang  yung baril at may dalang tubo si Mark at Josh.

"SILVER BLOOD!" Sigaw ni Mark.

"ILABAS MO KAPATID KONG HAYOP KA!" Nag echo yung pag sigaw ko.

"Oh..Dumating na pala kayo."

Nakita ko nanaman ang pinaka iinisan kong mukha, Sa kanya ako nandidiri, siya ang pinaka ayaw kong tao s abuong mundo.

"Welcome Back Zayn." Sabi ng isang member.

"Pakyu!" Sagot ko.

"Master nandito na po yung hinahanap niyo." Sabi ni isang member na may blond na buhok.

"Zayn..natutuwa akong makita ka." Pangaasar meto.

"Liam."

-
Maikli lang yan :) sorry na xD
Happy New Year

- Unicorn

You're Beautiful ... (A Tagalog Zayn Malik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon