Twenty-Nine

116 3 0
                                    

ASHLEY's pov

parang nakaka depressed sa pakiramdam, Ewan ko ba. Ang hirap lang talaga siguro intindihin yung mga nangyayari ngayon.

Nagising ako ng may kumatok, Alas 8 na pala.

''Bukas yan..''

Pumasok ang lalake na may taglay na ka-kaprehan ang tangkad, joke lang si Luke yun.

''Good Morning ashley, Uhmm.. Balak sana kitang yayain kumain sa baba, Di ka pa nag aalmusal alam ko.'' Lumapit siya at sinarado ang pinto.

''Ohh..Sige sige..'' Sumakit ang likod ko nung bigla kong inayos ang pag upo.

''Awh..'' Pag ngiwi ko.

''Oh ayos ka lang ba, Ang lakas ng tama mo rin eh no? Bakit diyan ka natulog? May sofa naman kase..''

Imbis na sumagot ay inirapan ko nalang siya.

''Tara na..Mukha kang kawawa.'' Natuwa pa talaga. Siraulo din to.

''Kamusta si Harry?'' Di ko na ksi siya masyado nabibisita eh, ayaw ko iwan si zayn dito.

''Ayun, Matigas padin yung ulo, Napipilitan nalang daw siyang uminom ng gamot. Tsk..''

matapos naming kumain ni Luke, Bumalik kami sa ospital at naabutan namin si tita trish.

-

Nandito ako ngayon sa bahay, Sabi kasi ni Tita Tricia, Umuwi muna daw ako para makapag pahinga ng ayos, Balak din kasi akong kausapin ni Mommy about sa summer job na sinasabi niya for my kuya and for me.

Sana makatulong yung summer job ko para sa iba pang bayarin ni zayn sa ospital, Wala naman akong balak bilihin sa mga pera ko kung magka-sahod man ako. Ibibigay ko nalang kay tita tricia yung pera na makukuha ko.

Para mapadali rin yung pag bayad dun sa ospital bill ni zayn.

''Ashley, Kamusta na si Zayn?'' Pag lingon ko nakita ko si Kuya.

''Tulog parin siya, kuya.'' Napa-buntong hininga nalang ako, Umupo siya sa tabi ko.

''Don't be sad ashley, sooner or later he'll wake up, That's one thing for sure.'' Ngumiti siya sakin at hinaplos ang likod ko.

''Sana nga..Sana.'' Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa mga mata ko.

Di ko namalayan na naka tulog pala ako, Nagising ako sa text ni Luke.

"Ashley, Kamusta? Wala akong mapag tripan dito :( Mag reply ka kung natanggap mo to. :) Di kasi ako nag titiwala na number mo to."

Ang sama talaga ng ugali, Di pa katiwa-tiwala ako ah? Buset.

"Halimaw ka! Number ko to malamang tsaka ako pa di katiwatiwala ah? Haha sino sa atin? Sus..Miss mo lang talaga ako lucas dami mo pang rason!"

at pagka-send ko nun, Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba ako, Wala si Kuya. For sure nag basketball nanaman yun.

Bumukas yung pinto at nakita ko si mama may dalang groceries.

"Umalis ka pala ma." Tinulungan ko siya sa mga dala niya at dumerecho sa kitchen.

"Oo, Isasama sana kita kaso tulog ka. Kaya hinayaan nalang kita." Nilagay niya sa ref yung iba niyang pinamili.

"Kamusta si Zayn? Ano ng kalagayan niya?" Napatingin ako kay mama, para bang natusok yung puso ko. Nasasaktan parin ako sobra.

"Di pa po nagigising eh.." Napabuntong hininga nalang ako sa sagot ko.

"Nako, Naaawa naman ako sa batang yon. Aalis na kami ni Tricia bukas, Sino nalang ang mag babantay don.
" Napailing na sambit ni mama.

"Andito naman po yung tita ni Zayn, si ate Doniya tas yung mga kapatid niya. Pwede sila mag salitan sa pag babantay." Sagot ko.

-

Pumunta ako kala Zayn, At si Ate Doniya ang nag bukas ng pinto, Pinaupo niya ako at nandito kami sa sala kasama yung iba niyang mga kapatid.

"Uhm..Ate, Si Tita tricia at si Mama aalis na bukas.." Sabi ko.

"Ako nalang muna pupunta dun, Si tita kasi di pa nakakauwe galing trabaho, Baka sa susunod na araw pa." Sagot ni ate doniya.

"Ako nalang po muna mag hahatid kala Safaa at Waliyha. Para makapunta rin ako sa school ko."

"Thank you ashley..Di na ako mag tataka kung bakit nasiraan ng bait sayo si Zayn. Ang bait mo sobra." Lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Walang anuman po..For the sake of Zayn's life, I will do anything." Naiiyak nanaman ako.

Lumapit sakin si Waliyha at Safaa, Niyakap rin nila ako.

-

Kinaumagahan, Hinatid namin nila Ate doniya sila mama and tita tricia sa airport. Nag paalam kami at nag paalala ng mga bagay bagay sila mama and tita. We didn't talk about zayn's condition that time.

Pagkahatid namin, Si Ate Doniya dumerecho na sa hospital pagkabigay ko ng address.

Pauwi na rin ako dahil walang kasama sila safaa at waliyha. Habang nasa bus ako, Nag ring yung phone ko. Si Mark.

"Ashley?"

"Mark. Kamusta ka na?"

"Ok naman na ako, Ikaw? Nakapag pahinga ka na ba? Asan ka?"

"Uhmm..Oo, Ok naman ako. Pauwi na ako galing kaming airport ni ate doniya, Hinatid sila tita trish at mama."

"Nakaalis na pala sila, Andito ako ngayon sa inyo. Kasama ko si nics, Wala yung dalawa mong abnormal na pinsan ah."

"Ayy oo wala sila jan, Kaya tahimik bahay. Pakisabi naman kay kuya di ako dederecho jan, Punta ako kala Zayn. Walang kasama yung dalawa niyang kapatid dahil si ate nasa ospital."

"Nandun si Waliyha at Safaa?"

Nag uba ang tono ng boses ni mark. Para bang gulat na gulat siya.

"Oo..Ako muna mag babantay sa kanila hanggang di pa nakakabalik si ate doniya."

"Shit. Kailan pa nanjan si Waliyha?"

"Nandun lang naman siya eh."

"Ahm..Sige ashley, Mamaya nalang tayo usap may gagawin lang kami ni nicolo. Bye ingat ka pag uwe mo."

"Baliw ka..Sige bye."

Nawi-wierdohan na ako jan sa bestfriend ko na yan.

MARK's POV.

tangina. Sabi ko na nga ba. Di hawak ng silver blood yung mga kapatid namin.

Alam kasi nila na pamilya ang kahinaan namin. kaya pinamukha nila na dinukot nila kapatid namin.

Ngayon, Naawa ako kay Zayn. Bugbog sarado na, Comatose pa. Punyeta talaga yang silver blood na yan.

Lalo na si LIAM PAYNE.
Pakyu siya mga bente.

Di kami handa nung panahon na yon, Iilan lang kaming pumunta sa hide-out nila tas isang batalyon pala dala niya.

Kahit kailan di na lumaban ng patas yung hayop na yon.

Wag kang magalala Zayn, Tol igaganti ka namin.. Kaming entrata ang bahala sa sinapit mo.

"Nics, Una na ako..Tsaka pinapasabi ni ashley na di na muna siya diderecho dito, Kala Zayn daw siya." Inayos ko yug cap ko bago ako nag paalam.

"Sige pre, Ingat."

You're Beautiful ... (A Tagalog Zayn Malik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon