Ashley's POV
Hinatid ko na sila Waliyha at Safaa sa school nila, dumerecho ako sa school ko para makapag paalam. Luckily, Pinayagan ako.
Si Lily, riley at Queen ang natulong samin sa notes. Si Joshua naman di rin nakakapasok dahil nag babantay sila sa ibang kasamahan nila.
Nag ring yung phone ko. Natawag si Luke.
''Ashley?''
''Oh Luke, napatawag ka?''
''ahm..andito kasi ako sa lugar niyo, binigay ni Harry yung address niyo, Saan ka?''
''Hala! Wait lang pauwi na ako, Andito pa ako sa school. Antayin mo nalang ako ha.''
''Sige sige, Ingat ka.''
''Luh? Bait mo ah, may lagnat ka ata'' Natatawa kong sagot sa kanya.
''Buset ka! sige na bye!''
Pagkababa niya sa tawag, Nag antay ako ng Tricycle. Ilang beses rin text ng text si Luke, antagal tagal ko daw.
Pagbaba ko ng tricycle, Nakita ko siya dun sa Usual spot na inuupuan ni Zayn.
''Hayy! Sa wakas, Bat antagal mo?'' Naiirita niyang tanong.
''Matuto ka kasing mag antay! Pag nagmadali ka, Masasaktan ka lang.'' Sagot ko sa kanya, Ewan ko rin bat ko nasagot ko yon at bigla nalang ako natawa
''Luh? Hugot siya oh..''
''Tulog lang si Zayn, Di kayo nag break kaya wag kang ano jan.'' Dagdag pa niya.
''Ewan..Bat ka nga pala nandito? Si Harry walang mag babantay sa kanya.''
Pumasok kami sa bahay, Si Kuya wala dito, Ewan ko nasan nanaman yun.
''Yung kaibigan nya nalang daw mag babantay sa kanya, Pinapuntahan ka niya sakin.'' Sabi nito at naupo sa sofa.
''Wala si nicolo?'' Nagulat ako sa tanong niya.
''Bakit mo kilala kuya ko!?'' Napatingin ako sa kanya at biglang tumaas ang kaliwang kilay ko.
''Kasamahan ko sa Team ng Basketball yun eh, Tuwing nag lalaro kuya mo sinasama ka niya diba? Nakikita kita lagi tsaka magkamukha kasi kayo kaya di na ako mag tataka na kapatid mo yun.'' Sagot naman niya.
''Di ko kamukha si Kuya noh.'' Inirapan ko siya at hinandaan ng Meryenda.
''Saan mommy mo? daddy mo?'' Tanong niya ulit.
''Si mommy nasa ibang bansa for business something chuchu kasama yung nanay ni Zayn, Tas si Daddy? Ewan ko kung saan ng bansa yun, Basta alam ko nag wo-work siya sa ibang bansa.'' Napabuntong hininga nalang ako sa sagot ko.
''Kawawa ka pala noh? Lagi kang nag iisa sa bahay niyo.'' Nakuha pang ngumiti neto.
''Ano pa.'' Malungkot kong sagot.
''Si Kuya nag tatrabaho na yun habang nag aaral kaya malimit nalang nauwi dito yon. Tas yung kasambahay namin umalis na, May sakit kasi yung asawa niya. Alam mo kahit na ganto buhay ko, Feeling ko di parin ako masaya.. I mean oo ok tong ganto, May pera, nakukuha ko kung ano gusto ko pero yung oras at pag mamahal ng pamilya ang gusto kong maramdaman eh.'' Medyo naluluha nanaman ako. Nakita ko si Luke na nakikinig lang sakin.
''Ikaw Luke, Nasan pamilya mo?'' Tinitigan ko siya maiigi, May itchura namna siya eh, Actually pogi siya.
''Ahm..Si Mama nag wo-work sa office, mga kapatid ko kasama ko sa bahay, tas tatay ko ewan ko kung saang lupalop na yun napunta. wala na kaming pake sa kanya.'' nag iba yung awra ng boses ni Luke.
''Bata palang ako iniwan na kami ni Papa, Sumama na siya sa babae niya. Wala na akong balita sa kanya, Di ko nga alam kung buhay pa yun eh.'' Halata sa boses niya na may Galit siya sa tatay niya.
''Buti kaya ng mama mo na sustentuhan kayo, Tatlo kayong magkakapatid tas mga nag aaral pa diba?'' Sambit ko.
''Tinutulungan namin Si mama sa pag tatrabaho para sapat ang pera naming apat.''
napangiti naman ako. Sa gantong mukha kasi, Di mo expect na may mabuting puso pala.
"Diba nakwento mo sakin about dun sa call center na inaalok sayo ng mommy mo? bat di mo tanggapin para magka pera ka?'' Tanong niya at ngumiti pa sa akin.
''Balak ko ngang tanggapin, tas yung suswelduhin ko, hahatian ko si Zayn dun, pambyad niya sa ospital.''
''Mahal mo talaga siya noh?''
Tumingin ako sa kanya, ang seryoso ng mukha niya, May something eh. Ewan ko ba di ko maexplain.
''Di ko nga alam bat ko mahal yun e, Pag gising ko nlang isang umaga nagulat ako mahal ko na pala talaga siya.''
''Di ko akalain na isang tulad mong babae ang mag mamahal sa tropa namin. Alam kong alam mong marami ka pang di alam kay Zayn, Pero sana kung mangyari man na malaman mo ang lahat, Wag mo siyang bibitawan.'' Hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako.
''Ano bang dapat kong malaman?''
''Marami.. Isa na dun kung bakit siya ngayon na comatose. Alam kong natatakot mag sabi si Zayn ng totoo dahil ayaw ka niyang mawala, Ayaw ka niyang matakot.''
''Ashley.. Gusto ko man sabihin ngayon lahat pero di ko magawa, Di kasi ako yung tipo ng tao na nangengealam sa buhay ng may buhay. Hahayaan ko nalang na si Zayn ang mag sabi ng lahat. Basta kahit anong mangyari, Wag kang bibitaw sa kanya.'' napatango nalang ako sa sinabi niya.
Ilang oras ang lumipas, Ang alam ko kausap ko pa si Luke ngayon pero andito na pala ako sa kwarto ko. Nawawala na ako sa sarili ko, Yung mga sinabi ni Luke naikot parin sa utak ko.
Nagulat ako at nag ring yung phone ko, para akong nagising sa realidad.
Text ni Ate doniya,
''Ashley, Wag mo ng sunduin si safaa at waliyha, nag text tita, Sila nalang daw susundo dun muna patutuluyin sa bahay nila. Pahinga ka na be ha :) Nangangayayat ka na. :( ingat ka palagi diyan. Txt mo nalang ako pag pupunta ka dito ha. Loveyou ashley ingat ka :*''
Nag reply ako kay ate tas bumaba, Narinig ko kasi si Kuya na dumating na.
''Kuya! Saan ka galing?'' Kala mo nanay ako sa tanong ko..
''Ikaw ba si Mommy?'' natatawa niyang tanong. ''Naglaro kami, Pustahan yun e. Galing ba dito si Lucas? Dapat kalaro namin yun e, Di ko alam san pumunta.'' Kumuha siya ng bottled water sa ref at ininom may sounds pa nga e. Abnormal yan.
''Oo. Nagusap kami about kay Zayn.'' Naupo ako sa isang upuan sa dining table.
''Ashley Kim, may zayn ka na, wag ka ng lilingon sa iba ha.'' napatingin naman ako kay kuya.
anudaw.
''Oo nga, may zayn na, bakit anong problema kuya?
''Matagal ng may gusto sayo si Lucas. Naalala mo tuwing may Liga sinasama kita? Napapansin ko sa galaw ni Lucas na gusto ka niya.. ang sigla sigla niya pag nandiiyan ka.''
Hala anudaw.
''Kalokohan mo kuya, nako wag ako ah.''
''Totoo yun..''
''Che! Bala ka jan, Luto ka nalang pagkain natin, Nasa kwarto lang ako pag kailangan mo ko'' sambit ko at tuluyang umakyat sa kwarto,
ano ba tong nangyayare sa mundo!? Pati ba naman si Luke? Jusko po! Nanahimik na buhay ko kay Zayn eh!!! BAT GANTOOOOOOOOOOOOOOOOOO.
![](https://img.wattpad.com/cover/17072947-288-k2925.jpg)
BINABASA MO ANG
You're Beautiful ... (A Tagalog Zayn Malik Fanfic)
FanficAng badboy at ang GoodGirl. (daw?)