Twenty-Six

344 10 3
                                    

ASHLEY's POV

Nasundo din namin agad sila kuya, Bago kami umuwi dumaan muna kami sa shakey's para kumain, Since Gutom daw sila.

Pasado alas tres na nung nakauwi kami, Masyadong traffic kaya nag tagal talaga.

"Hindi ko alam kung bakit kami pinauwi sa inyo, Baka kung ano nanaman ang pagawin samin dito." Sabi ni Kuya lou na medyo bored sa van.

"Ayos na dito, Kesa naman makulong dun sa mansion ni Lolo." Natawang sabi ni kuya niall.

"Di na kami nakakapunta dun ah, Nakakamiss dun." Sabi ko.

"Nag text si mom, Bukas ng Hapon uuwi daw tayo sa Bahay ni Lola sa Batangas." Biglang aabi ni Kuya nics.

"Hala. Kaya naman pala e." Sagot ni Kuya Lou

"Lola? Batangas? Byahe? Pagod? Antok?" Sabi ni Niall. "Shit!" Humandusay si kuya sa upuan.

''Pagod na nga din ako eh'' sabi nii kuya lou at nag pout pa ng lips.

''Eh yaan niyo na, relaxing naman dun eh.'' Sagot ko naman sa kanila.

''Sa bagay.''

Nakakatuwa na nandito na ulit sila, si kuya louis nag tatagalog na after samahan ni kuya niall for how many months, kahit medyo nandun padin yung accent naiintindihan na, si kuya niall, di padin nag babago, lamon here lamon there padin, pero nag gi-gym naman daw siya. 

Umakyat muna ako sa kwarto ko, Hindi padin maalis sa isip ko kung nasaan si zayn, lintek na zayn yan, saan nanamn ba sumuot na lungga yun.

_

Mag va-valentines na, di ko parin alam nasaan si zayn, Wala din si tita trish sa kanila, At yung tatlong kapatid ni zayn nasa bahay ng kapatid ni tita trish, di ko alam ang nangyayari, nawawala ang mahal ko, Wala akong alam kung nasaan na siya. Gabi gabi akong nag da-dasal na sana ipakita ng Dyos kung nasaan na siya.

''Paging, Ashley Santiago, Please proceed to our office.'' Narinig ko yung speaker at namulat ako sa realidad.

''excuse me..'' sabi ko sa teacher at tuluyang lumabas ng room.

Habang nag lalakad papuntang office, iniisip ko kung ano nanaman ang gusto nila saakin, ano nanaman meron.

Kumatok muna ako bago pumasok ng room, Bumungad saakin ang principal, tila ba may hawak sa telepono.

''Ashley..Phone call for you.'' 

Tumango ako bago sagutin iyon.

''Hello?'' Panimulang bati ko.

''Hello? Ashley? Si tita trish ito.''

''Hello tita, bakit po?'' 

''Ija. Ang anak ko..''

Biglang nakaramdam ako ng pag papawis sa palad at noo, anong meron kay zayn?

''A-anong meron kay z-zayn?'' Ang bilis ng tibok ng puso ko. 

''Nandito siya sa ospital, ibibigay ko sayo ang adress, Alam kong matagal mo ng gustong makita ang anak ko.'' Yung boses ni tita trish ay talaga naman napalambot sa tenga.

halos mangiyak-iyak ako sa sinabi ni tita. ''T-tita maraming s-salamat po...'' Hangang sa naramdaman ko nalang yung mga luha ko.

''sige ija, mag ingat sa ka sa pag punta mo dito, di mo man ako abutan, pero nandito naman sila Mark.''

''Sige po tita..salamt. maramign maraming salamt.''

ibinaba ko na yung line tapos tumingin sa principle, pero pinunasan ko muna ang luha ko.

You're Beautiful ... (A Tagalog Zayn Malik Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon