099

706 23 11
                                    

"Jihoon, bakit mo ba kasi kami pinatawag dito?" tanong ni Seokmin habang kumakain. 

Napangiti lang si Jihoon, pinasadahan ng tingin ang buong barkada. Kasama na dito si Seungcheol. 

Isang buwan na rin simula nun.  Napatawad narin nila si Seungcheol. Kaya ito nandito sila sa bahay ni Jihoon dahil bigla itong tumawag at pinapunta ang mga kaibigan nya. 

"Oo nga tsaka bakit andaming pag kain? Birthday mo ba hyung?" tanong ni Seungkwan habang nilalantakan yung kauri- yung lechon. 

"Weh Kwan?  Weh? Yung totoo? Wag kang choosy di ka yummy.  Tsaka alam naming gusto mo 'to" pambabasag sakanya ni Minghao.  Simpleng pakyu naman ang natanggap nito mula sa nakababata. 

Isang buwan narin at nag kaayos ayos na silang lahat. 

Isang buwan narin, napatawad na nila si Seungcheol. Sobrang laking effort ang ginawa ng binata para makuha ang kapatawaran ng mga kaibigan. 

Isang buwan narin . . .

Pero si Soonyoung? 

Si Soonyoung . . .

Wala parin si Soonyoung. 

"Basta sasabihin ko nalang sainyo  maya maya kain muna tayo"sabi ni Jihoon.  Hindi na nag abala pang mag tanong ang lahat.  Alam naman nilang hindi ito sasabihin ni Jihoon. 

Kung ano ang sinabi nito pinaninindigan nya.  Ganyan si Jihoon,  tularan si Jihoon.  Charot. 

So 'yon.  Kumain silang lahat ng masaya. Nag kwentuhan,  nag tawanan.  Si Seungcheol sobrang galak nararamdaman. Hindi nya kasi aakalaing mangyayari ulit 'to. 

"Oo naaalala ko yan! HAHAHA diba nung nag confess nun si Minghao tinawanan lang sya ni Jun?" hagalpak silang lahat sa sinabi ni Wonwoo. 

"Oo oo, tapos nung elementary si Seungkwan naihi!  HAHAHAHAHA si Hansol tawa ng tawa nun kaya ayun napukpok!  Hahahahaha!" tumawa uli sila sa sinabi ni Seungcheol. 

"Sus!  HAHAHA wala ka kay Chan.  Nautot nag m-meeting mga principals.  Airconized yung office nun!  Eh pinapapunta sya ni Mr. Villaluz!" napa pout naman ang pinaka bata ng maalala ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay nya. 

Mehn!  Nautot ka lang naman sa mga taong tinitingala ng mga estudyante. Kung ako 'yon malamang,  ako na mismo ang mag bubuka sa lupa sabay nag papakain. 

"Teka may nagtext sakin si S"

Natigilan ang lahat sa sinabi ni Jeonghan. 

Iisang tao lang ang nalala nila sa S. 

Lahat sila nag kumpulan sa tabi ni Jeonghan at nakibasa sa text. 

Your BIGBYTES package has expired. To continue surfing, subscribe to BIG50 valid for 3 days. Text BIG 50 to 9999. For more info, text BIGBYTES to 9999 for FREE.

"Ay puta" napa tingin sila ng masama kay Jeonghan ng makita ang text.  Kala nilang lahat kasi sya na. 

Hindi pala. 

Ganyan talaga. Yung akala mo mahal ka nya?  Pero di pala?  Mehn.  Madaming namamatay sa maling akala.

Ang pinaka masait eh yung akala mo corned beef isang kabundok na kutsara kinuha mo pag subo mo bagoong pala.

--

"Woooooh!  Sasabihin mo na ba saming buntis ka na Jehunieeee?!"

"GAGO KA BA SINO MAGIGING AMA?! TSAKA WALA NAMANG MATRES YAN!"

"easy lang kwan.  Di ka ba nakakain ng maayos?"

"Nyeta ka Hansol! Ibrick kita eh"

"Ansabe daw ng brick mo!"

"Shhh manahimik na kayo sasabihin na ni Jihoon yung sasabihin nya"

Jihoon let out a deep sigh. 

"Okay ahmm paano ko ba 'to sisimulan?" sabi ni Jihoon habang nakatingin sa tatlong tao. "Ilang buwan na rin kayong nanliligaw sakin.  At meron na kong napili" sabi ni Jihoon habang nakangiti. 

Bigla namang pinawisan si Jun at Wonwoo.  Wala eh kinabahan na sila.  Si Seungcheol? Ahh malungkot.  Alam nya kasing di na sya sasagutin pa ni Jihoon.  Alam nyang wala na syang pag asa. 

" Omg. Wonwoo hyung ikaw na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake nya?"

"Weeeeeeh? Si Jun yaaaan!"

"Wooooh Cheol parin akkooo!"

Napangiti si Seungcheol kay Chan. 

Nakatingin si Jihoon sa isang tao habang nakangiti. "Ang napili ko ay si . . . "

❛❛ Love is Blind.
Love is one of a kind ❜❜

Epilogue next chapter 💕

playing hearts • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon