023

705 23 3
                                    

NASA pledis building ngayon si Jihoon dahil syempre ngayon ang unang araw nya bilang composer.  Kasama nya mula kanina pa si Wonwoo dahil sabay silang pumunta dito. 

"Jihoon di ka pa ba napapagod kakaikot ikot?  kanina ka pa ikot ng ikot nahihilo na ko" reklamo ni Wonwoo na nakaupo sa upuan kung saan ang office ng Ceo. 

"Tsk!  Natural na to!  Kinakabahan ako eh!  kingina baka kasi bawiin nung ceo nyo yung pagtanggap nya sakin" sabi ni Jihoon habang patalon talon pa na nagbabawas ng kaba sa loob ng katawan. 

*knock knock knock*

Nanlaki ang maliit na mga mata ni Jihoon ng marinig ang katok mula sa pinto. Nanatiling nakatingin si Jihoon sa pinto at iniluwal nito si Bumzu. 

Medyo nakahinga ng maluwag si Jihoon dahil buti nalang daw at hindi pa ang CEO ang pumasok. 

"Ji, dun nalang daw kayo sa music room mag usap" sabi ni Bumzu at ngumiti.  Inirapan lang sya ni Jihoon. 

"Maka ji ka ha?  Close tayo?  Tabi panget" sabi ni Jihoon at sinadyang banggain ng balikat nya si Bumzu. 

Masyadong masama ang loob ni Jihoon kay Bumzu 😂 dahil naaalala nanaman nya yung panahong nag audition noon sa YG Ent si Uji at hindi sya natanggap dahil umeksena si Bumzu.  Kaya hanggang ngayon galit. parin sya rito. 

Nang makapunta si Jihoom sa music room na sinasabi ni Bumzu,  ay mas lalo pa syang kinabahan.  Parang libo libong seokmin na nagkakarera ang nasa puso nya. 

Kumatok sya ng tatlong beses at pumasok.  Nakita nya ang CEO na prenteng nakaupo at seryosong nakatingin sakanya. 

"So you're Lee Jihoon? " tumango si Jihoon sa tanong ng CEO. 

***
Napabuntong hininga si Jihoon ng matapos ang interview sakanya ng Ceo.  Papunta sya ngayon sa practice room kung saan nandoon ang audio room at si Wonwoo na kanyang kailangan tutukan dahil sya ang gagawa ng kakantahin ni Wonwoo para sa debut nito. 

"Jihoonie!  Dito!" sigaw ni Wonwoo at tumakbo papunta kay Jihoon. Hinila nya si Jihoon papunta sa isang kwarto,  kung saan doon sila mag ppraktis ng kanta. 

"So,  magsisimula na agad tayo Wonu.  Wag ka ng lumandi" masungit na sabi ni Jihoon. 

"agad agad?! May kanta na ba ako agad?! Grabe naman huhu di ba pwedeng pahinga nalang tayo?!" reklamo ni Wonwoo. 

Isang malakas na pitik sa noo ang natanggap nya "Gago di pa nga tayo nagsisimula nag rereklamo ka na!"

Napangiwi nalang ang nakatatanda sa asal ng pandak "Kelan ba tayo magsisimula Jihoon?"

"huh?"

"Kelan ba tayo magsisimula ng ano"

"Ano?"

"Ng alam mo na" sabay kindat si Wonwoo.  Kaya ayun pinukpok sya ng encyclopedia ni Jihoon.  Hindi nya rin alam kung saan galing ang encyclopedia na yun basta nakuha nalang nya. 

"ARAY KOOOOO!!  HUHU OO NA OO NA!  SIMULA NA NGA HUHU SAKIT SAKIT!  PASALAMAT KA MAHAL KITA!" sabi ni Wonwoo habang himas himas ang ano… yung ano… yung… ulo… ulo sa taas!

"T*rantado"

playing hearts • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon