100 ; epilogue

1K 30 26
                                    

"Tsk bakit ba kasi kailangan pa 'to?!" tanong ni Jihoon habang mariing nakapikit.  Nasa harap sya ngayon ng kasalamin at ayaw nyang makita ang repleksyon nya rito. 

Isang word lang daw ang masasabi nya. 

p u t a n g i n a

"Oh easyness ka lang Jihoon hyung!  Masisira ang beauty mo!" sabi ni Seungkwan habang inaayos ang bela sa ulo ni Jihoon. 

Naka make up. 

Naka gown. 

Naka belo. 

"Yieeeee! omg! sana ako makasalo sa boutique mamayaaaa!"

Napakunot ng noo ang lahat.  Maging si Jihoon ay napa tingin kay Seungkwan. 

"Gago anong boutique?!" tanong ni Seokmin.  Si Jihoon lang ang naka gown.  Ay hindi pati pala si Jeonghan.  Babae daw kasi sya eh,  labas pati kaluluwa.  Kaya ayun naka night gown pero white hehe. 

Naka tuxedo'ng white with glitters naman sila Hao, Seoks at Seungkwan. 

"Boutique duuuh!  Yung bulaklak?!  So bobo muchness!" napa sapo nalang sila sa noo nila.  Pati ata ang buong katawan nasapo na nila. 

"Bouquet yun gaga!" sita ni Jeonghan habang nireretouch ang kanyang make up. 

"Ako nga dyan! Baka mainlab sakin si Fafa Soo! Ahihihi" sabi ni Seoks sabay kuha ng blush on. 

"Bwisit kayo! Ako na iistress sainyo!  Ayokong humarap sakanya ng panget mukha ko!" sabi ni Jihoon habang nandidiring tinignan ang repleksyon sa salamin. 

Ayaw sa lahat ni Jihoon ay yung nagiging babae sya. 

"Sir, Ma'am/s,  pakibilisan daw po dahil malapit na magsimula ang kasal" nag si ayusan na sila.

"Omggggg!  this is it! Ahhh!  Goodluck Ji! Galingan mo sa pag rampa okay?! Dapat cat walk! Para pak pak pak na pumapagaspas!" sabi ni Jeonghan at binigyan ng halik si Jihoon. 

Napangiwi naman si Jihoon sa kabaklaan nito. 

"Hay nako hyung, wag kang maniwala dyan, dapat Moon walk! Syempre kasal! Dapat mabagal.  Dapat wag mog ipahalata sakanya na excited ka!" sabi ni Seokmin at binigyan din ng halik sa pisngi si Jihoon. 

"Dapat tornado walk! Those newest walk! so stresseu~" sabi ni Seungkwan at gaya ng dalawa ay binigyan nya ng halik sa pisngi si Jihoon. 

"Mga punyeta kayo ha,"

"Hyung, kahit anong walk pa ang gawin mo,  kahit gumapang ka pa,  kahit mag swimming ka pa papalapit sa groom mo,  ang mahalaga ay maikasal kayo." nag smile si Jihoon sa sinabi ni Minghao at binigyan sya nito ng halik sa pisngi rin. 

So ayun parang nag indirect kiss sila,  groupings. 

"Bye hyuuuunggg!  Una na kami doon!" paalam ni Seungkwan.  Kumaway naman sila kay Jihoon bago umalis. 

∞∞∞

Maka lipas ang ilang oras ay nakarating na sa simbahan si Jihoon.  Nasa labas at nag hihintay na sya. Pinag papawisan pa sya dahil sa kaba.

"Hay nako jihoon! Yung make up mo oh matutunaw! Nakooo! Bata ka! Wag kang pag pawisan!" sabi ni Jisoo habang pinupunasan ng padampi dampi ang mukha ni Jihoon. 

"S-sorry hyung kinakabahan na kasi ako eh" sabi ni Jihoon.  Bigla namang bumukas ng unti unti ang pinto,  senyas na papasok na ang bride, si Jihoon. 

"Relax okay?" ngumiti si Jihoon at kumapit sa braso ni Jisoo. Nag simula na syang maglakad. Nakatingin sakanya lahat ng audience, ang iba'y naka nganga pa.  Hindi inaakalang maganda pala talaga si Jihoon kapag naging babae sya. 

playing hearts • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon