REA POV
I still remember that day. Nagsimula ang malaimpyernong buhay ko.
When I was seven years old my mother passed away. Tila may Kulang sa buhay ko simula ng mawala siya sa amin.
Flashback
Isang araw habang hinihintay ko ang pagdating ni daddy sa house ay nakarinig ako ng sasakyan. nakita ko sa labas ang pagbaba ni dad sa kotse niya. labis ang tuwang nararamdaman ko dahil dumating na siya mula sa trabaho. Pero di ko inaasahan na may kasama s'yang babae at kasing edad ko na batang babae sa labas ng bahay na masayang nagkukwentuhan. Nagtaka ako dahil ngayun ko lang sila nakita. Binuhat ni dad yung batang babae habang humigpit naman ang yakap ko sa doll na binili sakin ni mommy. Nakaramdam ako ng selos dahil ako lang dapat ang binubuhat ng daddy ko. Tuluyan na silang nakapasok sa loob at hindi mawala sa mukha ni dad ang saya na kasama sila. Sino ba sila sa buhay ni dad? Mga katanungan sa isip ko na hindi ko alam ang sagot.
"Anak siya si Stacy at eto naman si bea simula ngayun makakasama na natin sila sa bahay." Nakangiting pahayag ni dad ng makarating sa swing kung saan ako nag-aabang sa kanya.
Napatingin ako sa babae at ngumiti naman ito sa akin. Alam kong peke ang ngiting 'yun. Hindi niya ako gusto, sigurado ako. Nag-iwas ako ng tingin at sa batang babae na pinangalanan ni dad na bea naman ang atensyon ko.
Wala s'yang kangiti-ngiti at hindi man lang ako binigyan ng sulyap. Tumingala siya para tignan si daddy.
"Daddy, i'm hungry." Saad niya.
"Sige pasok na tayo sa loob. Ano ba ang gusto ng prinsesa ko?"
Parang sa mga oras na to gusto kong umiyak pero pinigilan ko.
Nagdisisyon na silang pumasok na sa loob habang ako naman ay naiwan mag-isa sa swing dito sa hardin. Feeling ko, hindi na ako ang prinsesa ni dad at ang batang babae na 'yun ang bago sa paningin niya.
May kung ano sa pisngi ko ang namamasa napahawak ako sa pisngi ko at laking gulat ko na lang na umiiyak na ako. I miss my mommy. napahagulhol na lang ako sa sakit na nararamdaman ko.
"Iha.." napako ang tingin ko kay nay gloria tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss my mommy.." hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
"Shh! Nandito lang ako iha hindi kita pababayaan dahil 'yun ang pangako ko sa mommy mo." tumango ako at pinunasan ang luha sa mukha ko.
"Pasok na tayo iha. hinihintay ka na nila." Dumidilim na rin sa labas. hindi ko napansin na inabot na ako ng gabi dito sa labas.
Nagpunta na kami sa dining room at rinig ko ang mga tawa nila. Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni nay gloria. Ngumiti siya sa akin para sabihing okay lang ang lahat. medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Oh ayan na pala siya. maupo ka na anak." sabi ni dad. ngumiti ako sa kanya.
"That's my seat." Sabi ko sa batang babae na nakaupo sa tabi ni dad habang sa kaliwa naman ang babaeng nangangalang Stacy Doon ang upuan ni mommy.
Tinaasan ako ng kilay ng batang babae. "This is mine now."
Umiling ako. sasabihin ko sana na hindi dahil ako lang ang pwede sa upuang iyon ng magsalita si dad.
"Dyan ka na lang sa tabi ni bea, rea." Aangal na sana ako ng tumaas na ang boses ni Daddy.
"Doon. Ka. Sa. Tabi. Niya.." may diing sabi ni daddy sa akin. napayuko ako.
"Kumain ka na.." dagdag niya pa pero hindi ko maikilos ang kamay ko para kumuha ng makakain. Kumalabog naman ang table dahil sa paghampas ni dad. Dahil sa gulat ay napatingin ako sa kanya.
"Bakit hindi ka pa kumakain? Kumain ka!" Pasigaw n'yang sabi sa akin. Hindi na siya ang daddy ko.
"Si-sige po..." sa takot na baka masigawan na naman ako ay agad akong tumalima sa utos niya.
Nagpatuloy ang dinner. nakikita ko ang saya ni dad habang kausap yung Stacy Sino ba sila?
_____________
"Nay, sino po ba si Stacy at yung bea? Bakit dito po sila titira?" Tanong ko. Napatigil naman sa pagsuklay sa mahaba kong buhok si nanay. nasa room ko kami at ano man oras ay matutulog na ako. Nasa kabilang kwarto si bea at ang nanay naman niya ay nasa kwarto nila mommy. Doon din ba siya matutulog?
Napaluha siya at naging hagulhol na. Niyakap niya ako ng mahigpit ng hindi ko malamang dahilan. Hinarap niya ako at hinaplos ang mukha ko
"Sila ang bagong pamilya ng daddy mo" napakunot noo ako. No! Hindi pwede iyon dahil kami ni mommy ang family ni daddy.
"Pano po nangyare 'yun? Kami lang po ni mommy ang family ni daddy.." sunod sunod ang pag-iling ko.
"Iha si Stacy ang stepmother mo habang ang anak nyang si bea ang halfsister mo. Anak iyon ng daddy mo" hindi ko napigilang hindi mapaiyak.
"Pano po iyon nagawa ni daddy? Kakamatay lang ni mommy. kaya po ba sinisigawan niya na ako kasi hindi niya na ako love? kasi may bago na s'yang princess? May bago na s'yang family? Nay, bakit po biglang nagbago sa akin si daddy? Bakit parang hindi na ako part ng family na to?" Sunod sunod kong tanong. hindi siya makasagot kaya niyakap niya na lang ako ng mahigpit.
Biglang bumigat ang talukap ng mata ko at hindi namalayan na dumilim ang paningin ko. Nakatulog ako sa sobrang pag-iisip at sakit na nararamdaman.
End of flashback
Napapikit ako ng mata para hindi matuloy ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Sa ilang taong lumipas habang onting-onti akong nagkakamalay sa lahat ng nasa paligid ko. Nagkakaroon na ng kasagutan ang lahat ng tanong na nabuo sa isip ko simula ng bata pa ako.
Ako ang tunay na anak at ang babaeng kasama ni dad na asawa niya ngayun ay naging kabit ni dad habang kasal siya kay mommy. Si bea ang naging bunga ng pagtataksil ni dad kay mommy. Kaya ng magkaroon ng chance si dad pagkamatay ni mommy. ibinahay niya na ang kabit niya at ang anak niya sa babaeng sumira sa pamilya ko.
Dahan-dahan ang paghaplos ko sa lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng isang taong kahit kailan hindi nagkulang sa akin sa pag-aalaga at pagmamahal.
Mommy si rea to, alam mo mommy miss na miss na kita at kung pwede nga lang sundan kita ginawa ko na. Kaso alam kong magagalit ka sakin dahil sa naisip ko. ayokong nagagalit ka sa akin eh. You know how much i love you kaya hindi ko gagawin ang nasa isip ko kasi baka hindi mo na ako love n'yan pag ginawa ko iyon.
Hinding-hindi kita makakalikutan mommy. Ikaw lang ang nag-iisang mommy ko. Okay po ba? HAHA mommy sana po nandito ka kasama ko. Alam mo po ba na hanggang ngayun hindi mawala sa isip ko na nagawa akong saktan ni dad para sa kanilang dalawa? Sa bago n'yang pamilya. But don't worry mommy malakas ako eh. kakayanin ko para sayo kasi mahal kita at ikaw lang ang nag-iisang magulang ko. Pangako mommy hindi ako susuko katulad mo na kinaya ang lahat ng kasalanan sayo ni dad. Sige na po mommy. kailangan ko ng umalis at baka magalit si dad kung hindi niya ako maabutan sa bahay." Pakikipag-usap ko kay mommy.
Walang lingon-likod na umalis ako sa cemetery kung saan nakalibing ang aking ina.
Siya lang ang makakapitan ko sa panahong hirap ako at walang mahingan ng tulong. Feeling ko wala ng nagmamahal sa akin pero kada hahawakan ko ang kwintas na pagmamay-ari ni mommy. May kung ano akong nararamdaman na nasa tabi ko lang siya at binabantayan ako.
I'm Rea Salvador and this is my story.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Night
General FictionRank achived - #10 Generalfiction Vince Montereal a Eligible Bachelor business man. In just One Night Mistake. The Unforgettable Night with the Woman Named Rea Salvador, Vince Montereal can't forget the woman. Who claimed his Heart. Can Vince Love...