REA POV
I open my boutique Shop. Napangiti ako ng makita ang kabuohan nito. My mom is a fashion designer. Ginawa ko ang lahat para matulad sa mommy ko. Siya ang naging inspiration ko sa lahat ng plano ko sa buhay.
Sumunod ako sa yapak niya. Etong boutique niya na to ay siya mismo ang nagpatayo. Walang ni isa sa kanya ang tumulong sa pagpapatayo nito. Proud akong maging anak niya, gusto kong ipagmalaki niya din ako bilang anak niya.
Bata palang ako kinalakihan ko na ito. Lagi akong kasa-kasama ni mommy sa tuwing magta-trabaho siya dito.
Nakakatuwang balikan ang alaala naming magkasama. Sayang nga lang at hindi niya nakita ang lahat ng nagawa ko. Naalala ko noon, ang sabi niya sa akin. Kung ano ang gusto ko paglaki su-supportahan niya dahil mahal niya ako..
Tandang-tanda ko pa nung araw na nawala siya sa amin. Maga ang mata ni mommy ng umalis siya sa bahay. Di ko nagawang magtanong dahil ramdam ko ang pagod niya.
Siguro ng mga panahon na iyon. alam na ni mommy ang ginagawa ni dad. Sobrang sakit ang naramdaman ko ng mawala sa amin ang mommy. Tinatanong ko nga ang sarili ko kung deserve ko ba ang lahat ng ito.
Gusto kong ipakita kay daddy na kaya ko na wala ang tulong niya. Kinaya ko lahat ng ginawa sa akin ng mag-inang iyon. Di na ako makakapayag pa na may mawala ulit sa akin ng dahil sa kanila.
Pagbubutihin ko ang pagtatrabaho dito para may ipagmalaki ako sa gustong bumaba sa akin.Gusto kong makilala ang boutique ni mommy.
"Good morning po ma'am." Lumingon ako sa pinang-galingan ng boses na iyon. Ngumiti ako kay odessa. Sunod-sunod na nagsidatingan ang mga empleyado ko.
Naging maayos naman ang araw ko. Di ko namamalayan ang oras, saktong alas dose na ng tanghali ng matapos ako sa pagdesign ng mga bagong gowns.
Napangiti ako habang nakatingin sa harap ko. Alam kong matutuwa si mommy kapag nakita niya ito.
Tumayo na ako para kumain ng lunch. Naabutan ko sa labas ang staff ko. Kumunot ang noo ko ng makita si Bea. Lumapit ako sa kanya na busy sa pag-iikot dito sa shop.
"What are you doing here?" Napataas ako ng kilay ng ngumiti siya. "Gusto kong makita ang Shop KO" pagdidiin nito sa huling sinabi. Sarkastimong natawa ako.
"Oh really? As far as I know this is MY shop not yours."
Lumapit sa amin ang Guard. Ngumiti ng pilit si bea. Nakukuha na namin ang atensyon ng mga customers.
"Oh sorry, di ba nasabi sayo ni Daddy?" She asked. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ano na naman ba to.
"Ano bang pinagsasabi mo Bea? Pwede ba umalis ka na." Sinabihan ko ang guard na ikaladkad palabas si Bea.
Tinaasan lang ako nito ng kilay at natawa. Tinuro niya ako at binalingan ang guard.
"Sundin mo ang gusto ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Utos nito sa guard. nagtaka ako ng ako ang hawakan ng guard.
"What are you doing? Hindi ako kundi siya." Nagbaba lang ng tingin ang guard.
"Ilabas mo na siya." Hinila na ako palabas ng guard. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. Muntik na akong mapahiga sa kalsada mabuti na lang at nakontrol ko ang sarili.
Huminga ako ng malim bago ko hinarap si Bea at ang guard. "Pasensya na po ma'am. bilin po sa akin ni Sir na sundin ko ang gusto ni ma'am Bea."
Sinamaan ko ng tingin si bea na nakangisi sa akin ngayun. Padabog akong umalis sa harap niya. Nag-uulap ang paningin ko.
Huminga muna ako ng malalim bago sumakay ng kotse. Kailangan kong kausapin si dad. Di niya pwedeng gawin sa akin ito.
Pinilit ko na huwag maiyak. Kailangan kong maging matatag. Pagsubok lang to at alam kong malalagpasan ko din ito.
Ilang minutong pagdrive nakarating din ako sa bahay. Nagmamadaling lumabas ako ng kotse at tinungo ang loob ng bahay. Naabutan ko pang naninigarilyo sa sofa ang kabit ni Dad. Di ko na siya tinapunan pa ng tingin. Agad akong umakyat sa taas. Binuksan ko ang pinto ng office ni dad.
Hiningingal na lumapit ako sa kanya. Busy ito sa mga files na nasa harap niya. ni hindi man lang niya ako tapunan ng tingin.
"Ano tong sinasabi ni Bea na sa kanya na raw ang shop ni mommy." Ginawa kong mahinahon ang boses ko.
"Gusto niya ang shop na 'yun kaya binigay ko." Di makapaniwalang nakatingin ako kay Dad. Nagsukatan kami ng tingin.
"Dad, kay mommy 'yun. Ngayung wala na si mommy sakin dapat iyon bakit mo binigay sa anak mo sa labas ang pagmamay-ari ni mommy!" Di ko na mapigilan pa ang sakit na kinikimkim ko.
"Ako ang asawa ng mommy mo kaya may karapatan ako kung sino ang pagbibigyan ko 'nun." Walang ganang sagot ni Dad.
"Kaya naisip mo na si Bea na lang? Dad what about me? Akin 'yun eh." Tumayo siya at tinanggal ang suot na salamin. kinusot ang mata.
"Anak mo din ako ah. Bakit ba lahat ng gusto ni Bea binibigay mo?" Tanong ko.
"She deserve everything." Tuluyan ng bumagsak ang luhang pinipigilan ko.
"Pano ako dad?" Nagkibit balikat lang ito. "Maghanap ka ng trabaho."
"I can't believe this. You can't do this to me." Nanginginig ang tuhod ko at feeling ko anytime babagsag na ako.
"SANA IKAW NA LANG ANG NAMATAY! SANA SI MOMMY NA LANG ANG KASAMA KO AT HINDI IKAW-" dad slap me.
"Wag mo akong pagtataasan ng boses Rea ako pa din ang ama mo." Muling tumulo ang luha ko.
"Ama ko? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kailan ka pa naging ama sa akin?" May hinanakit na saad ko.
"Dad buong buhay ko. Hindi ko naramdaman na ama kita. Oo! Nasa iisang bahay tayo pero kahit kailan hindi mo ako nagawang kamustahin. Alam mo ba ang nangyayare sa buhay ko? Hindi di ba. Kasi puro na lang si bea ang mahalaga sayo. Anak mo din ako pero ang Unfair mo!."
"Si bea lahat ng gusto niya binibigay mo. Pano naman ako? Kailangan ba ibigay ko sa kanya kung ano ang meron ako? Dad yung shop na 'yun ang tanging alaala ko kay mommy." Di ko na napigilan pa ang ilabas ang hinanakit ko.
Hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Wala akong narinig ng kahit ano kay dad kaya lumabas na ako ng office niya.
Nagpunta ako sa Room ko. Naupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang litrato naming pamilya. Ang saya namin sa family picture. Nasa magkabilang gilid ko ang magulang ko.
Napayakap ako sa picture frame. Iniiyak ko ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang sa makatulog ako.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Night
General FictionRank achived - #10 Generalfiction Vince Montereal a Eligible Bachelor business man. In just One Night Mistake. The Unforgettable Night with the Woman Named Rea Salvador, Vince Montereal can't forget the woman. Who claimed his Heart. Can Vince Love...