REA POV
Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko ay abot hanggang second floor ng bahay na to ang ingay na nang-gagaling sa living room. Napairap ako malamang nagkakasiyahan ang mga 'yun.
Bumaba ako ng hagdan. napahinto ako sa paglalakad ng makita si bea na nakaangkla ang braso sa lalaking minahal ko ng ilang taon pero nagawa akong lokohin at ipagpalit sa anak sa labas.
Tinuloy ko ang pagbaba sa hagdan at pumunta sa harapan nila.
"Why are you here?" Tanong ko kay Rey. Natahimik sila at di kalaunan ay binasag ni bea ang katahimikan.
"He's here because I want to introduce him to dad." Agad n'yang sagot. napairap ako.
"Oh really? So payag ka naman sa relasyon nila?" Baling ko kay dad.
"Yes, as long as hindi niya sasaktan si bea." Napapalakpak ako at inismiran sila.
"Kaya pala gusto mo akong hiwalayan siya dahil supportado mo ang relasyon nila tama ba? Wow!, that's nice ha.."
Sinamaan ko ng tingin si Rey at Bea. Kahit nakaramdam ako ng konting selos at sakit nagpakatatag ako.
"Bakit mo pa siya kailangan ipakilala kay dad eh kilala na nga siya ng tao." I Flip my hair.
"Simple lang dahil ikaw, pinakilala mo siya kay dad as your boyfriend so ganun din ang ginawa ko." May ngiti sa kanyang labi.
Sige lang bea pakasaya ka dahil once na makahanap ako ng tyempo ako naman.
"Okay.." irap ko at tinungo ang kitchen.
Pumunta ako sa Ref at kumuha ng tubig. Nanginginig ako sa galit na nararamdaman ko.
Di ko akalain na ganun niya lang tinanggap si jake para kay Bea pero pagdating sa akin halos gusto niya na akong patayin dahil hindi ko masunod-sunod ang gusto niya.
May butil ng luha ang kumawala sa mata ko. Agad kong pinunasan ang luha sa mata ko at pinakalma ang sarili.
I need to be strong
Napatingin ako sa bea na kakapasok lang sa kitchen. May nakalolokong ngiti sa kanyang labi.
"Ang saya ko alam mo ba? Thank you ha. kung hindi dahil sayo hindi ko mararanasan ang mahalin ng isang Rey Haha.." napaigting ang aking panga at matalim s'yang tinitigan.
Lumapit ako sa kanya hanggang sa magkaharap kami. Ngumiti ako ng pilit.
"Lahat ng meron ako ay pilit mong kinukuha sa madaling salita lahat ng tira-tira ko o basura na para sa akin kinukuha mo. Nakakaawa ka bea dahil lahat ng meron ka naunang naging akin HAHA.."
Lumapit ako sa kanya at binulungan siya. "Hindi ibig sabihin na may naagaw ka na naman sa akin ay nakakalamang ka na. nagkakamali ka, dahil isa ka pa ring talunan at naghahanap ng bagay na makukuha sa akin." Inilayo ko na ang sarili sa kanya at pinagkrus ang mga kamay. Sinuri ko ang kanyang buong kabuohan.
Ako pa rin ang mananalo laban sa kanya. hindi ako makakapayag na may makuha na naman siya sa akin.
"Tandaan mo bea na once na nakahanap ako ng tyempo para pabagsakin ka. humanda ka dahil hindi kita titigilan." Ngumisi ako sa kanya at tumalikod na sa kanya.
Hindi naman siya makaimik kaya nagbubunyagi ako sa isipan. Hindi mo ako kaya Bea..
Nagpunta ako sa garden habang inaalala ang nakaraan namin ni Rey.
Matagal na s'yang nanliligaw sa akin simula ng tumuntong na ako sa college. Hindi naman ako pumapayag na magpaligaw dahil natatakot ako.
Natatakot na baka saktan ako at lokohin. Ayokong matulad kay mom kaya inisip kong mabuti kung karapat-dapat nga ba si Rey para sa pagmamahal ko. Napatunayan naman niya sa akin 'yun kaya tumagal ng dalawang taon ang relasyon namin. Nito lang last week nalaman ko na nagkaroon siya ng relasyon kay bea. Nahuli ko s'yang nakikipaglaplapan kay bea sa condo unit niya two months na pala ang relasyon nila.
Nasaktan ako pero iniisip ko na lang na hindi worth it iyakan ang taong sinira ang tiwala ko.
Umiiwas na ako sa kanya. Ayoko na rin makarinig ng kung ano mula sa kanya. Pipilitin kong maging masaya dahil simula palang habang nagkakaisip ako at kasama kong lumaki si bea. Napagtanto kong lahat ng mahal ko sa buhay nawawala. Tatanggapin ko na lang ang katotohanan na walang taong magmamahal sa akin.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglapit ni Rey. hindi kalayuan sa akin.
Napatingala ako at pinakalma ang sarili.
"Kamusta ka na.." napasulyap ako sa kanya.
"As you can see buhay pa.." pagsusungit ko.
"Look I'm sorry Rea.. hindi ko naman ginusto na saktan ka." Napapailing na lang ako.
"Hindi mo ginusto? Wala ng magagawa yang sorry mo. tapos na tayo at tanggap ko 'yun." Napayuko siya.
"Ayokong magdidikit-dikit ka sa akin baka mapatay kita.." sinamaan ko siya ng tingin.
"For two years Rey. sinayang mo yung two years na relasyon natin para sa babaeng 'yun. Akala ko pa naman sincere ka sa lahat ng sinabi mo sa akin at lahat ng pangako mo. Alam mong hirap akong pasukin ka sa buhay ko dahil natatakot akong saktan mo pero nagawa mo pa rin ang saktan ako kaysa manatili sa buhay ko." Hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko. Nasusumbatan ko na siya.
"Hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang lahat ng nagawa mo sa akin. Pakiusap ko lang wag ka ng lalapit pa sa akin." Naglakad na ako palayo pero bago ako makalayo at ng madaanan ko siya ay nahawakan niya agad ang braso ko.
"Let me go.." may diing ani ko.
"I'm sorry.." tanging nasabi niya.
"Pakasaya ka sa kanya. I don't need a man. who can easily broke they promise just to be happy with someone kahit na nasa relasyon pa nakahanap na agad ng kapalit." Marahas kong inalis ang kamay niya at naglakad palayo.
Pumasok na ako sa loob at tinungo ang living room. Pritenteng naupo ako sa mahabang sofa habang tahimik naman sa gilid ko si dad.
"Lena pakikuha yung car key ko." Baling ko kay lena na s'yang katulong namin.
Agad n'yang kinuha ang pinag-uutos ko sa kanya. Malamig na tinitigan ako ni dad ng mapunta sa kanya ang paningin ko.
"Saan ka na naman pupunta?." May halong babala mula sa boses niya
Napaayos ako ng upo at ningisian siya.
"Since my boyfriend and I already broke up. Wala na akong dahil para laging umalis sa pamamahay mo. So I decide na sa puntod na lang ni mommy ako pupunta." Nakangiting pahayag ko.
Kinuotan naman ako ng noo ni dad. Ang sarap talagang asarin ang matandang to.
"Ano tututol ka ba? Tell me para ihanda ko na ang cellphone ko at tawagan si mamita at sabihin lahat ng nalalaman ko. Lalo na kapag nalaman nila ang unica hija niya ay niloko at nagkaroon ng anak sa labas ang magaling na asawa nito. Oh my bad, mawawala na ang pinakaiingatan mong pusisyon kapag nalaman nila." Napahawak pa ako sa bibig at ang aking mata ay pinalaki ko para mukhang gulat na gulat ang itsura ko. Sinabayan ko pa iyon ng tawa di kalaunan.
"Don't you dare.." he said in dangerous way.
"I'm such a good daughter on you daddy. So trust me, hindi ko sasabihin in one condition. just let me do whatever I wanted to do dahil isang tawag lang tapos lahat ng pinaghirapan mo HAHA.." I am the only devil daughter of mister salvador at walang makakapagpabago 'nun. Napapangiti ako sa isipan.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Night
General FictionRank achived - #10 Generalfiction Vince Montereal a Eligible Bachelor business man. In just One Night Mistake. The Unforgettable Night with the Woman Named Rea Salvador, Vince Montereal can't forget the woman. Who claimed his Heart. Can Vince Love...