REA POV
"Iha, it's been one week. Kailangan ka uuwi? I miss you iha." I chuckled.
"Mamita, don't worry i'll be home tonight. Sobrang busy ko kasi sa work kaya wala ng time umuwi pa."
Since wala na sa akin ang botique ni mommy. Pinasa na sa akin ni mamita ang posisyon niya sa company ni dad.
Tanda-tanda ko pa ang araw na iyon.
Flashback
"Iha, are you done?" Humarap ako kay mamita at marahang tumango.
Hinaplos ni mamita ang pisngi ko at naluluhang humarap sa akin.
"Kung nandito lang ang mommy mo. Sigurado akong hindi siya matutuwa sa ginawa ng daddy mo. Kahit na wala na siya. Nandito ako para gabayan ka at alagaan. Tayo na lang ang magkasama apo. Hinding-hindi kita iiwan." Mahigpit kong niyakap si mamita. Hindi ko napigilan ang sariling maluha.
Kung sana ay nandito si mommy. Hindi ko mararanasan ang ganitong pakiramdam. Ang laging masaktan at nag-iisa.
Nakahanap ako ng kakampi dahil kay mamita. Siya na lang ang meron ako.
Humiwalay din ako kay mamita. Pinahid niya ang luha ko.
"Huwag ka na umiyak. Ang ganda-ganda mo pa naman ngayun apo."
Bahagya akong natawa. "Ngayun lang ba mamita?"
Ngumiti si mamita. "Syempre apo. Nagmana ka sa akin. Hindi kumukupas ang ganda."
Nagtawanan kaming dalawa. Hinawakan ni mamita ang kamay ko at marahang pinisil.
"Tara na?" I nodded.
Umalis na kami at nagtungo sa company. Nagulat ako na sa company building kami ni dad nagpunta.
"Anong ginagawa natin dito mamita?" Tanong ko. Kasalukuyan kaming nasa elevator patungo sa office ni dad.
"Sasabihin ko sayo later. For now, I need to talk to your father."
"Wait me here." Pumasok na sa loob ng office si mamita. Maya-maya lang ay rinig ka na mula dito sa labas ng office ang sigaw ni mamita.
Mukhang natatalo na sila ni dad.
"What are you doing here?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Stacy.
Hindi na dapat ako magulat. Binigyan nga pala siya ng posisyon ni dad sa company ni Mamita.
Lahat ng empleyado alam na may relasyon si Stacy at may anak si dad sa kanya.
"You're not supposed to be here. You better leave now Rea." I flip my hair.
"Who are you to say that to me? This is my grandma's Company. May karapatan ako para pumunta dito. Hindi mo ko pwedeng pagbawalan." Hinaklit niya ang braso ko.
"Manggugulo ka lang dito. So you better leave now bago pa maubos pasensya ko sayo." Galit na aniya. Tinulak ko siya dahilan para lumayo siya sa akin. Bumagsak si Stacy. Napatawa ako at ngumisi.
Tinayo ko siya sa pamamagitan ng pagsabunot ko ng buhok niya. Agad s'yang umaray sa sakit. Nakatingin samin ang mga empleyado.
"How many times do I need to tell you na wala ka karapatan para magdisisyon sa buhay ko. Gagawin ko ang gusto kong gawin." Binigyan ko siya ng mag-asawang sampal.
Pagkatapos ng ginawa ko kay Stacy. Saktong bumukas ang pinto. Nagulat si Mamita at agad na lumapit sa akin.
"Are you okay iha?" I nodded.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Night
General FictionRank achived - #10 Generalfiction Vince Montereal a Eligible Bachelor business man. In just One Night Mistake. The Unforgettable Night with the Woman Named Rea Salvador, Vince Montereal can't forget the woman. Who claimed his Heart. Can Vince Love...