Chapter 5

7.4K 270 78
                                    

REA POV

"What the hell!" Malakas na sigaw at tili ni tita Stacy. Nangi-ngiting ibinaba ko ang hawak na kopita.

"You deserve it.." ngumisi ako sa kanya at umalis sa living room.

Tinapunan ko lang naman siya ng wine. Ginawa ko lang iyon dahil sa mga sinabi niya akin.

Wala s'yang ibang ginawa kundi ang ipamukha sa akin na nakuha na nila ang para sa akin.

Kahit ano pa ang gawin at sabihin nila hindi magbabago na sila ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon naming mag-ama. Hindi ako titigil hanggang mabawi ko lahat ng nakuha nila sa akin.

Pasalamat nga sila at wala pa akong ginagawa ngayun. Wala akong pakialam kung magsumbong man siya kay dad dahil sa ginawa ko. Tama lang sa kanya iyon. Hindi ako makakapayag na api-apihin nila ako.

Never, habang nabubuhay ako.

Makuha man nila ang lahat sa akin. I don't care, ang mahalaga makaganti ako sa kanila.

Lumabas ako ng bahay at tinungo ang gate. Sumakay agad ako ng taxi. Sinabi ko ang lugar na pupuntahan.

Bumaba ako ng taxi ng makarating sa Bar. Kailangan kong makalimot.

Sumalubong sa akin papasok ang amoy ng usok mula sigarilyo. Ang mga taong nagpapakasaya sa gitna ng dance floor. Mga taong may kanya-kanyang Ginagawa.

Pumunta ako ng counter at nag-order ng inumin.

Mahigit Isang oras na ako sa bar. Wala akong ginawa kundi ang mag-order ng Alak. Gusto kong magpakalasing.

I want to forget all the pain. Lalo na si dad. I know galit na galit siya sa akin ngayun dahil sa nagawa ko sa kabit niya. Sorry siya dahil hindi ako magpapatalo.

Sanay na ako sa trato niya sa akin. Kung ayaw n'yang maging ama sa akin, ayos lang. Sanay naman na akong mag-isa na walang taong magpapahalaga sa akin.

Hindi ko namamalayan ang oras. Bumibigat na din ang talukap ng mata ko. Nagblurred ang paningin ko. Napasobra ang inom ko.

May humintong lalaki sa harap ko. Kahit hindi malinaw sa paningin ko ang lalaki, alam kong nakangiti ito sa akin. Tumayo ako at niyakap siya.

Hinahaplos-haplos nito ang likod ko. I feel safe with his arms.

Bago pa ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang huling sinabi nito.

"Hindi ka na nag-iisa. Nandito na ako. Hindi kita pababayaan."

Napaigik ako sa sakit sa gitnang bahagi ng katawan ko. nang bumaba ako mula sa kama kung saan ako nagising. Hindi ko alam ang lugar na to. kaya sobra ang kabang nararamdaman ko ng magising ako. hindi pamilyar ang lugar na ito sa akin.

Napatingin ako sa bulto ng lalaking nakadapa at nakatalikod sa akin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Ibig sabihin ba nito may nangyare sa amin ng lalaking to? Fuck! Hindi pwede. napaigik na naman ako ng pwersahang naglakad ako ng mabilis. Shit naman kailangan ko ng umalis sa lugar na ito kung hindi baka magising siya.

Pinulot ko ang mga damit ko na nakakalat sa lapag at hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko. Pano na 'yan. hindi na ako virgin pag nalaman ito ni dad malalagot ako sa kanya.

Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad. makarating lang sa banyo. nang tuluyan na ako nakapasok ay agad ko itong sinara at nagbihis. nang maisuot ko na ang mga damit ko ay lumabas na ako sa banyo. Nanatiling nakadapa ang lalaki. umalis na ako sa kwarto iyon. May tatlong kwarto ang ikalawang palapag ng bahay. Nakita ko ang hagdan. agad akong bumaba para umalis na sa lugar na ito. Walang tao ni isa dito kaya malaya akong makakaalis dito

Hawak ang pouch ay nanginginig na napahawak sa dibdib kung saan mabilis na tumitibok ang puso ko. What I have done? I have an One Night Mistake with the stranger!

Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay ako ng taxi. Wala sa sarili habang binabagtas ang daan pauwi. Hindi ko mapigilang mapahagulhol.

Nawala ng isang gabi ang pinakaiingatan ko. Iniisip ko ang sasabihin ng ibang tao sa akin kapag nalaman nila ang nangyare sa akin.

Isa iyong malaking kahihiyan sa pamilya ko kapag may naka alam.

Pinagbuksan ako ni manang. Ayokong tignan sila dahil alam kong kakaawaan lang nila ako. Dahil alam ko na ang sunod na mangyayare. Nang makapasok ako sa loob ng bahay. sumalubong sa akin si Dad. Kunot ang noo nito at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko. Hindi ko pinahalata sa kanya na iniinda ko pa ang kirot sa pagitan ko.

Umangat ang kamay nito. Dumapo sa pisngi ko ang mala-bakal na kamay niya.

Hindi ko pinansin ang hapdi na hatid 'nun. Nag-uuyam na tumawa ako.

Masama ang tingin niya sa akin. "Mabuti naman at naisipan mong umuwi." Panimula niya.

Dumating ang magaling na mag-ina. Ngumisi sa akin si Stacy. Katabi nito ang anak na si Bea.

"Bakit mo binuhusan ng wine ang tita Stacy mo? Naging mabait siya sa'yo sa kabila ng pag-uugali mong 'yan. Umayos ka Rea, hindi kita pinalaking bastos." Umirap ako.

"Really dad? Hindi ikaw ang nagpalaki sa akin and she deserve what I did." Matigas na saad ko. Hindi makapaniwalang tumitig siya sa akin.

"Ano ba ang dapat kong gawin para magbago ang ugali mo lalo na sa bago kong pamilya Rea." Kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako nagpahalata na apektado ako.

Kapag nakitaan nila ako ng kahinaan. Gagamitin iyon sa akin ng mag-inang salot sa buhay ko. Hindi ako papayag na makuha nila ang lahat sa akin.

"Gusto mo akong magbago? Gagawin ko, sa isang kundisyon. Paalisin mo sila sa buhay natin." Walang kagatol-gatol na saad ko.

"Rea, hindi pwede ang gusto mo." Nagkibit balikat ako.

"Then bahala ka. Mas malala ang gagawin ko sa kanila." Nilagpasan ko siya. Nahablot ni dad ang kamay ko. Muli niya akong sinampal.

Dinuduro-duro niya ako. Sinapo ko ang pisngi. Ramdam ko pa ang bakas ng kamay nito sa pisngi ko.

Naluluhang natawa ako. Wala na s'yang ibang ginawa kundi ang pagbuhatan ako ng kamay.

"REYNOLD!"

Napalingon ako sa likod ko ng marinig ang boses ni mamita. Tinakbo ko ang pagitan namin. Mahigpit ko s'yang niyakap. Iyak lang ako ng iyak sa balikat ni mamita.

"Tahan na iha. Nandito na ako. Hindi ako papayag na saktan ka niya ulit." Pagpapatahan sa akin ni mamita.

Hinarap ni mamita si Dad.

"You disappoint me Reynold. Isasama ko si Rea. tutal sinasaktan mo ang apo ko. Hindi na siya maninirahan pa dito kasama kayo." Matalim ang tingin nito kay Dad. Lumapit sa kanya ang mag-ina.

"Mom, i'm sorry. Dinidisiplina ko lang si Rea. Nagiging bastos na siya. Wala s'yang galang sa akin kahit kay Stacy." Naningkit ang mata ni Mamita.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito? Hindi, malihim ang apo ko Reynold. Naging ganito siya magmula ng dumating ang salot na mag-ina na 'yan sa buhay niyo. Hindi ako makapaniwala na magagawa mong saktan si Rea. Kung nandito lang ang anak ko, sigurado akong hindi siya papayag sa ginawa mo."

"Isasama ko si Rea. Ito ang huling araw na makikita mo siya." Dagdag pa ni mamita. Hindi makapagsalita si dad.

Mahigpit ang hawak sa akin ni mamita hanggang sa makasakay kami sa kotse.

"Patawarin mo ang lola dahil ngayun ko lang nalaman ang ginagawa sayo ng daddy mo." Naluluhang saad niya. Ngumiti ako ng pilit.

"Thank you po dahil dumating kayo. Feeling ko po wala na akong kakampi." Pinahid ni mamita ang luha ko.

"Ilalayo kita sa daddy mo. Hindi na siya makakalapit pa sayo." Paninigurado nito. Tumango ako at niyakap si Lola.

The Unforgettable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon