Chapter 2

7.8K 203 6
                                    

REA POV

Naglakad ako papasok ng bahay. siguradong makakatikim na naman ako ng sermon galing sa kanya. Kaya ayoko ng bumalik pa sa bahay na to dahil sa kanya.

Napaakyat na ako sa hagdan ng lumabas mula sa kitchen si dad. I frowned, another war again.

"Saan ka nagpunta? Sa boyfriend mo? Di ba sinabi ko na sayo na hiwalayan mo na yang lalaking 'yan." Sa sinabi n'yang iyon muntik ko ng isipin na ganyan ang daddy ko kasi napakaover protective lang siya sa akin but sadly hindi 'yun ang totoo.

Humarap ako at tinapunan siya ng bored na tingin. "Wala kang pakialam."

Sagot ko sa sinabi niya. "Wag mo akong tatalikuran Rea. bastos kang bata ka. Kinakausap pa kita."

Napahinto naman ako sa pag-akyat at nagpakawala ng buntong hininga. Yan naman talaga ang tingin niya sa akin bastos, walang modo, suwail na anak, binibigyan siya ng kahihiyan.

"Wala na bang bago? Alam mo namang ugali ko. So bakit hindi ka pa masanay sanay?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

Sumunod naman na lumabas galing sa kitchen ang babaeng naging kabit ni dad at mananatili pa ring kabit niya.

"Wag mong pagsalitain ng ganyan ang daddy mo Rea. Respetuhin mo siya dahil nakatira ka sa pamamahay niya." Pakikisabat niya.

"Alam n'yo ayoko talaga sa mga taong PAKILAMERA sa buhay ko. Gagawin ko ang gusto ko at wala kayong magagawa pa. So please shut up, I don't need your advice." Napairap ako at tatalikod na sana ng maramdaman ko ang pamamanhid ng pisngi ko.

I used to it. Napatingin ako kay dad na s'yang nanampal sa akin.

"Kailan ka ba titino Rea? Bakit hindi ka tumulad sa kapatid mo?." Tanong niya.

At bakit ako tutulad sa babaeng nang-agaw ng lahat sa akin?

"No need dad. Ayokong tumulad sa babaeng higad at anak lang sa labas." Umangat muli ang kamay ni dad at binigyan na naman ako ng sampal sa pisngi.

Hindi ako lumalaban. Gawin niya ang gusto n'yang gawin.kahit ang luha na gustong lumabas ay nakuha kong kontrolin "Bastos. Hindi kita pinalaki ng ganyan. ano bang nangyayare sayo ha Rea?"

Gusto ko sanang sabihin na hindi naman talaga ikaw ang nagpalaki sa akin dahil ang mahalaga lang sayo ang bagong pamilya mo.

Nagtanong ka pa saad ko sa isip. Peke akong ngumiti.

"Do you want to know? Wag na wala ka namang pakialam sa akin"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya ng talikuran ko na sila. "Hindi na ikaw ang anak ko..."

Mariin akong napapikit. Yes, i'm not your princess anymore dahil may iba ka ng princess at hindi na ako.

Pumasok na ako sa kwarto at inilock ang pinto.

Habang lumalaki ako at nagkakaisip ay onti onti ko ng nalalaman ang lahat.

Yung seven years old ako dun ko na nalaman na naging kabit pala ni dad si Stacy na s'yang ina ni Bea na kapatid ko sa ama. Anak siya sa labas at kabit naman ni dad ang mommy niya. Habang lumalaki ay nagbabago ang pakikitungo sa akin ni dad. Napapagalitan niya na ako tuwing masama ang trato ko sa mag-ina. Wala akong pakialam basta maipakita ko sa kanila na hindi sila welcome sa pamilyang ito.

Galit ako sa mag-ina iyon dahil ang dapat na sa amin ni mom inagaw nila. Mas galit ako kay dad dahil never kong naramdaman ang pagmamahal ng isang ama sa kanya kahit nasa iisang bubong lang kami.

Nagagawa niya na akong saktan. Naalala ko si mommy kahit kailan hindi niya ako nakuhang pagbuhatan ng kamay at ilock sa kwarto na ilang araw na walang pagkain.

Iniisip ko na lang na sana namatay na rin ako. Gusto kong umalis sa pamamahay n'yang ito pero lagi naman niya akong nahahanap at kinakaladkad pauwi sa malaimpyernong bahay na to.

Wala na s'yang ibang bukang bibig kundi si bea. hindi niya nakikita ang halaga ko sa pamilyang ito. Nagsasawa na ako sa ganito. Lagi niya akong kinokumpara kay bea na lalong nagpapagalit sa akin. Kailan nga ba niya ako nakita bilang anak niya? Ibang-iba na siya hindi na siya yung daddy ko na sweet at maalalahin.

Napadausdos ako sa pinto at nagsiunahang bumagsak ang luha ko. pagkatapos ko ilock ang pinto. Kailan ba matatapos ang paghihirap ko? Kailan kaya niya ako ulit mapapansin. bakit puro kamalian ko na lang ang nakikita niya?

Napatawa na lang ako sa naisip. Never niya akong makikita muli bilang anak niya. hindi siya naging proud na maging anak ako.

Kinakahiya niya ako sa maraming tao pero pagdating kay bea sobrang proud siya bilang anak nito. Walang sino man ang nakakaalam na anak ni dad si bea sa labas. Pinapaalam niya sa mga taong nakakakilala sa amin na inampon niya lang si bea. kung alam lang nila ang totoo.

Pinilig ko ang ulo at pinahid ang luha. Tumayo na ako at nagpunta sa bed side table para kunin ang litrato namin ni mom.

Napangiti ako ng makita ang ngiti ni mom sa litrato. buo pa kami dito. nakaakbay si dad sa kanya habang pinagigitnaan nila ako dahil sa kanya kaya ako lumalaban. Ayokong madisappoint sa akin si mommy. kung hindi man niya magawang iparamdaman sa kanila ang sakit ako ang gagawa 'nun. Hindi ko hahayaang maging masaya sila habang ako nasasaktan at nagdadalamhati sa pagkawala ng ina ko na sila ang may gawa.

Naiyukom ko ang kamay sa sobrang galit. May babayad sila mom. gagawa ako ng paraan para maialis sila sa pamilya natin. Walang sino man sa kanila ang maging parte ng pamilyang to. Tayo ang pamilya mommy at hindi sila.

The Unforgettable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon