REA POV
Wala sa sariling nakauwi ako ng ligtas sa bahay. Gulong-gulo ang isip ko. Mabuti at walang nangyari sa akin habang papauwi ako.
Binati ako ng katulong ng pagbuksan ako ng front door. Dumaretso ako sa room ko at hindi na inabala pang tanungin kung nakabalik na ba si mamita.
Pagkapasok ko sa loob ng room ko. Agad akong sumandal sa pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Nanariwa sa isip ko lahat ng sinabi ni dad. Kung pano niya ako tratuhin kanina.
Bakit ba asang-asa ako na may babago pa gayung paulit-ulit na lang na ganito ang nangyayari sa akin.
Kahit kailan hindi ako tinuring na anak ni Dad. Paulit-ulit na lang ang sakit na to. Kailan ba ako magsasawa? Kasi akala ko magbabago pa si dad na darating din ang araw na ako naman ang pagtuonan niya ng pansin.
Oras na para pakawalan ang sakit na ito. Ayoko ng umasa pa sa wala. Napatunayan ko na hindi na magbabago pa si Dad. Kasabay ng pagkawala ni Mom ang pagkalayo ng loob namin ni Dad.
Napadausdos ako at humagulhol. Iniyak ko ang sakit na nararamdaman. Biglang pumasok sa isip ko si Mommy. Marahas kong pinahid ang luha ko.
Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Wala akong kasalanan sa kanila. Sila 'yun, ang laki ng utang nila sa akin.
Hindi ko isusuko ang company. Kahit makalaban ko pa si Dad. Hindi ako papayag.
VINCE POV
"Mommy.." lumingon sakin si mom at ngumiti.
"Nagpapakalonely ka na naman." She chuckled.
"I'm sorry anak. Hindi ko lang maiwasang isipin ang anak ko. Kung ano na ba ang lagay niya. Sana lang ay masaya siya ngayun kahit na hindi niya ako kasama." Maluha-luhang aniya.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Ayokong makitang ganito si mommy pero ayoko din na bumalik pa siya sa tunay n'yang pamilya.
Hindi ko kilala ang asawa't anak niya. Tinutulungan siya ni Dad para alamin ang kalagayan ng anak niya. Ang huling balita lang namin sa tunay n'yang pamilya ay nagpakasal na sa ibang babae ang asawa niya.
Nang malaman 'yun ni Mom. Nagkulong siya sa room niya at isang linggo s'yang hindi kumain. Kinausap ko siya ng masinsinan hanggang sa bumalik ang dati n'yang sigla. Ang tanging inaalala na lang ni Mom ang anak niya kung kamusta na ba ito.
Gustong kunin ni Mom ang anak niya pero hindi pa pwede sa ngayun. Malalagay ulit sa panganib ang buhay niya. Ang alam nila patay na siya kaya hindi dapat lumabas na buhay pa siya.
"Mom, magkikita at magkakasama din kayo but for now kailangan mo ingatan ang sarili mo. Sa kakaisip mo sa kanya baka magkasakit ka." She pat my head.
"Ikaw talaga anak. I'm fine, bilang ina hindi mo talaga maiiwasan na hindi isipin ang kalagayan ng anak mo. Matagal s'yang nawalay sa akin. Kung pwede nga lang ay puntahan ko siya at magpakilala sa kanya at sabihin na buhay ako." Pinahid ko ang luha ni mommy.
"Mommy please don't cry. Sige ka iiyak din ako."
Natatawang hinampas ako ni mom. "Ikaw talagang bata ka. Alam mo talaga kung pano pagaanin ang loob ko. Sana kapag nagkita kami ulit ng anak ko. Sana Hindi siya galit sakin."
"Huwag ka na mag-isip pa ng kung ano-ano mom. Mahal ka ng anak mo kaya I don't think na galit siya sayo."
"Sana nga anak. Sana nga.. Siya na lang ang meron ako."
"Mommy, kung sakaling di ka tanggapin ng anak mo. Nandito kami ni Dad para sayo. Di ka namin iiwan."
"Salamat Vince.. salamat sa tulong n'yo sakin ng daddy mo. Kung hindi mo ko tinulungan malamang baka matagal na akong patay."
BINABASA MO ANG
The Unforgettable Night
General FictionRank achived - #10 Generalfiction Vince Montereal a Eligible Bachelor business man. In just One Night Mistake. The Unforgettable Night with the Woman Named Rea Salvador, Vince Montereal can't forget the woman. Who claimed his Heart. Can Vince Love...