MAAGANG gumising si Belle kinabukasan. Gusto niyang maggala sa paligid ng resort. She wanted something to occupy her time. Iyon nga ang dahilan kung bakit siya pumayag sa pangungulit ng lola niya. Nais niyang kahit paano ay maibsan ang pagkabagot at kalungkutan niya. Nais din niyang makapag-isip. Hindi kasi pinayagan ng mommy niya ang patong-patong na engagement proposal para sa kanya. Ayaw nitong masyadong marami ang appearances at interview niya. Nais daw nitong makapagbakasyon siya. Isang bakasyong tahimik.
Nadismaya siya nang makita ang resort. She had expected a more beautiful and breathtaking place and facility. Hindi naman kasi maawat ang lola niya sa pagbibida sa lugar. Sinabi pa nito na hindi niya pagsisisihan ang pagpunta roon.
Napailing si Belle. Mukhang hindi na dinarayo ang lugar. Walang guest na interesado at walang nagtse-check in.
Pero wala rin naman siyang pakialam. Naisip niyang walang mangyayari kung maiinis at magmumukmok siya. Sayang lamang ang oras niya. At isa pa, mukha namang mabait ang mga tao roon, lalo na si Jed.
Napangiti si Belle nang maalala ang binata. Natutuwa siya rito. At hindi niya itatanggi na guwapo ito. Muli siyang napangiti. Noon lamang siya humanga sa isang lalaki sa buong buhay niya. She had met many handsome men. Subalit hindi pahuhuli si Jed kung pisikal na anyo ang pag-uusapan.
Tipikal na kayumanggi ito na kaaya-ayang pagmasdan. He had the perfect frame for his height. Nangungusap din ang mga mata nito. At tila natutuwa ang puso niya na ito ang lalaking tinutukoy ng lola niya na makikilala niya sa resort.
Nagbuga siya ng hangin saka umiling. Hindi dapat si Jed ang umookupa ng isip niya. She should have fun.
Suot ang isang berde at puting bandeau bikini na pinatungan ng puting shirt dress, binitbit niya ang camera at lumabas ng cottage. Naglakad siya sa batuhan hanggang sa makarating sa dalampasigan.
Napabuntong-hininga si Belle. May-kalakasan ang hampas ng alon at mataas pa ang tubig. Marahil dahil mag-aalas-siyete pa lang ng umaga. Hinubad niya ang tsinelas at bahagyang lumapit sa tubig. Hinayaan niyang mabasa ang mga paa niya.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Walang ibang tao roon maliban sa kanya. It was peaceful. Walang sumusunod sa kanya para magtanong ng kung ano-ano. Hindi niya kailangang ngumiti.
Naglakad-lakad siya bitbit ang tsinelas habang pinakikinggan ang mga alon. Hinayaan niyang liparin ng hangin ang buhok niya. Nahiling tuloy niya na sana ay ganoon na lamang katahimik ang buhay niya. Na hindi siya lumaki sa kasikatan. Hindi niya pinagsisisihan na natuto siyang tumugtog ng violin. Gusto niya iyon. Ang inayawan lamang niya ay ang buhay ng pagiging sikat. Ang kawalan ng privacy.
Hindi niya masabing minahal niya si Ron. Maybe it was just infatuation. O higit pa. Hindi niya alam at wala na siyang balak alamin. She just wished it didn't happen. But it did. Hindi na sana niya kinasangkutan ang tungkol sa kanila ni Ron. Hindi sana siya nakasira ng pamilya.
Unti-unting bumigat ang nararamdaman ni Belle. Namuo ang mga luha sa mga mata niya. Tumingala siya upang pigilan ang pagpatak ng mga iyon.
Naisip niyang maglangoy. Baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. Tinanggal niya ang camera na nakasabit sa leeg niya at inilapag iyon sa buhangin na hindi abot ng alon. Pagkatapos ay hinubad din niya ang shirt dress niya. Nanindig ang mga balahibo niya nang tumama sa kanya ang malamig at sariwang hangin.
Muli siyang lumapit sa dagat at naglangoy. She felt refreshed. She continued swimming. Nagustuhan niya ang lamig ng tubig at ang lakas ng alon. She felt so free. She got engrossed by what she was doing. She was enjoying the water. Tumigil siya sa paglalangoy at humiga sa tubig saka pumikit. Hinayaan niyang iduyan siya ng alon. Nagbabaka-sakali siyang maaalis ng tubig-dagat ang lahat ng nasa isip niya.
At dahil nakapikit siya, hindi niya nakita ang isang malakas na alon. Nabuwag siya sa posisyon niya. Muli siyang lumangoy. Hinagilap ng mga paa niya ang buhangin sa ilalim ngunit wala siyang nakapa. Mukhang malayo na siya sa dalampasigan. Sinubukan niyang lumangoy papunta sa pampang ngunit natalo siya ng isa pang malakas na alon. Lumubog siya. Nakainom siya ng tubig dahil sa pagkabigla. Sinikap niyang lumangoy paitaas. Ngunit tila nilalabanan siya ng tubig. Hindi siya makalangoy, hanggang sa pulikatin siya. Hindi na niya maikampay ang mga binti niya. Malulunod siya!
Hindi niya napigilang kabahan kahit na bihasa siya sa paglangoy. Sinamantala niya ang bawat pagkakataong nakakaahon sa tubig upang huminga at sumigaw. Nagsimula na siyang mag-panic. Hindi nawawala ang sakit ng mga binti niya.
Sinikap niyang hindi malunod ngunit sadyang malalakas ang alon at nadadala siya.
"Help!" sigaw niya nang makakuha ng pagkakataon. Masakit na talaga ang mga binti niya. "Help!"
"Billie Anne!" anang isang tinig at biglang may yamakap sa baywang niya. "Take it easy. I'm here."
Hinihingal na nilingon ni Belle ang nagligtas sa kanya. Si Jed. Napangiwi siya nang kumirot uli ang mga binti niya.
"Easy," wika ng binata habang inaalalayan siyang lumangoy pabalik sa pampang.
Niyakap niya ito nang mahigpit. Totoong natakot siya kanina. Paano na lang kung hindi siya nakita ni Jed?
"Sshh, okay na," pag-aalo nito.
Umiiyak na pala siya habang yakap ito. Sinimulan niyang ihakbang ang mga paa niya nang maramdaman niya ang mga buhangin kahit nahihirapan siya. Patuloy pa rin ang pag-iyak niya.
Mayamaya ay umupo siya sa buhangin habang si Jed ay nakaluhod sa harap niya.
"Hey," pukaw nito.
Nanginginig ang katawan niya dahil sa lamig. Lalo siyang napaiyak.
"Billie Anne," tawag ni Jed sa kanya. Hinaplos nito ang mukha niya.
Tiningnan ito ni Belle.
"It's all right," wika nito.
Napatitig siya sa basang mukha nito. Hindi maikakaila ang pag-aalala sa mga mata nito. nakatingin ito sa mga mata niya, tila inaalis ang kaba niya.
"M-my leg. It hurts," sabi na lang niya nang maramdaman ang kakaibang tibok ng kanyang puso.
Hinilot nito nang dahan-dahan ang binti niya. Noon niya napansing board shorts lang ang suot nito. She saw how his muscles moved while massaging her leg. Marahan iyon. Tila naman nawala ang lamig na kanyang nararamdaman.
"Mabuti na lang naisip kong maglakad-lakad. Kung hindi, wala akong alam na lumalangoy ka nang napakaaga. Bakit ba ang aga mong nagising? You should be resting," panenermon ni Jed habang hinihilot siya.
"I-I just want some fresh air," naiilang na tugon ni Belle. Parang iba kasi ang idinudulot sa kanya ng ginagawa nito.
"Pero sana, nagpasabi ka na lalangoy ka para nasamahan ka," sabi nito.
"O-okay na," sabi na lang niya sabay hawi sa kamay nito na nasa binti niya.
"Are you sure?"
Tumango siya.
Umupo ito sa tabi niya. "Kung okay ka na, tara sa loob para magkapag-breakfast ka na. Magaling magluto si Manang Tessie. I'm sure, magugustuhan mo ang niluto niya."
"S-sige." Nanigas siya nang titigan siya nito. Hindi kasi niya maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya alam kung sinisiguro lang nito kung maayos na siya o may iba pang kahulugan iyon. At ayaw niya ng ganoong pakiramdam. "J-Jed," tawag niya rito.
Kumurap ito na tila nagising saka tumayo. Inalalayan siya nito. Hinawakan nito ang kamay niya at iniangkla iyon sa batok nito saka pumalibot ang isang braso nito sa baywang niya. "Slowly."
Pakiramdam ni Belle ay nakokoryente siya. Napabuntong-hininga siya.
"Are you okay?" tanong uli ni Jed. Napakalapit ng mukha nito sa kanya. Nararamdaman na nga niya ang hininga nito sa mukha niya.
"Y-yeah."
Ngumiti ito at tahimik na naglakad na sila pabalik sa resort.
ass=MsoNormal @qw*]8