SINALUBONG agad si Walter ng lamig ng air conditioner nang buksan niya ang pinto ng lounge area. Kinuha niya ang remote niyon na malapit sa pinto at in-adjust ang temperatura. Napatingin siya sa handbag na katabi ng remote. Noon niya naalala na may naghihintay nga pala sa kanya kaya siya nagtungo roon.
Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita niya si Belle na natutulog sa corner sofa.
Hindi agad siya nakakilos at pinagmasdan lang ito.
Gaano na siya katagal dito?
Sa pagkakatanda niya ay tanghali kanina nang malaman niya na may naghihintay na bisita sa kanya. Sinabi niyang pabalikin na lamang ito dahil hindi niya kayang harapin ito. Ngunit si Mr. West pala ang nagpasabi na maghihintay ang bisita niya at kailangan niyang harapin ito. Hindi na siya nakatanggi. Pinilit na lamang niyang tapusin nang mas maaga ang meeting.
Nilapitan ni Walter si Belle na natutulog pa rin nang mahimbing. Nakalilis ang laylayan ng suot nitong dark blue silk dress. Nakalimutan nito na wala ito sa sariling kuwarto. Natutulog ito nang mahimbing.
Hindi ito nagising kahit na umupo siya sa tabi nito. Malaya niyang pinagmasdan ito. Dahan-dahan niyang iniayos ang dress nito. His struggled to keep himself from touching her. Ngunit hindi niya napigil ang sariling haplusin ang mukha nito.
"What the hell are you doing here?" pabulong na tanong niya sa sarili. Nahiling niyang sana ay narinig siya nito. Ngunit nanatiling tulog ito.
Kumusta na kaya ito? Wala namang nagbago sa hitsura nito. Lalo pa nga itong gumanda. Iniwasan niya ang telebisyon kung saan madalas itong makita at ang mga balita tungkol dito. Inabala niya ang sarili sa conceptualization ng bagong magazine upang mas mabilis na makalimutan ang kahibangan dito. Ngunit paano ba niya magagawa iyon gayong naroon ito sa harap niya at tila inaakit siyang muli?
Nalilitong naihilamos ni Walter ang mga kamay sa mukha. Abot-abot ang pagpipigil niyang halikan ito. Her parted lips were so inviting. He had missed her so much. Pero ano ba talaga ang ginagawa nito sa sofa nila at nagawa pang matulog doon? Hindi naman niya magawang gisingin ito dahil hindi niya alam kung paano magsisimula ng usapan. Paano niya tatanungin ito?
May tatlong minuto nang ganoon ang posisyon nila. Nakapatong lamang sa mga hita niya ang kanyang siko habang magkasalikop ang mga kamay. Hanggang sa tuluyan na niya itong nilapitan at tinangkang halikan. His body reacted to that simple kiss. Halos tunawin ng malambot na mga labi nito ang kamalayan niya.
Pero bigla siyang nataranta nang kumilos ito. Hindi na siya nakalayo dahil bigla itong dumilat. Natigilan siya nang makita ang mapupungay na mata nito.
"HI," BATI ni Belle. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Nasa harap niya si Walter at titig na titig sa kanya. Kanina ay naramdaman niya ang halik nito. She knew it was him kaya pilit siyang dumilat upang masiguro iyon. At hindi nga siya nagkamali.
Hindi ito sumagot at pakiramdam niya ay muli itong mawawala kaya mabilis niyang inabot ang mukha nito at hinalikan ito. Natakot siya na hindi na niya madama ang mga labi nito. Kung maaari lamang na sa bawat minuto ay kasama niya ito kaya hindi na siya makakapayag na iwan siya nito. Kahit sa panaginip na lang.
Ginantihan nito ang halik niya at mas malalim ang tugon nito. He even cupped her face and pulled her towards him. Agad na nagbago ang kanyang pakiramdam. Naramdaman uli niya ang sensasyong naramdaman niya noong unang halikan siya nito. Niyakap niya si Walter.
"Ayoko nang magising sa panaginip na 'to," bulong niya habang yakap ito nang mahigpit.
"Hindi ka nananaginip. Gising na gising ka at hindi na ako makahinga sa ginagawa mo," wika ni Walter.