Chapter 11

16.9K 183 0
                                    


BAWAT araw mula nang umalis ng resort si Belle ay lalo niyang hindi nakalimutan si Jed. She really couldn't understand why but Jed must left a deep impression on her. Hindi maalis sa isip niya ang sayang naramdaman niya habang nasa resort. Ang masayang pagtanggap nito hanggang sa hindi matatawarang pag-accommodate nito sa kanya. That he even ended up kissing her. At hindi tulad ng nangyari sa kanila ni Ron, wala siyang naramdamang pagsisisi. She felt so good and free being with him. Tila walang mangyayaring masama sa kanya.

"Miss Billie?"

Napakurap siya. "Y-yeah?"

Nasa tabi niya ang isang staff ng variety show kung saan guest siya. Isa iyon sa iilang appearances niya bago ang concert niya sa Cebu.

"Kayo na po," wika nito, saka lumabas ng dressing room.

Hawak ang kanyang violin ay lumabas na siya upang magtanghal.

Habang tumutugtog sa stage kasama ang isang sikat na singer sa saliw ng isang classic Filipino song ay parang lumilipad din ang kanyang isip. Pakiramdam niya ay gustong tumakbo ng mga paa niya upang hanapin si Jed. Totoong hindi niya maintindihan ang sarili. Iyon ang unang pagkakataon na inisip niya ang isang partikular na tao at noon din lamang siya naglaan ng ganoong atensiyon. Gusto niya muling makausap ito tulad ng naging usapan nila noong nasa resort siya. She had missed him badly.

Pagkatapos ng kanyang performance ay dumeretso siya sa dressing room. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya gayong saglit lamang naman ang appearance niya.

"Belle," tawag ng kanyang ina na pumasok sa dressing room.

"Mom, I'm tired. Can we go home?"

"What's wrong? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito habang lumalapit sa kanya.

"No, not really. I just..."

Bumuntong-hininga ang kanyang ina. "Belle, I know it is hard being here but—"

"Mom, please. It is not about that. Gusto ko lang umuwi na."

"May nangyari ba sa resort? Tell me."

"W-what are you saying, Mom?" kinuha niya ang cell phone mula sa bag niya. Umaasa siyang may missed call si Jed doon. Subalit bigo siya.

"Nagtatanong lang ako. Napansin ko lang ang difference mula nang manggaling ka sa resort. Even Grace noticed you."

Itinirik ni Belle ang mga mata. Gusto niyang isipin nito na hindi siya apektado sa sinabi nito at hindi totoo ang napapansin ng mga ito. "Pagod lang ako. Let's go," wika niya at nauna nang lumapit sa pinto.

"Belle." Sumunod ito sa kanya. "Walang masama kung pag-uusapan natin ang tungkol doon. Kaya kita dinala rito dahil gusto kong makapag-isip ka. Alam kong nasasaktan ka. I'm here. A little chat might help you," sabi nito at hinimas ang braso niya.

"I'm fine," tugon niya.

Ngumiti ito at ito na ang nagbukas ng pinto upang lumabas.

My Gossip Girl COMPLETED(Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon