Kabanata 1. Kilalanin si President Miya

866 20 20
                                    

Alas kwatro ng umaga ay gising na gising na ako. Naghahanda na akong pumasok sa school. Ganyan kasi dapat para maaga kong harapin ang aking mga responsibilidad bilang isang Student Body President. 

Inilagay ko na yung mga notebooks ko sa aking bag saka ko chineck yung cellphone ko. Baka may mga importanteng text message pero sa ngayon,  wala naman. Inayos ko ang aking higaan at naghanda ng maligo. Matapos ay bumaba na ako na suot-suot ang uniporme kong itim na palda na abot tuhod at long sleeves na puting blouse. 

Pagka-baba ko, naka-upo na ang aking Papa, Mama at nakababatang kapatid na si Mark. Tumingin sila sa akin at halata ko ngang hinihintay nila ako. Dali-dali akong pumunta sa lamesa at naupo.

"Hahaha! Ate, astig naman ng eyebags mo, araw-araw palaki ng palaki," pakutya ni Mark.

"Tumahimik ka nga diyan. Sinasadya ko yan 'no, inaalagaan ko para lumaki," sabay dilat sa kanya habang kinakapa ang aking eyebags gamit ang dalawa kong daliri.

Oo nga 'no. Napapansin ko na rin 'tong eyebags kong ito parang nananadya e. 

"Miya, kumusta ang pag-aaral?" tanong ni Papa.

"Ayun po, ayos lang. Maraming ginagawa... Maraming pinapagawa... Masaya... Malungkot," sagot ko. 

"Ganun ba? Kaya mo 'yan," sabi ni Mama saka napangiti na lang si Papa.

"Opo naman po. Go lang ng go!"

Natapos na kaming kumain at sabay kaming umalis ng bahay ni Mark total magkalapit lang ang pinapasukan namin. Mahilig siyang maglaro ng basketball at ako naman volleyball. Naglalakad kaming pumupunta ng school kasi malapit lang naman e. Hilig niyang dalhin yung bola niya sa school kaya nagpapasahan kami habang naglalakad.

Narating na namin yung school niya at pumasok na siya sa gate.

"Bye, Ate Eyebags,"pamamaalam niya.

Nilakihan ko na lang yung mga mata ko sabay ngiti sa kanya.

"Bye, Bunso" saka tumuloy na ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang iniisip ko kung ano kayang projects ang gagawin ko sa school. 

Sa school, kilala ako na matalinong- matalino, naka-fokus sa pag-aaral, strikto at palaban.

Seryoso talaga ako sa pag-aaral ko. Ang IQ ko ay very superior. Walang exam na pinapalampas ko. Gusto ko mataas lagi ang nakukuha ko. Sa ganitong paraan ako nasisiyahan - sa mga achievements ko sa skul - kaya nga gusto ko laging may napapagtagumpayan para maging masaya ako lagi.

May mga kaibigan naman ako, yung Vice President, Secretary at yung iba pang mga members ng Student Body Council. Halos lagi ko silang kasamang gumagawa ng mga project proposals at kung anu-ano pang mga school works.

Pumasok na ako sa gate ng skul at nagmasid-masid sa paligid.

Ang dami pa rin talagang pasaway dito at mas malala ang daming ayaw matuto, yung bang tinatawag na papetiks- petiks. Sinisira lang nila ang imahe ng eskwelahan. Bilang presidente, gusto kong maiayos ang skul namin. Pakiramdam ko responsibilidad ko 'to.

Tama! Dapat tumaas ang rating ng school sa senior year-end achievement test. Dapat tulungan namin ang mga teachers namin. 

ATTN: AFTER CLASS MEETING OF STUDENT BODY COUNCIL OFFICERS

PLACE: STUDENT BODY COUNCIL OFFICE.

AGENDA: PROJECT PROPOSALS.

------------------------------------------------------------------

Hello Reader:)

Nakilala mo na si Miya, ang ever responsible na Presidente. At si Miya naman, makikilala na ang dancer na si Price. Pa'no kaya magkru-krus ang landas nila? Alamin sa susunod na kabanata.

Si DANCER at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon